Chapter 29

313 12 0
                                    

Mated
By EyefulAiry






- Chapter 29 -



"D...Dad...." Paghagulgol ko.

Hindi matigil ang pagbuhos ng mga luha ko. Maging ang tinig ko ay hindi ko kontrolado. Yung mga labi ko na halos mamanhid na at hindi na natigil sa pagnginig. Walang ibang sinasambit ang mga labi ko kundi...

"Daddy...."

Nakaramdam ako ng haplos sa aking likuran. Hindi ko sya magawang tingnan. Kung sino man sya, salamat. I'm thankful because whoever this person ay parang inaalo nya ako.

"Shh. Tahan na ija...." anito.

Sa boses nito alam ko na kung sino sya.


"Y-ya.....yaya....si...si Dad....si Daddy..." Paghikbi ko.

"Jusko ija...." Hindi nya mawari ang gagawin kaya niyakap na lamang nya ako.

"Ija. Tumayo ka na riyan sige na....k-kanina ka pa nakaluhod diyan eh." Hindi mapakaling saad ni yaya.

Umiling ako bilang sagot. "Daddy...." I keep on crying and crying.


"Aahhhh!!! Uwaahhh!!! Arman!!! Arman!!!" Natigil lang ang paghagulgol ko ng marinig ang exaggerated na iyak na iyon. Pero patuloy pa rin ako sa pagluha.

Isang babae ang yumakap sa kabaong ng aking ama at walang habas na nagiiyak iyak ron na aakalain mong hihimatayin na. Dahilan para magsilapit sa kaniya ang ibang tao para sya ay ilayo at patahanin with matching paypay at pag-abot ng tubig.

Sumama ang tingin ko sa kaniya.

Ni hindi pa man tapos ang kanyang eksena ay may pumasok ng isang babae na mas bata pa sakin ang edad. Tila nagtatantrums ito at hindi mawari ang gagawin.

"Daddy!! Oh my God! Daddy!! This can't be! Daddy!!!" Pag-iyak nito na halos isigaw na nya ang bawat hagulgol nya.

Napapunas ako ng mga luha ko. Ang kakapal ng mukha nilang magsipunta rito. Matapos magbakasyon ng anim na buwan sa kung saang lupalop man ng mudo ang dalawang to ng wala man lang ni 'hi' ni 'hoy' sa amin ni Daddy ay ngayon babalik sila dito na para bang talagang nawalan sila ng minamahal sa buhay.

Inalalayan akong itayo ni yaya habang nagpupunas ako ng mga luha ko at masama ang titig na ipinupukaw sa kanila.

Ang mahadera kong madrasta at kapatid. Ang dalawang to....


"Anong ginagawa nyo dito!?" Sigaw ko sa kanila.

"Bakit mo kami sinisigawan, Rayne?" Mala inosenteng tanong ng babaeng ito.

"Bakit? Bakit!?! Dahil sa inyo namatay si Daddy!!" Sigaw ko at idinuro pa sila dahilan para mapaismid sila at mapalunok.

"Dahil sa inyo nawala ang daddy ko! You gold diggers! After my mom died you came in to make my dad's life living hell! You make our lives a living hell!!" Sigaw ko. Nakukuha ko na ang atensyon ng mga tao pero sa puntong to wala na akong ibang naiisip pa na tama. Na sa puntong ito tama ang ginagawa ko at kailangan ko itong mailabas. Kailangan ko silang masumbatan. Sa puntong to gusto kong magalit ng magalit sa kanila!


Mated | Slow UpdateWhere stories live. Discover now