Chapter 9

26K 961 64
                                    

Arrow Perez

"Bakit ka naka-dress, Miyuki? Mukha kang tomboy na nagbabalik-loob sa pagkababae," natatawang usal ni Sabrina kay Miyuki na inirapan lang siya.

"Wala lang, gusto ko lang makisabay. E, naka-dress kayong lahat, alangan naman mag-jumper ako?" katwiran nito.

Napatawa ako sa sinabi nito. "Ang ganda ganda mo nga Miyuki, e."

Ngumiti siya at lumapit sa akin. "See? Napaka-honest talaga ng baby natin."

Bahagya niya pang pinat ang ulo ko kaya napasimangot ako.

Tumawa si Saiko sa ginawa ni Miyuki na kasalukuyang inaayos ang belt sa dress ko.

"Hindi siya honest, Miyuki. Ayaw niya lang masaktan ka." Pagkatapos non ay nagtawanan sila Saiko at Sabrina.

"Ah gano'n? You bitches!" Mabilis na nagtakbuhan sila Sab nang habulin sila ni Miyuki.

Naiiling na natawa na lang ako. Ang kukulit talaga nila.

Napalingon ako sa pintuan ng dorm nang may marinig na pagkatok.

Binaba ko muna saglit ang bag 'saka tinungo ang pintuan para pagbuksan ang kumatok.

"Hey." Bumungad sa akin si Homer na ngiting-ngiti.

Alanganing ngumiti ako pabalik. "Hello, a-ano, bakit ka nandito?"

"I just want you to give this to Sabrina, don't tell her that I'm the one who gave this to you." Inilagay niya sa kamay ko ang hawak na boquet.

Ang sweet sweet naman niya.

"Nakakatuwa ka talaga, sige, ibibigay ko na. Papasok ka na ba?" tanong ko.

Tumango siya. "Yes, kayo rin ba?" Bahagya pa siyang sumilip sa loob.

"Oo, e. Sige, mauna ka na, ha? Baka kasi makita ka pa niya. Ba-bye, I'll tell you kung ano ang reaksyon niya." Kumaway na ako sa kaniya.

"Thank you, you're really my angel." Kinindatan pa ako nito nang bahagya kaya natawa ako.

Sinarado ko na ang pinto nang makaalis na siya.

"Oh, what's that?" takang tanong ni Saiko pagbalik nila.

"Para kay Sabrina raw, may nag-iwan na lang dito sa labas, e," pagdadahilan ko 'saka inabot 'yon kay Sabrina.

"What? The eff, ang ganda ko talaga." Nag-flip hair pa ito bago kuhanin yung boquet sa braso ko.

"May letter, come on, read it," pag-usisa ni Miyuki.

"Hello Sabrina, I hope you like this simple gift from me. You're really beautiful, darling." Nagtilian kaming tatlo nila Saiko nang basahin iyon ni Sabrina.

"Naks, sino kaya 'yang secret admirer mo, Sab? Buti may napatol pa sa 'yo!" Humagalpak ng tawa si Saiko at nakipag-apir pa kay Miyuki.

Bahagya niya akong kinindatan kaya kumindat ako pabalik.

Kaming dalawa lang naman kasi ang nakakaalam tungkol sa pagkagusto ni Homer sa kaibigan ko.

"Ikaw, Sab, mangkukulam ka talaga. Sino na namang ginayuma mo?" taas kilay na usisa ni Saiko.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon