Chapter 4

27.8K 999 42
                                    

Arrow Perez

"Kung kinakailangan ay huwag kang makipag-usap sa iba, huwag ka ring lalapit sa kung sino. Sa amin lang, Arrow," banta sa akin ni Saiko habang inaayos ang sintron sa pantalon ko.

I smiled at them 'saka tumango-tango. "Opo."

Miyuki chuckled habang may subong lollipop sa bibig. "No need to be so polite, we are your friends now, and remember to stay by our side no matter what."

"At isa pa pala, Arrow, if you ever encounter someone na Reid ang pangalan. Tumungo ka na lang, huwag ka ng makikipag-usap or what, okay?" Tumango ako sa sinabi ni Sabrina.

"B-Bakit? Masama ba siya?" Kinakabahang tanong ko.

"Sabihin na lang natin na malakas siya, pang-anim siya sa pinakamalakas dito sa University and she's the only girl who made it to top 10," paliwanag ni Sabrina.

Siguro nga ay tama sila, hindi ko na lang kakausapin ang Reid na 'yon kung sakali mang magkatagpo kami.

Kailangan ko lang din siguro piliin ang mga magiging kaibigan ko.

"May ranking pala dito?" tanong ko.

"Hindi naman talaga kailangan non, pero estyudante ang nagbotohan para doon." Tumango-tango ako sa sinabi ni Miyuki.

"Kung may botohan nga ng pinakamabait dito, ikaw talaga kauna-unahan." Dinuro ako ni Sabrina na ikinatawa nila Saiko.

"Bakit ako?" Nakangusong tanong ko.

Natatawang umiling lang sila.

"Tara na nga, gusto ko sa likod umupo kaya dapat ay maaga tayo." Hinila na kami ni Saiko palabas ng dorm.

"Nakabase ba yung room ng dorm sa program na kinuha natin?" tanong ko sa kanila habang nagpapadala na lang.

"Oo. Kaya pare-parehas tayo ng program at schedule." Si Miyuki ang sumagot sa akin.

"Hala edi ang ganda no'n! Tabi-tabi tayo, ha?" nakangiting kumapit ako sa mga braso nila.

Saiko grinned. "No need to be sweet."

Napanguso ako at bumitaw sa kaniya. "Sabrina." Ngumiti ako nang matamis kay Sabrina.

Tumawa lang ito at inakbayan ako.

"Bad talaga si Saiko at Miyuki, Arrow. Dito ka lang sa akin. I really like you." Kinurot niya pa ang pisngi ko kaya napahagikhik ako.

"Thank you," namumulang sagot ko.

Nagpatuloy na kami hanggang sa makalagpas na kami sa dormitory.

Napalunok ako at napakapit nang mahigpit kay Sabrina dahil sa titig ng mga estyudante.

"W-Why are they staring?" Kinakabahang sumiksik ako kay Sabrina at Miyuki.

Nakita kong sinamaan ni Miyuki ng tingin ang ibang estyudante. Natakot din siguro yung iba kasi ang kapal ng eyeliner niya, tapos ang siga pa niya.

Si Saiko naman ay umabante din at seryosong tiningnan ang iba.

Napalingon ako kay Sabrina nang irapan nito ang mga babae sa gilid namin.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon