Chapter 3

918 38 2
                                    

Mated
By EyefulAiry


Chapter 3


Sapu-sapo ko ang ulo ko ng magmulat ako ng mata. Para akong nahihilo. Hindi pala parang...nahihilo talaga.

Panay ako pagkurap habang tumatayo sa aking kinauupuanan. Agad akong nasilaw sa liwanag na tumama sa mukha ko.

Umaga na pala.

I check the time. It's 6am in the morning. No wonder may araw na.

Humikab pa muna ako habang tinitingnan ang orasan sa side table.

Haaaalaaaaaa!!! Late na ako!!! Agad akong tumalon sa kama at sa kasamaang palad ay tumumba ako dahil biglang nagblack out yung paningin ko dahil sa biglaang pagtayo. Boplers naman..

Nang makapag-adjust na ang utak ko at ng luminaw na ang paningin ko agad na akong tumakbo sa CR tapos naligo. Sanggala. No time for breakfast na to. Shemay.

Napahinto ako sa pagsuot ng uniform ko ng makita ko ang kung anong marka sa leeg ko. Agad akong lumapit sa salamin at tiningnan ng maigi ang nasa leeg ko. Marka ng kagat at dalawang butas na maliit.

Nanlaki ang mga mata ko. So hindi panaginip yung nangyaring pagkagat sakin ni Caleb kahapon?

Tch. Bahala sya dyan. Di kami bati dahil sa ginawa nya. Tama bang mangagat ng tao?

Ah siguro yun ang dahilan kung bakit kami pinagtitinginan. Yun yung dahilan kung bakit ganon makatingin yung mga tao. Kasi....nangangagat sya. Sakit ata nya yun kaya ilag sa kanya lahat.

Sayang. Gwapo sana kaso mahilig mangagat. So meaning na-ulul sya? Halaaaa. Kawawa naman. Teka! Kung na-ulul sya...tas nikagat nya ako...edi...OH HOLY CHEESE PIZZA!! Ma-uulul na rin ako!?!? Halaaaaa! Ayaw! Yaaahhhh!!!

~

"Sorry s-sir. I'm late...sorry po." Hinihingal kong usal.

Tinakbo ko kasi mula gate hanggang rito sa 4th floor. Puno yung elevator kaya naghagdan ako. Phew. Kapagoood.

Nagtaka ako ng makita ang prof naming lalaki sa aming 2nd subject na tumango lang. Di man lang ako papagalitan?

Yumuko na lang ako at pumasok na. Nagtaka naman ako ng makita ang mga naawang tingin ng mga kaklase ko. Bakit?

I quickly smiled when I met Lily's eyes. Tipid lang syang ngumiti sakin at bumalik sa pagsusulat sa notebook. I quickly sat to my sit at pilit na sumabay sa klase.

~

"Lily! Tara kain tayo sa canteen" Malapad ang ngiti kong bati matapos lumabas ng prof namin.

"A—ah...si-sige. Sandali lang." Niligpit nya ang gamit nya. Bakit ba lagi syang nauutal?

Ngumiti ako sa kanya ng tingnan nya ako matapos tumayo. "L-lika na?" Aniya. Tumango ako sa kanya at saka sabay kaming bumaba.

Mabilis naming naubos ang pagkain namin ng biglang natahimik na naman ang lahat ng tao rito. At lahat sila sakin ang tingin...."Bakit na naman?" Naiirita na ako dahil lagi na lang! Parang bawat kilos ko eh alam nila. Nakakainis na. Hindi ko tuloy maiwasang mapasimangot na lang.

Nakita kong napalunok si Lily at iyon na naman ang pagka-uneasy nya. Kaya naman nilingon ko ang likuran ko ng makita syang panay ang lingon sa gawi na yun.

Napatingala ako ng makita kung sino ang nakatayo sa mismong likod ko. "Hmp!" Agad akong nag-iwas ng tingin. Nagulat naman ako ng marinig ang mumunting pagkagulat sa mga tao.

Mated | Slow UpdateWhere stories live. Discover now