Chapter 23

23.4K 954 150
                                    

Arrow Perez

Kasalukuyan akong naglalakad para hanapin sila Miyuki nang bigla na lang may humila sa akin.

I gasped nang isandal ako ng taong 'yon sa pader.

Pasigaw na sana ako para humingi ng tulong pero nagulat ako nang makita ang mukha ni Froze.

"F-Froze," utal na sambit ko sa pangalan niya.

I saw how the side of his lips curve. "How's my angel doing while I'm gone?"

Namula ako sa tinawag niya sa akin. Hawak-hawak pa rin niya ang magkabilang baywang ko at nanatili akong nakapinid sa pader.

"A-Ano, ayos lang," nahihirang usal ko.

"But I'm not feeling well, today," parang nanlalambing niyang sabi na humilig pa sa balikat ko.

Hindi siya okay?

Pero ang sabi nila Homer healthy naman daw ang halik kaya bakit hindi siya okay ngayon?

"M-May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ko.

"No. But I don't feel well, 'cause I miss you so much," malambing niyang bulong.

Pakiramdam ko ay kulay kamatis na ang mga pisngi ko sa pamumula.

"Ang sabi sa akin nila Homer, healthy naman daw ang ginawa natin noong isang araw. Kaya bakit masama ang pakiramdam mo?" nagtatakang tanong ko.

Tiningala niya ako na may pagtataka.

"Healthy? What's healthy? And why are you talking to that jerk?" magkakasunod na tanong niya.

"Sabi kasi nila Homer at Juana nagbibigay daw ng kalusugan 'yung kiss. Bakit hindi ka naman mukhang healthy ngayon?" sagot at tanong ko.

Kitang-kita ko kung paano umangat ang sulok ng labi niya.

"May pakinabang din pala ang dalawang 'yon," I heard him whispered.

"Ano na? Bakit nga hindi ka healthy?" pangungulit ko.

Gusto kong malaman, mukha naman hindi nagsisinungaling sila Homer sa sinabi nila.

"Yes, baby. Kiss is very healthy. Now that I feel sick, I need it again," may mapaglarong ngiti sa mga labi niya.

Hindi ko na lang pinansin ang ngiting 'yon.

Kailangan niya raw ulit? Aha! Tama nga ang sabi nila Homer, dapat daw ay palaging ginagawa para maging mas healthy.

"S-Sige, gusto mo ulit ng kiss?" tanong ko.

He smirked mischievously bago ako hapitin sa baywang.

"Sorry for corrupting your innocence, my love. But I'm damn smitten," sagot niya bago ako halikan.

Nanatili lang akong nakadilat at hinayaan na lang siya.

Ang lambot lambot talaga ng labi niya.

Napakapit ako sa balikat niya nang magsimula nang gumalaw ang mga labi niya sa labi ko.

Napapikit na rin ako sa paraan nang paghalik niya.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now