Chapter 48

23.8K 761 109
                                    

Arrow

Pinaharurot ko ang sinasakyan, walang kahit na anong direksyon na patutunguhan pero nagpatuloy lang ako.

Hindi ko alam kung paano ko nakakayanang magmaneho nang ganito kabilis, parang napakadali lang sa katawan ko na lampasan ang iba pang mga sasakyan.

Come back now, Arrow. I'm begging you.

Mariin kong pinikit ang mga mata nang manakit na naman ang ulo ko. I badly want to cry because of the pain pero mas pinagtuunan ko ng pansin ang mga boses sa loob ng utak ko.

Two little voices and they're asking for help.

Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho habang mas lumilinaw pa ang boses ng dalawang batang 'yon.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan habang pinapakinggan ang maliliit na boses sa loob ng utak ko.

Kasabay nang pagtulo ng mga luha ko ay ang pagbalik ng mga ala-alang iniwanan ko sa nakaraan.

"My sister, please stay alive, okay?" pagmamakaawa ko sa kaniya habang tinatakpan ang tiyan niya.

She shook her head. "I'm b-bleeding too much. I can't h-handle the pain anymore."

Umiiyak na umiling ako sa kaniya at mas diniinan pa ang kamay ko. "No, my twin. Mabubuhay ka, magkakasama pa tayong dalawa."

Ngumiti siya nang matamis sa akin at hinalikan ang noo ko. "Sorry for the pranks I've done to you.. I'm s-so proud that you're my twin."

Napahagulhol ako nang unti-unti siyang bumitaw sa akin. Mahigpit ko siyang niyakap at pinaghahalikan sa noo.

"No! Don't say that! Twins supposed to live together, right? Don't die yet, my twin. Nagmamakaawa ako sa 'yo," I begged her with my pleading voice.

She smiled at me like she's saying goodbye. And before I knew, she pushed me away dahilan para siya ang tamaan ng bala na dapat ay para sa akin.

Nanginginig na napaupo ako habang tulalang pinagmamasdan ang katawan ng kakambal ko.

How I wanted to kill those stupid jerks but I am just five years old, kahit anong tapang ko ay wala akong kalaban-laban.

I just watched my twin sister as she dies infront me. She's looking at my direction right now.

Alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin niya na 'yon. It's like she trusts me so much, that I'll survive.

And I will live for her, kung namatay siya para sa akin, mabubuhay ako para sa kaniya.

I saw how the fear in her eyes vanished when I stood.

"I'm sorry. I love you," I mouthed her before running away from that place.

Habang tumatakbo ay hindi ko maiwasang isipin na pinapatay ko ang mga lalaking 'yon sa utak ko.

I saw how they raped my twin sister infront me, I saw how they tortured her and now, they killed her infront of me.

Babalikan ko silang lahat at wala akong ititira ni kahit isang miyembro sa grupo nila.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now