Chapter 8

26.1K 922 17
                                    

Arrow Perez

"See you again, class. I'll check your reports tomorrow, alam na ninyo ang consequence kapag wala kayong napakita." Iyon ang huling sinabi ni professor Karyl bago lumabas ng room.

Napainat ang mga kaklase ko pati sila Sabrina, ayaw na ayaw kasi nilang dalawa ni Miyuki kay professor Karyl.

Masyado raw kasing masungit at strikta.

"Saiko, nasulat mo ba yung--"

"Uwian na, Arrow, enough na sa aral." Pagputol sa akin ni Sabrina.

Nakaliyad na ito sa upuan niya.

"Kayo talaga," naiiling na sabi ko.

"Uwi na tayo, guys, antok na antok na talaga ako," nakikiusap na sabi ni Miyuki habang nakadukdok sa lamesa niya.

"Mauna na kayo, I'll go to the library first," sabi naman ni Saiko habang inaayos ang gamit niya.

"Sama ako, Saiko. Hahanapin ko din yung libro na sinasabi kanina ni professor Fred," nakangiting sambit ko dito.

Tumango naman siya at ngumiti nang bahagya. "Mauna na kami ni Arrow, ikaw Sabrina, tanggalin mo 'yang make-up mo bago ka matulog."

Napanguso si Sabrina at umirap pa kay Saiko.

"Opo mommy!" nagdadabog na sagot nito.

Nauna na kaming lumabas ni Saiko, gusto ko na kasing gawin ngayon yung pinagawa sa amin ni professor Karyl.

Pinapahanap kasi niya yung libro na sinulat ni Jeen David, doon kasi nakasulat yung pinanggalingan ng mga silk clothes na ire-report namin supposed to be sa History.

Nang mahanap naming dalawa ni Saiko yung librong gusto namin ay umupo na kami sa isang table.

"Ano 'yang binabasa mo, Saiko?" tanong ko sa kaniya habang sinisipat yung librong hawak niya.

"Dream or Wander," simpleng sagot niya.

"Sinong nagsulat niyan?" usisa ko pa.

"Aundrei Santillan." Nagulat ako sa sinabi niyang pangalan.

"Talaga? Magaling din siyang painter, ang dami ko na ngang nakolekta na mga paintings niya," nakangiting sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin at inilingan ako. "They are twins, Arrow. Yung tinutukoy mo is Audrey, and the writer of this book is Aundrei Santillan."

Natigilan pa ako saglit sa sinabi niya, may kakambal pala si Audrey Santillan. Ang galing galing niyang painter, ang astig pa kasi may kakambal siyang author.

"Mind if I join you two?" Sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita.

I gasped when I realized who was it.

Tumingin ako kay Saiko at saktong nakatingin din siya sa akin.

"Y-Yeah," si Saiko ang sumagot sa tanong ni Homer.

Mabilis namang umupo si Homer sa tapat naming upuan.

"Hello, Arrow. It's nice to meet you again." Ngumiti siya dahilan para lumabas ang mga dimples sa magkabilang pisngi niya.

Mukha talaga siyang mabait at sweet na lalaki, kaya hindi ko talaga alam kung dapat ba siyang katakutan.

"N-Nice to meet you rin," sagot ko.

Bahagya siyang tumawa at naiiling na tumingin sa akin.

"You don't have to be shy when I'm around, magkaibigan na tayo, Arrow." Tinaas-baba niya pa ang kilay matapos sabihin 'yon.

Lumingon muna ako kay Saiko bago sumagot. "Salamat k-kung gusto mo akong maging kaibigan, pero--"

"Huwag mo namang tanggihan ang pakikipagkaibigan ko porket alam mo na ang posisyon ko. I really want to be one of your friends." Sincere naman siya dahil iyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Give me two valid reasons kung bakit gusto mong makipagkaibigan sa kaibigan ko," matapang na sagot ni Saiko.

Homer just smiled. "First is, she looks nice. And second is..."

Pabitin muna siya bago lumingon sa akin.

"I like Sabrina."

Parehas kaming nagulantang ni Saiko sa pag-amin nito.

Napatawa ako sa tabi habang si Saiko naman ay naiiling na tumawa din.

"Manggagamit ka, gusto mo akong kaibiganin para mapalapit ka sa kaibigan ko," pang-aasar ko sa kaniya.

Namumulang kinamot niya ang tainga. "I like Sabrina, I really like her. Matagal na. Pero natatakot lang ako sa dalawa niyang kaibigan, natatakot akong lumapit. So when I noticed that Sabrina seems so close to you, ikaw na lang ang nilapitan ko."

Napailing ako sa paliwanag niya.

"Magco-confess ka lang naman bakit hindi mo pa dineretsyo kay Sabrina. Atsaka ito, si Saiko?" Inakbayan ko si Saiko sa tabi ko. "Hindi ito nangangain. Mabait siya, masungit nga lang minsan."

Sabay silang tumawa sa sinabi ko.

"Please do not tell this to Sabrina, I just want to be close to her. At isa pa, gusto ko rin naman talaga kayo maging kaibigan." Pinatong pa nito ang dalawang paa sa table.

Mahina ko naman siyang sinaway.

"Hindi maganda 'yan, ang turo ni mommy at huwag umakto kung saan-saan na para bang nasa bahay ka," pangaral ko sa kaniya.

Lumabas ang dimples niya nang ngumiti siya. "I wonder why you're here. Hindi ka naman mukhang rebelde, maybe your IQ is 200?" biro niya.

"May kakilala kasi si mommy at daddy dito, si tita Kathleen kaya nakapasok agad ako. Atsaka pumasok ako dito kasi sabi ni mommy magagaling daw mga professors dito," mahabang paliwanag ko.

"I agree with that thought, but some of the students here really sucks. Hindi maganda ang ugali ng iba dito. But not me, okay?" natatawang untag niya.

"Mukha ka namang mabait na tuta," singit ni Saiko na ikinahagikhik ko.

"I accept that as a compliment, miss Zhen."

Nag-angat ng tingin si Saiko at inirapan ito. "Wala akong pake kahit nasa rank 5 ka pa, at dahil gusto mo ang kaibigan ko, dadaan ka muna sa amin."

Umiling-iling ako kay Homer. "Naku, Homer. Sa akin okay ka na, hindi mo na kailangang dumaan. Si Miyuki at Saiko kasi, medyo mainit ang ulo nila."

Nag-thumbs up pa ako sa kaniya. Nag-thumbs up din siya at nginitian ako ng malapad.

"What the, Arrow. Ipinagkakanulo mo ba si Sabrina sa lalaking 'yan?" mariing tanong sa akin ni Saiko.

"Hindi, ah. Pero parang ganon na rin," nakangiting sagot ko.

Kinindatan ako ni Homer at sinuklian ko naman siya ng ngiti.

Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Saiko.

"You playboy," irap ni Saiko kay Homer.

"What? Hindi ako playboy, ah. You see, I'm a very serious person." Nasamid kaming dalawa ni Saiko sa sinabi niya.

"With that face of yours, walang maniniwala sa 'yo mister top 5." Si Saiko ang sumagot dito.

Natutuwa akong makita na parang hindi na siya ngayon natatakot na kausapin si Homer.

And I'm happy na may bago na naman akong kaibigan.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon