Chapter 47

24.5K 655 26
                                    

Arrow

Nagising ako sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto. Hindi ko na sinubukang bumangon pa dahil ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan ko.

I roamed my eyes around the whole room. Sobrang enggrande at mamahalin lahat ng mga gamit.

Parang lahat ng gamit at mga dekorasyon dito ay gawa sa ginto at hindi mo puwedeng hawakan.

"Princess, I'm glad you're awake!" Napalingon ako sa magandang babae na humakbang papalapit sa akin.

Inalalayan niya akong makaupo na pinagpasalamat ko naman. Para akong kinakatay sa sobrang sakit ng katawan ko.

I'll surely kill that Reid once I get out from here.

"Where am I? Who are you?" tanong ko rito.

She smiled sweetly at me before bowing her head. "Hello, princess Arrow. I am the emperor's right hand, I am Alicia."

Malamig ko siyang tinitigan mula ulo hanggang paa, I saw how she stiffened with what I did.

Kalaunan ay napangisi rin ako. "So, where the hell I am?"

"Nandito po kayo sa mansyon ng emperor, mahal na prinsesa. Hindi pa po namin kayong puwedeng dalhin pabalik sa Korea dahil sa mga sugat ninyo sa katawan," paliwanag niya na ikinatango ko naman.

Nang may maalala ay bigla akong napalingon sa kaniya.

"My grandpa, where is he? I wanna talk to him, please?" pagmamakaawa ko.

Mabilis siyang yumuko sa akin. "You don't have to beg, Your Highness. I'll call the emperor for you, just stay right here."

"Thank you," I sincerely said.

It feels like she's part of life too kaya magaan ang loob ko sa kaniya.

Sinundan ko siya ng tingin habang papalabas siya. She's too genuine and I can feel it.

Habang naghihintay sa pagbalik niya kasama ang taong gusto kong hanapin ay nilingon ko muna ang cabinet sa tabi.

Hindi naman masakit ang mga binti ko kaya sinubukan kong tumayo para lumapit roon.

Kahit masakit ang mga braso ay sinikap kong buksan ito, and I was surprised to see what's inside.

It's full of guns and katanas!

Imbis na matakot ay namangha pa ako sa nakita. Pakiramdam ko ay bagay na bagay ang mga ito sa kamay ko.

Dahan-dahan kong inabot ang napakagandang katana na nakakuha ng atensyon ko.

I gently caress it with a smile on my face. It's beautiful.

Sinubukan kong iwasiwas ito sa hangin, and the sound of the air makes me satisfy.

"Arrow." Mabilis kong itinutok ang hawak sa taong nagsalita sa likuran ko.

I heard them gasped, and I was surprised with what I did also!

Mabilis kong ibinaba ang hawak na katana nang makita kung sino ang nasa harapan ko.

"G-Grandpa. Y-You're my lolo, right?" naiiyak na tanong ko sa kaniya.

Sobrang tapang ng mukha niya, parang matatakot kang kausapin siya dahil kahit may itsura at katandaan na, mahahalata mo pa rin ang pagiging makapangyarihan nito.

Pero nang ngumiti siya sa akin, biglang napanatag ang loob ko sa hindi malamang dahilan.

"Your reflexes didn't change at all, my beautiful princess. Come here, give your lolo a big hug," he's almost crying when he gestured me to come.

Hindi ko na napigilan kung 'di ang mapaiyak nang lumapit ako sa kaniya para yakapin siya.

It feels so good to be with your real family.

"W-Why didn't you even show up? S-Sana nagpakilala ka sa akin n-noon," sumisinghot na saad ko.

He chuckled amused. "Victoria and Henry did a good job raising you, you're really different. Kung nakakaalala ka na? Baka mandiri kang yakapin ako."

Pinahid ko ang mga luha sa mata. "I hate you, I hate you so much! Pero kahit anonv ayaw ko sa 'yo, gustong-gusto pa rin kitang makita lalo na nang malaman kong hindi ako si Arrow Perez."

Inalalayan niya akong maupo sa kama, he sat beside me before patting my head.

He looks so sad and devastated.

"I know, my princess. I know you'll hate me, alam kong mangyayari na 'to. But I just want you to be safe that's why I did that," he sweetly said.

"But why?" umiiyak kong tanong.

Mapait siyang ngumiti bago pahirin ang mga luha sa pisngi ko.

"You can't take the pain alone so I have to. Kapag nalaman mo ang lahat ng iniwan mo sa nakaraan, you'll end up dead, Arrow. And I never want that to happen, apo." He sincerely said those words kaya hindi na ako nakakibo pa.

Hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan at magtaka sa mga sinasabi nila.

I just want to get my memory back. Pero bakit ang hirap-hirap naman? No one wants to tell me the truth kaya naiiwan akong naguguluhan at nagtataka.

Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong sumakit.

"Ahh," I groaned when I felt the pain inside my head.

Nakita ko kung paano mataranta sila lolo pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin.

Gustong-gusto ko na lang biyakin ang ulo ko sa sobrang sakit nang nararamdaman.

I felt someone tried to touch me pero mabilis kong tinapik ang kamay nito at lumayo sa kaniya.

Hindi ko alam kung gaano na kalakas ang sigaw ko, pero hindi ko na kayang tiisin ang sakit ng ulo ko.

I heard noises everywhere na mas lalo lang nagpapalala sa sitwasyon ko. Kaya kahit walang malinaw na paningin ay sinubukan kong tumayo para maglakad. I took the car keys I saw and walk away.

"Arrow! Come back here!"

"Shut up!" inis na sigaw ko pabalik habang tinatakpan ang sariling tainga.

Hindi ko na alam kung paano ko pa nakontrol ang mga paa ko para makapunta sa gustong puntahan.

Nanghihinang pinindot ko ang remote na hawak, nang tumunog ang kotseng malapit sa akin ay pagaywang-gaywang akong lumakad papunta doon.

"Arrow! Don't drive!"

Pabalang kong isinara ang pintuan ng kotse 'saka napasandal sa upuan.

I have no idea why I am here inside this car, but someone's telling me to drive. And my body's gonna do that.

Napakagat-labi ako nang sumakit na naman ang ulo ko habang pinatapatakbo ang makina.

Come back now, Arrow, come back!

---

Hello everyone! Thank you for the 12k followers! I love you all!

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon