Chapter 8

775 24 3
                                    

Mated
By EyefulAiry



Chapter 8



Lumakbay ang malikido nyang dila mula sa mga labi ko paangat sa pisngi ko. I was stunned and unable to move even for a second.

Narinig ko ang pagngisi niya. I abruptly closed my eyes as soon as I feel his touch on my neck. He used his fingers to lift up my chin facing me upwards. Ilang beses akong napalunok ng maramdaman ko ang mga hininga niya. Hindi ko ito mawari kung mainit o malamig.

Lalo niyang inilapit ang mga labi sa leeg ko. "You belong to me....." Sinadya nyang bitinin ang sariling sinabi. Yung paghinga nya ay mas lalo ko pang naramdaman. Napakapit ako sa manggas ng suot nyang uniform ng maramdaman ko ang matatalas nyang ngipin na dumidikit at dumadampi sa balat ko. Napasinghap ako ng maramdaman ulit ang dila niya sa parte ng leeg ko paakyat sa panga ko na sinundan ng nakakabiglang pagkagat. Napahiyaw ako sa sakit. I pressed my head on him wanting him to stop. Hinagod nya ang buhok ko kasabay ang pagbitaw nya sa balat ko. The pain is still there. It's a stingy pain na maging sa loob ng balat ko ay ramdam ko pa rin ang sakit.

".....keep that in mind." Pagtatapos sa sinasabi niya. He starts sniffing me like he is addicted. That is giving me the chills at halos mapaiwas.

"Your blood is fucking tasty. I already gave you a warning Rayne. Test me, and you'll regret it." He pinched my cheeks while smirking and then walks away.

Napahawak ako sa leeg ko. I can feel liquid. Napahinga ako ng maluwag. Para akong.....para akong tinanggalan ng hininga kanina....mabilis syang nawala—leaving me alone here in the hallway matapos akong kuhaan ng dugo at sabihing malasa 'yon.  Does vampires really do their things this way? Ayoko na.....how can I be so dense??? Ang tanga ko to think na delikado sya yet I'm moving so freely and reckless. What if....gawin niya akong pulutan? And what does he say? I belong to him? He's wrong! I don't belong to anybody elses. I don't even have a family as well.....so....I don't really belong to....anyone.

Pinunasan ko ang labi at pisngi ko gamit ang likod ng mga palad ko. When I saw my other palm covering my neck there's a tiny blood.

I ended my day cutting the class. Hindi na ako pumasok at umuwi na lang. I lay on the bed after taking a shower.

"What to do? What do I do?" Pagkausap sa sarili. "Should I run away? Excape this place....malayo sa kaniya? Pero...paano? Saan ako pupunta?"

Ilang minuto akong nakatingin sa kisame. Inaantay kung sasagot ito o magbibigay man lang ng konting tulong sakin—but that is impossible since the ceiling can't talk at baka tumakbo lang ako kung bigla itong magsalita.

"Teka...alam ko na!!" Napabalikwas ako ng bangon at dali-daling tumakbo palabas ng kwarto ko.

Nagpunta ako sa library room ng bahay. This house is so big and has lots of rooms. And like what I've mentioned everything is complete except internet and gadgets—I don't know why.

I opened the lights. Itinulak ko ang staircase ladder na nakalagay sa isang gilid at saka itinulak sa kung saan. Now, staring at this books around here, including the boxes...magiging mahirap sakin na maghanap. Ni hindi ko nga alam kung saan magsisimula. I take out a deep breath. Breathe in then breathe out.

Tumungo ako sa kumpol ng mga kahon nasa gilid ng unang shelf. Napagdesisyunan kong dito na lang magsimula. Sinimulan ko na itong halungkatin at ilabas ang mga bagay na nasa loob nito isa-isa habang tinitingnan at sinusuri. Pinapasadahan ko ng basa ang ibang mga papel na nakukuha ko rito.

"Achhhuuu!!!" Napakamot ako sa ilong ko. Sobrang alikabok naman ng isang ito. Nagpatuloy ako sa paghalungkat. Kahit papaano ay naaliw ako sa ginagawa ko dahil may mga nababasa ako na bago sa mata ko. Pero umabot na ng ilang oras—nakaka-limang kahon na ako pero wala pa rin. I decided to stop searching on the boxes at maghanap naman sa mga shelves at tingnan ang mga libro.

Mated | Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon