Chapter 61

21.7K 617 55
                                    

Arrow

"Ayenna, bakit ka nandito? Come on! Let's play with mom and dad," nakangiting saad ng kakambal ko habang pilit akong pinapatayo.

I just smiled sweetly at her. "Just go, Arrow, pagod kasi ako ngayon."

I had to lie, everyday, dahil ayoko nang makita ang pagkaasiwa sa mukha ng mga magulang ko.

"But I want to play with you, Ayenna, please join us?" pagmamakaawa niya.

Ngumiti na lang ako at umiling. "Arrow, I'm really tired. Hindi ko na kayang makipaglaro."

She pouted her lips mischievously. "You're not even doing anything, Ayenna, paano ka mapapagod?"

Naiiling na tumawa ako sa kakulitan niya.

"Sige na, makipaglaro ka na, they're waiting for you inside the palace." I gestured her to leave but she just shook her head.

"You're always alone, my twin. Why? Aren't we supposed to play together with mom and dad? We are twins, Ayenna," nakakunot-noong tanong niya.

I realized that she's really younger than me, hindi niya pa alam ang mga bagay na nangyayari sa paligid niya.

"But I don't want to play with them, Arrow, makikipaglaro ako sa 'yo, pero hindi sa kanila. Kaya sige na, aalis na muna ako." I patted her head as I walk away from her.

Pero napatigil ako nang bigla siyang magsalita.

"Why won't you play with them? Is it because of how the way they treat you, Ayenna?"

Nilingon ko siya at mapait na ngumiti. "There are some things that you won't be able to understand, Arrow, paglaki natin maiintindihan mo rin."

"What if I never had the chance to grow up with you? Gusto ko nang maintindihan ngayon, Ayenna." She sounds so sincere, and it scares me.

I never want her to hate mom and dad, because I am not selfish to take away my twin's happiness.

"Arrow, you're still--"

"Do you want me to hate mom and dad also? Ikaw ang kakampihan ko, dahil ikaw ang kakambal ko, Ayenna. Kaya magsabi ka sa akin, please?" she said with her pleading voice.

Lumapit ako para yakapin siya nang mahigpit. Gustuhin ko mang umiyak sa balikat niya alam kong hindi ko puwedeng gawin 'yon.

I don't want her to feel the agony I'm feeling, even if she asked me, I'll never tell her.

Hindi ko na napigilan ang mapahagulhol habang pinagmamasdan ang litrato naming dalawa ng kakambal ko noong mga bata pa kami.

My twin, Arrow, I am so sorry if I forget about you. Hindi ko sinasadya, kakambal ko.

Mahigpit kong kinulong sa mga bisig ko ang litratong hawak habang inaalala ang mga araw na magkasama pa kami.

She's the only one who's always there for me, aside from my grandfather. Siya ang isa sa mga taong matatakbuhan ko tuwing nasasaktan ako.

Kahit hindi niya alam kung bakit ako umiiyak, hindi siya nagtatanong, dahil gusto niyang maging komportable ako.

But I am such a mess, I forgot about her, nakalimutan ko ang sarili kong kakambal na walang ibang ginawa kun'di iparamdam sa akin na pantay ang lahat.

She was there. I watched her while those bastards are molesting her.

Nandoon ako, habang pinapanood siyang nahihirapan.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now