Chapter 26

333 11 6
                                    

Mated
By EyefulAiry




— Chapter 26 —

Dalawa silang nasaktan? Alaric and Gena's affair?

Lalong nagkaroon ng mga tanong sa isip ko. Nagsalubong ang kilay ko at nakunot ang noo. I don't know if what he's saying is true kaya sinuri kong maigi ang mukha nya. Ang mga mata nya. He has amber eyes but he doesn't have the same amber eyes as Alaric. Mas kaya kong tagalan ang kanya.

Pero kahit maraming namuong tanong sa isip ko, nanatili akong tikom ang bibig. I didn't ask nor do anything. Umangat ang labi nya as he shook his head tila hirap na. A sign that he's about to tell more.

"I was inlove with Gena since the first time I saw her. Unang tingin ko pa lang sa kaniya alam ko ng mate ko sya. And she had the same feelings as mine. We got along, naging magkasundo sa lahat ng bagay. I bite her. I marked her mine. Ipinakilala ko sya sa lahat....maging sa kapatid ko....kay Alaric." Yumuko sya as if remembering the pain that has to come.

I respect him telling his story kaya nanatili pa rin akong tahimik. Alaric seems to not be reading my mind. Siguro ay dahil busy sya sa kung ano man ang pinaguusapan nila sa loob. Dahil kung nagkataon na naririnig nya ako...kami then maybe he was barging here and will cause a scene. Sa tingin ko lang...

"But I didn't expect that Alaric will grow feelings on her. Naging sila behind my back. Knowing that Alaric has his mate!" Napuno ng hinanakit ang tinig nya.

"Akala ko noong una they we're just getting along. But no! They're cheating behind our backs! Until one time....hinanap ko si Gena. But I was surprised to see her sa kwarto ng kapatid ko. Sa chamber ng hari ng mga Vampires....they we're doing lovemaking!" Naging mapakla ang mukha nya. Ang tinig nya ay gumaralgal.

Napahawak ako sa tela ng damit ko. Dahil sa emosyong bigla kong naramdaman. Parang nanikip ang dibdib ko. Parang sa isang iglap naramdamam ko ang nararamdaman nyang bigat at sakit. Naikuyom nya ang kaniyang mga kamay at marahang nanginginig. That act of him prove me. He can't be lying.


"Kinuha na nya lahat sakin. Lahat lahat. Pati ba naman ang pinakamamahal ko?" Tila pagkausap nya sa sarili. Nangilid na rin ang mga luha nya. Pero marahas rin nya itong tinanggal.

"Sa sobrang galit ko. Sinugod ko sila. Sa sobrang galit ko gusto ko silang patayin. But of course. I can never kill my brother. He's my brother, flesh and blood. Hindi kami hahayaan ng mga kapangyarihan namin na mapatay ang isa't isa kahit gaano pa kami kalakas. Pero siniguro ko na mailalabas ko lahat ng galit ko." Pagkwento nya na parang isang nakakatuwa at nakakahiyang pangyayari iyon.

"Syempre. I was accused as the wrong one. Ako ang unang sumugod eh. Despite sa rason." Natawa syang ng mapait. Pero kahit tumawa sya yung mga mata nya ay nagsasabi ng kabaliktaran.

All of a sudden nanlambot ako sa itsurang iyon ni Larc Lewis. He has.....he has so much in his head. His memories. And vampires has lifetime....a forever to keep them. Yet...napakasakit na alaala ang nabaon sa kaniya.

"Akala namin. Doon na magtatapos ang relasyon nila. By the way it was our 15th anniversary ng makita ko silang dalawa." Kumirot ang puso ko sa ikinuwento nyang iyon. Suddenly I want to hug him for comfort but I chose not to.

"Pero hindi. Gaya ng sabi ko, 50 years ko na syang fiance. At 50 years na rin kaming magkarelasyon ni Gena. And they we're cheating on us for about....5 years?" He asked himself.

"Di ko na matandaan. It feels forever. Yung pain? Dang it bro. Ang sakit sakit. Araw-araw tinotorture ako non. A year is just a month for me...for us Vampires actually...pero yung limang taon na yon? Sobrang tagal. Na parang gusto ko na lang magpapatay sa mga vampire hunters noon." Napayuko ako sa ikinukwento nya.

Mated | Slow UpdateWhere stories live. Discover now