Chapter 21

24.9K 817 51
                                    

Arrow Perez

"Hoy! Bakit ba tulala ka simula kahapon? What happened to you, Arrow?" takang tanong ni Sabrina habang nakakapit sa braso ko.

"I'm j-just... just--"

"Just what? Kahapon ka pa lutang simula noong umuwi ka sa dorm. May ginawa ba sa 'yo si Froze?"

"Wala!" mabilis na sagot ko kay Saiko.

Nakita ko ang mga makahulugan nilang pagtitinginan bago ako pinagmasdan nang maigi. "You're lying," ani Miyuki.

"Ha? Hindi kaya," mabilis na pagtanggi ko at umiling-iling pa. "Nag-usap lang k-kami. Iyon lang naman talaga."

Napangiwi ako nang batukan ako ni Sabrina. That hurts!

"Don't you ever lie to us! Kung nag-usap lang talaga kayo, then why are you blushing?!" nanlalaki ang matang singhal niya.

Mabilis ko namang tinakpan ang magkabilang pisngi ko. "C-Cause it's quite hot."

Forgive me God for lying.

"Huwag mo kamung ginu-good time, Arrow. Sinuko mo na ba ang v-card?" tanong ni Miyuki.

Napakunot naman ang noo ko. V-card?

"Ano 'yon?" nakakunot noong tanong ko.

Sabay-sabay silang napatampal sa noo nila. "We're talking about your virginity."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling. "No! Ano ba 'yang pinag-iisip ninyo? You guys are so green minded!"

Batid kong namumula na ako sa inis at hiya kaya mabilis ko silang sinimangutan.

Tumawa lang sila sa reaksyon at sinabi ko. "Kailangan pa pala naming sabihin sa 'yo ng sakto. You're so innocent nga pala," sarkastikong sabi ni Saiko.

Napalingon ako muli sa kanila at inambahan sila ng palo. Mabilis naman silang nakailag habang tumatawa pa.

"I told you, wala ngang nangyari!" pumapadyak na singhal ko.

"We're not saying anything!" pang-aasar pa ni Sabrina.

"B-But... you're looking at me like you're teasing me pa rin," nagtatampong saad ko.

"No no no. Ganito lang kami maningin," ani ni Miyuki.

Sabay-sabay na naman silang tumawa kaya hindi ko na maiwasan ang mapaiyak sa inis.

Suminghot ako para pigilan ang pag-iyak pero nagtuluan pa rin sila.

Nanlalaki ang mga matang nilingon ako nila Sabrina. "Hala! Naiyak siya, oh!"

Naghagalpakan pa sila ng tawa habang nakaturo sa akin kaya mas napaiyak at napapadyak ako sa inis.

Kahit anong punas ko ay tulo pa rin nang tulo ang mga luha ko.

"Stop--" my voice broke. "Stop teasing m-me!"

"Alright alright. Tumahan ka na." Pag-alo sa akin ni Sabrina.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now