Chapter 32

22.1K 756 92
                                    

Arrow

"Yes, mommy. I'm heading home na po," I responded.

"Good, my sweetie. Gabi na kaya umuwi ka na agad, masyado kang nawiwili sa pagbili ng mga rocks, anak, ha?" Napanguso ako sa sinabi ni mommy.

"I'm sorry po, mommy. By the way, mom, Sunday po bukas, can we have a family bonding?" nanlalambing na saad ko habang nakangiti.

I heard daddy chuckled from the other line. "Nagtatampo na siguro ang anak natin, hindi na natin siya nakakasama masyado."

Napalabi ako sa sinabi ni daddy. "Oo nga po, mommy. Promise me po ha? Tomorrow, you'll just spend your time with me po." I giggled after saying that.

"Promise, sweetie. Sige na, pumara ka na ng cab, be sure to get home safe, okay?" mommy said.

"Yes, mom!"

Pagkatapos nilang magpaalam ay binaba ko na ang telepono. I'm so excited for tomorrow!

I just miss mom and dad so much kaya gustong-gusto ko silang makasama.

Nakita kong may paparating na taxi kaya agad kong pinara iyon.

I was about to ride the taxi when someone grabbed me. Napamaang ako nang makita ang mga lalaking naka-itim na humihila sa akin.

Nagsusumigaw ako para humingi ng tulong pero malabong may makarinig sa akin dahil gabi na, at kung may mag-tatangka mang tumulong ay hindi siya uubra dahil sa dami ng may hawak sa akin.

I gasped when they pushed me against the wall. Napaupo agad ako sa lupa habang nanginginig ang mga tuhod.

"A-Ano pong kailangan n-ninyo?" takot na tanong ko.

The tall guy chuckled. "Ang ganda nito pare! Ano, sinong mauuna?"

Namutla ako sa sinabi niya, hindi ako tanga para hindi sila maintindihan. I know they're planning something bad to me!

Napasigaw ako nang hablutin ng isang lalaki ang braso ko, I kicked his chest pero mabilis niya akong sinuntok sa tiyan.

Sunod-sunod akong napaubo dahil sa sakit na dulot ng suntok na iyon.

"Lalaban ka pa, ha?" malademonyong wika niya bago muling lumapit sa akin.

He grabbed my arms again pero nagpupumiglas pa rin ako.

"Tulong! Tulungan ninyo po ako!" umiiyak na sigaw ko habang pilit siyang nilalabanan.

He kept on punching my stomach dahilan para manghina ako.

He was about to kiss me when we heard a woman's voice.

"Hoy mga mababahong nilalang! Anong ginagawa ninyo diyan?!" I want to utter a word and ask for help pero nanghihina talaga ako.

"Aba, ang lakas din naman ng loob mo, ano?!" galit na sigaw ng lalaki sa harapan ko.

I gazed at the woman who just shouted. Namangha ako sa ganda na taglay niya. She's holding a plastic bag with her right hand.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now