Chapter 11

627 27 3
                                    

Mated
By EyefulAiry





— Chapter 11 —



Wala akong ibang naging tugon kundi ang mapatitig na lang sa mukha nya.

His sharp eyes are different. Hindi ito matalim, instead may kung anong emosyon ito na pinapahiwatig.

Gaya ko hindi na sya nagsalita pa pero hindi tulad ko ay kumilos na sya. Matapos akong tingnan sa mga labi ko ay agad nyang hinawakan ang panga ko. Sinamantala nya ang pagkakataon na pinagiisipan ko ang mga sinabi nya. He make his way on my neck at pinasadahan ng isang halik.

Mamasa masa ang kayang bibig na sinasamahan nya ng kanyang dila. At di nagtagal ay naramdaman ko na ang mas matalim pa sa karayom nyang mga ngipin. Napakapit ako sa kaniya ng mahigpit at marahang napapikit.

I'm getting used to the pain yet...masakit pa rin. Naramdaman ko ang pagkahigop ng balat ko. He's sucking and starts to drink my blood.

"Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin....." Panimula ko habang busy sya sa ginagawa nya. "P-pero....wala naman ata akong ibang pagpipilian—ah!" Sandali nyang diniinan ang pagkagat bago bitawan ang parteng iyon ng balat ko.

Tinitigan nya ako sa mata habang ang mga mata ko ay nasa mga labi nya na may bahid ng dugo ko. "I already have your word. You told me that you will do everything and you won't argue anymore...just to stop me from hurting someone I'm pissed off." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa sinabi nya. "You have no choice. Do me this favor.....and I'll be a good man....to you." Aniya.


Tipid akong ngumiti sa kaniya na sinundan ko ng maikling pagtango. He licked the side of his lips habang tinitingnan ako sa mga mata.

Umupo ako at hindi naman nya ako pinigilan pero nanatili pa rin syang nakapatong sa ibabaw ko. "Basta yung....promise mo." Agad naman syang ngumiti.

"You have my word."

Napapikit ako ng bigla syang lumapit. I didn't expect what he did. Napadilat na lang ako ng maramdaman ang malambot nyang labi sa noo ko. Ilang segundo ang itinagal non bago sya dumistansya.

"Let's go to school tomorrow.... together." Aniya at tuluyan ng tumayo.

Pinanonood ko ang likod nyang papalayo hanggang sa makalabas sya ng bahay.

Wala na sya pero yung sinabi nya ang tumatak at paulit-ulit na nagpeplay sa isip ko.

"Cover my pain..." Pag-ulit ko sa sinabi niya.

Hinawakan ko ang leeg ko at saka tiningnan ang kamay ko na may bahid ng dugo.
"Hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin sa sinabi nya...pero, siguro hindi masama si Alaric. Siguro......he just needs someone to understand him." Pagkausap ko sa sarili.







~




Inuubos ko na ang natitira sa tinapay na kinakain ko ng may pumasok na lang bigla sa kusina.

Pareha kaming pinasadahan ng tingin ang isa't isa. Naka-uniporme na sya at walang dala na kahit na ano. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko saka lumapit sa kaniya.

Hindi na ako magtatanong kung paano at bakit sya pumasok rito. He'll just answer me na may karapatan sya. Palabas na sana ako ng kusina ng kunin nya ang bag ko. Tiningnan nya lang ako at saka ngumiti. I froze when he did that.

I don't recall him smiling like that. Is this the first time that he smiled at me like that?

Matapos ang ngitian ay umangat ang labi nya. "I told you, we're going to school together." Aniya at hinawakan ang kamay ko.

Mated | Slow UpdateWhere stories live. Discover now