Chapter 28

304 16 2
                                    

Mated
By EyefulAiry






— Chapter 28 —



Bawat araw na dumaraan mas nakikita ko na kung paano tumatakbo ang buhay ng mga katulad nila. Since the day na bumalik na kami rito Alaric became less possessive. He's letting me go out kahit hindi ako magpaalam sa kaniya. Yung tatlong maid lagi silang nakabuntot kahit saan ako magpunta kaya hindi ko alam kung bilin sa kanila yon.


Sa unang tingin, natural na papasok sa isip ng kung sino na....'delikado, nakakatakot, mapanganib, madilim at puro dugo' kapag usapang Vampires Realm.

At oo. Yun pa rin ang iniisip ko. Kapag lumingon ka sa bawat sulok ng castle ni Alaric wala kang makikita na mga makukulay na gamit, bukod sa mga bulaklak na natural na lang kung tumubo sa hardin nila. Kapag lumibot ka sa bawat pasilyo ng castle baka maligaw ka na lang—hindi dahil sa masyadong malaki ang castle—well isa na rin yon pero ang main reason is.... because of the ambiance and how those hallways looks like.

But what makes me look at this different is..... Vampires are also humans.

As for me.

Why?


Because they still live freely on their own world. They laugh, they sober, they talk together, gossip, they hang out, they court, they joke.....lahat. Lahat ng nagagawa nating mga tao ay nagagawa nila. And they can be friendly too.


"Hindi ko maintindihan kung anong meron sa lalaking yon!" Napalingon ako sa kung saan ng marinig ang pamilyar na tinig.

"Anong meron? Wala naman. Pero yung lalaking yon hindi umiinom ng dugo. Yon. Yon ang pinagkaiba nyo."

Sa sulok ng outside hall kung saan makikita ang malaking painting ng mapa ng kung ano sa sahig, andon ang dalawa. Si Aros na mukhang yamot ma yamot at si Argon na prenteng prente lang kung makatayo.

"Iyon na nga! Ako nga tong bampira oh! Malakas! Nasakin na lahat! Pero bakit—ay puta!" Halos tumalon na sya sa mga bisig ni Argon ng makitang nasa tabi na nya si Vaune.

Maging ako na nanonood lang sa kanila ay nagulat rin sa biglaang pagsulpot ni Vaune.

I envy that ability of them. I feel like I can go whenever I want with that tapos pwede ko pang gulatin si Alaric. Magugulat rin kaya sya ng ganyan? Ay impossible. Iba yon eh. But still....that skill of them is sooo cool!


"Ano ba ang ginawa sayo ni Lexus para magkaganyan ka?" Nanliliit ang mga matang tanong ni Vaune.

Napanganga si Aros at ilang segundo pa munang natulala. Siguro di pa nakakabawi sa pagkagulat. Agad rin naman syang tumikhim at ilang beses na lumunok. Nang matawa si Argon pasimple nya itong sinipa.

"Marami." Taas noong sagot nya kay Vaune.

"Tulad ng?" Nakataas na ang kilay na tanong ni Vaune.

Natahimik ulit si Aros. Pero agad ring sumeryoso ang mukha. "Alam mo, hindi ko alam kung...manhid ka o ano. But that man. That mortal man. Inaagaw ka nya sakin. At yon. Yon yong—" Aros was cut off

"Paano naging marami ang isang dahilan mo?" Vaune.

"Lahat sayo! Marami yon! Lahat sayo inagaw na nya!" Aros

"Must leave here..." Paalam sana ni Argon pero hinila sya ni Aros pabalik ng hindi man lang inaalis ang tingin kay Vaune.

"Hindi ko alam kung bakit ganyan ang nararamdaman mo. First things first, I was never yours para maagaw." Sagot ni Vaune dahilan para matigilan si Aros.

Mated | Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon