Chapter 12

25.6K 835 65
                                    

Arrow Perez

Pilit kong sinasabi sa sarili na huwag nang pumunta sa kung ano mang ingay na 'yon.

Pero kusa na lang naglakad ang mga paa ko pahakbang papalapit doon.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang papalapit sa lugar.

Napatigil ako nang may matanaw na paa na nakatago sa damuhan.

Tuluyan nang nagimbal ang mundo ko nang humakbang pa ako papalapit, at makita ang katawan ng isang estyudante.

Duguan ito at puno ng sugat sa katawan.

Napaiyak ako dahil sa labis na panginginig. I can't move my body, hindi ko maigalaw ang mga paa ko paalis.

Kung kanina ko lang narinig ang ingay, panigurado ay nandito pa ang killer.

Hindi ko alam ang gagawin ko, mabilis kong kinuha ang cellphone mula sa bulsa.

I tried calling the police pero mali-mali na ang napipindot ko dahil sa labis na panginginig.

Napasigaw ako nang bigla na lang umurong ang katawan ng estyudante.

Para bang may humihila dito.

Umakyat ang tingin ko sa lalaking may hawak-hawak sa katawan nito.

Halos mawalan ako ng hininga nang makasalubong ko ang mga mga mata nitong kulay asul.

Natatakpan ng kulay itim na maskara ang mukha niya kaya ang mga mata niya lang ang malaya kong makita.

I saw how he throw the student's body away from me.

Unti-unting naglakad papalapit sa akin ang lalaki kaya nanginginig na napaatras ako.

"D-Don't come n-near me. Please, huwag m-mo akong patayin," pakiusap ko sa kaniya.

Pero parang walang narinig ang lalaking 'to. Lumapit pa ito papalapit sa akin.

Dahil sa labis na panginginig ay bumagsak na lang ako sa damuhan at napaiyak.

"Please, d-don't kill me," nagmamakaawa kong saad dito.

Para akong kinapusan ng hininga nang dumukwang ito papalapit sa akin.

Tinitigan niya nang maiigi ang mukha ko bago bumalik ang mga mata niya sa mga mata ko.

I gasped when he raised his hand, napapikit ako dahil ayokong makita kung paano niya ako paslangin.

Ilang sandali pa ang hinintay ko nang maramdaman ang kamay niya sa pisngi ko.

Nag-angat ako ng tingin dito dahil sa gulat.

Nanindig ang mga balahibo ko nang bahagya niyang haplusin ang pisngi ko.

"W-Who are you?" tanong ko rito.

"Hmm?" malambing ang boses niya na ikinataka ko.

"B-Bakit mo siya pinatay? P-Papatayin mo r-rin ba ako?" nanginginig ang boses na tanong ko.

Tumingin lang siya muli sa mga mata ko 'saka nilapit ang mukha.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon