Chapter 6

26.4K 1K 130
                                    

Arrow Perez

Pagkatapos naming kumain nila Saiko ay dumiretsyo kami dito sa gym ng University.

Gusto kasi namin dalawa ni Saiko mag-aral at dito lang naman daw kadalasan walang tao.

Magkatabi kami ngayon ni Saiko sa upuan kaharap ang laptop. Balak kasi namin gawin na yung pinagawa ng professor namin kanina sa History.

Simple lang naman 'yon, may kailangan lang kami i-research para mai-report kay prof bukas.

Sila Sabrina at Miyuki naman ay nasa tabi lang namin, busy sa paglagay ng eyeliner si Miyuki. Si Sabrina naman ay busy din sa pagme-make up.

"Unahin na lang muna natin 'tong last page, feeling ko kasi mas connected yung last page dito sa topic ng front page," suhestiyon ko kay Saiko.

Tumango-tango naman ito. "Yeah, just do the research, aayusin ko lang yung notes na sinulat ko kanina para sa guidelines."

Pumwesto na ako sa harap ng laptop para makapagsimula na.

Inalis ko muna ang atensyon ko sa paligid ko pero sinigurado kong naririnig ko pa rin sila para kapag tinawag nila ako ay makalingon ako.

"You have to put this first, Miyu, ano ba 'yan?" Boses iyon ni Sabrina.

Napailing na lang ako nang mapalingon sa kanila. Tinuturuan ni Sabrina si Miyuki na mag-apply ng mascara.

Muli kong nilingon ang laptop at pinagpatuloy ang ginagawa.

Mas nakapag-focus ako nang bigla na lang silang tumahimik tatlo sa gilid ko.

"Shit, Saiko. Umalis na tayo dito."

"Fuck, bakit nandito si Froze?" Napalingon ako kila Saiko.

Namumutla silang tatlo habang nakatingin sa isang direksyon.

Nandoon ang isang lalaki na kahuhubad lang ng suot na pang-itaas.

Napalunok at namula ako nang makita ang pang-itaas na katawan nito.

May mga bukol, yung tinatawag na abs.

Ang gwapo-gwapo din niya!

Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong lalaki.

Hindi niya lang kami masyado makita dahil medyo malayo kami sa puwesto niya.

"Ang gwapo-gwapo niya, Saiko." Parang baliw na nanlanta si Sabrina habang nakatingin sa lalaki na ngayon ay sinusuntok na yung punching bag.

Napatulala na lang din ako.

May crush na ako. May crush na ako!

Mommy, daddy, I'm sorry po.

"Hahalikan ko talaga siya araw-araw kapag naging kami." Nakapangalumbaba din si Miyuki sa tabi na ikinakunot ng noo ko.

"Crush n'yo d-din siya? Kasi ako crush ko siya." Ngumiti ako ng matamis sa kanilang tatlo.

Sabay-sabay naman silang nagsilingunan sa akin.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now