Chapter 30

23.3K 773 14
                                    

"How many times do I have to tell you not to bother me, Arrow?!" galit na sigaw ng isang lalaki na nakaupo sa isang silya.

"Don't yell at me, dad, I'm here to come with you. I want to see Ayenna also," malamig naman na saad ng babaeng kaharap nito.

He stared at her golden eyes bago pinaningkitan ng mata ang anak. "How dare you?"

Nilabanan ng dalaga ang tingin ng ama sa kaniya. "Stop blaming me for Ayenna's death, hanggang ngayon ba hindi pa rin maalis sa isipan mo 'yon, tanda?"

Galit na hinampas ng lalaki ang lamesa dahil sa galit. "Sinasagot mo na ako ngayon! At sinong nagsabi na titigil ako? You're the reason why my Ayenna died! If not because of you, she should be the princess of Korea!" 

The girl chuckled devilishly.

"Hindi ko kasalanan kung ako ang prinsesa ng bansang 'to, tanda. Galit na galit ka sa akin na para bang maaagaw ko sa 'yo ang trono when in fact, you knew the palace rules well. Nabobobo ka na rin ata sa sobrang galit mo," nakangising saad niya.

The man, raging in fire, came closer to her. Dinuro niya ang sariling anak. 

"Don't you dare insult me inside my own room, Arrow. Kayang-kaya kitang saktan kaya huwag mo akong hamunin!" He tried to hit his own daughter but the other one dodge it perfectly.

Mabilis na hinugot ng dalaga ang samurai sa likod niya at itinutok sa leeg ng ama. She grinned like a demon when she saw how pale his father's face was. 

"I can easily kill you too, father. Without thinking twice. Kung maisip ko man na itarak sa 'yo ang hawak ko, gagawin ko. Kaya huwag kang magmatapang sa harap ko dahil kahit pa tatay kita, papatayin kita," she warned him.

Napalunok ang lalaki sa takot. Hindi niya alam kung bakit natatakot siya sa sariling anak, but looking at her golden eyes, alam niyang nagsasabi ng totoo ang anak. She can kill him if she wants to.

"I'm y-your father, you i-idiot," galit na sagot niya.

Tumaas ang kilay ni Arrow sa narinig, pagkatapos ay humalakhak ito na para bang nakakatawa ang sinabi ng ama. "Are you... by chance... my father? Matagal na akong nagtataka kung tatay nga ba kita."

Galit na inalis ng lalaki ang nakatutok na samurai sa kaniya, inayos niya ang tie habang masamang nakatitig sa kaharap. 

"I am your real father, Arrow, and you can't do anything about that. Besides, you won't kill your own father, right?" nakangising hamon ng lalaki.

Arrow shrugged her shoulders. "Unfortunately, Mesaion, you are really my father. Pero minamaliit mo na ba ako ngayon?" 

"What?"

Tumatawang umiling ang babae sa lalaki. "I've killed thousands of people already who messed my sister's life. Hindi na bago sa akin ang pagpatay, Mesaion. Kaya huwag mo akong simulan. I'll be really glad kung dugo mo naman ang dadapo sa mga kamay ko, pero hindi pa kasi kita puwedeng patayin ngayon."

Mesaion clenched his jaw. Nakatingin lang siya kay Arrow na hinihimas ang samurai na hawak, tumatawa na para bang hindi siya pinagbabantaan.

He's really sure that his daughter is already a demon, parang hindi na ito pinangangatugan ng tuhod tuwing binabanggit ang 'pagpatay'.

"Leave, Arrow, leave my room!" naisigaw na lang niya.

She shrugged her shoulders while grinning. "Sorry if I'm not available today, father. Huwag kang mag-alala, mapapaaga naman ang kamatayan mo." Ngumisi ito nang malademonyo habang sinasarado ang pintuan.

Then she mouthed. "Maybe next time."

ARROW woke up from that nightmare. Sunod-sunod na mabigat na paghinga ang pinakawalan niya habang inaalala ang bangungot. 

Humahangos na binuksan niya ang cellphone sa tabi para malaman ang oras, nang makitang madaling araw pa lang ay napahilot siya sa sentido.

Ilang ulit niyang tinanong ang sarili kung bakit niya napanaginipan ang bagay na 'yon, she's certain that it's her! Alam na alam niyang siya ang babaeng 'yon na nakikipag-usap sa isa pang lalaki.

Pero ang labis na ikipinagtataka niya ay bakit parang ibang-iba siya sa panaginip niya? Parang hindi niya nakilala ang sarili dahil sa nakakatakot na boses at aura nito. Pero kung sa mukha at sa mata lang, they're exactly the same.

Ang mas nagpapagulo pa sa isipan niya ay ang usapan ng dalawa. They're talking about Korea and princess stuffs, but Arrow is sure that she haven't gone to Korea kahit kasama pa ang mga magulang niya.

Bumuntong hininga muna siya bago nagpasyang tumayo. She came out from her room para uminom ng tubig at mahimasmasan. She shouldn't be thinking of that nightmare, it really scares her a lot tuwing naiisip niya ang boses ng kamukha niya.

Dire-diretsyo niyang nilagok ang tubig, pero hindi iyon nakatulong para maalis sa isipan niya ang panaginip. That woman's voice, it's exactly the voice of the person na bumulong sa kaniya nang atakehin niya ang lalaki. Posible kayang may koneksyon ang babae sa panaginip niya sa kaniya?

O parte iyon ng nakaraan niya?

Ilang beses siyang umiling bago banlawan ang ginamit na baso. She was about to go back inside her room when she remembered something. Two names.

"Mesaion." Lumukob ang galit sa dibdib niya nang marinig na naman muli ang pangalan na 'yon. Mesaion is the name of that guy in her dreams, na kausap ng kamukha niya.

Naguguluhan siya kung bakit galit ang naramdaman niya para rito.

"Ayenna," she whispered.

Napahawak siya sa dibdib sa hindi malamang dahilan. Nang banggitin niya ang pangalan na 'yon, ramdam na ramdam niya ang sakit. Kumunot ang noo niya habang pilit na inaalala kung sino si Ayenna sa buhay niya.

But it's useless afterall, she has an amnesia kaya imposibleng matandaan niya ang pangalan na 'yon.

Pero isang bagay lang ang sigurado siya. Those two, they both have a big role in her life. So who are they? Anong kinalaman nila sa pagkawala ng ala-ala niya?

Napalingon siya sa basong hawak-hawak, unti-unti niyang inurong ang baso hanggang sa bumagsak ito sa sahig at nabasag.

She didn't flinched. She just stared at the broken glass on the floor. 

"My parents are lying to me, I'm sure about that." Lumingon siya sa gilid kung saan malaya niyang nakita ang sarili sa salamin.

She took a step forward and take a look at her reflection in the mirror. Hinaplos niya ang mga mata pababa sa pisngi niya.

"Who exactly are you before you lost your memories, Arrow? Who are you?" 

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu