Chapter 35

21.4K 733 47
                                    

Victoria

"WHO am I? What's my real name?" Her voice is so sweet that I can't help but to smile.

"Your name is Arrow, my daughter. Pinangalan namin sa 'yo iyon dahil mahilig kami sa archery," nakangiting sagot ko.

She nodded and beam a little. "Arrow... It's a beautiful name."

Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang bawat galaw at kilos niya.

Kahit nawalan siya ng ala-ala, hindi maaalis sa kaniya ang inaral na galaw bilang prinsesa.

She moves like a princess, because she really is. Disiplinado ang bawat galaw niya.

Napakaganda ng kulay ginto niyang mga mata, nagniningning ang mga 'yon sabayan pa ng napakaganda niyang ngiti.

She's really the epitome of beauty.

I could stare at her all day, 'cause she's too good to be true. Napakaganda ng dalaga na ito na ngayon ay anak ko na.

"Why did I lost my memories? Am I a rebel? Did I tried to drive a car even if I am drunk?"

Iyon ang paulit-ulit niyang tinatanong sa amin habang patagal nang patagal ang pagsasama namin bilang pamilya.

Ilang ulit ko siyang hindi sinagot dahil ayokong mabigla siya. Pero hindi ko rin natiis ang anak ko, pinaliwanag ko na naaksidente siya.

Ngunit nilusutan ko ng ibang dahilan, ang paliwanag ko sa kaniya ay ibang-iba sa totoong dahilan.

Nagsinungaling ako at pinaliwanag sa kaniya na tatlo kaming nasangkot sa aksidente pero siya ang pinakamalala ang natamo.

I lied, because I think that's the best way to hide the truth.

Tuwing natutulog siya ay pinipili ko siyang bantayan. At habang pinagmamasdan ko ang mala-anghel niyang mukha, hindi ko maiwasan ang mapaisip kung makakaya ba talagang gawin ng isang katulad niya ang pagpatay?

By Arrow's looks, she can't even kill a single insect. Para siyang isang babasaging bagay na hinding-hindi mo puwedeng sigawan o pabayaan.

Ginawa namin ang lahat ni Henry para hindi siya mamulat sa mga bagay na maaaring makapagpabalik sa ala-ala niya.

Naging isang mabuti at inosente siyang anak na ikinatuwa ko.

I became a mother because of Arrow, and I'll do everything to keep her safe. Kahit pa kamatayan ang kapalit, handa akong isakripisyo para sa anak ko.

Even if it'll hurt me.

Arrow

"What happened to your arms?" tanong ni Froze habang sinusubuan ako ng cake.

Napalingon ako sa tinititigan niya, huminto ang tingin ko sa braso kong may pasa.

Kagagawan ito ng mga lalaki na muntik na akong gahasain.

"N-Nahulog ako," nakangiting sagot ko.

Sorry for lying.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon