Chapter 19

25.5K 910 43
                                    

Arrow Perez

"I'll handle the rest of your reports, thank you. You may take your lunch now." Napainat ang mga kaklase ko nang lumabas na ang kahuli-hulihang professor namin sa umaga.

"Thanks God it's lunch!" turan ni Miyuki.

"Gutom na gutom na ako. Bakit ba kasi nag-over time pa yung professor na 'yon?" inis na sabi ni Sabrina.

Natawa na lang ako sa mga kaibigan ko habang nililigpit ang gamit ko.

"Tara na, baka mamaya maubusan ka ng lasagna. Special 'yon ngayon," pang-aasar ni Saiko.

Natawa kami nang biglang nagmadali si Sabrina sa pagliligpit. Puro kasi dahon ang kinakain niya lately, ngayon lang namin siya pinayagan kumain ng gano'n.

"Tara na! Ano pa bang hinihintay ninyo mga bitches?" nagmamadaling turan niya.

I chuckled mischievously. "Ito na po, mahal na reyna."

Lumabas na kami ng room 'saka dumiretsyo sa Cafe.

"Hindi pa rin ako maka-move on sa pagtulog doon sa lungga nila Froze. Hanggang ngayon binabangungot pa rin ako," pagsisimula ni Saiko.

"Grabe ka naman, hindi naman tayo napahamak, a?" nakangusong sagot ko.

"Hindi mo naiintindihan, Arrow, mabait kasi siya sa 'yo. Sa amin, hindi!" Bahagya pang niyakap ni Sabrina ang sarili na parang natatakot.

"Alam mo ba na ang sama ng tingin niya sa amin kanina noong hinatid niya tayong apat? Feeling ko ayaw niyang ibigay ka sa amin." Namula ako sa sinabi ni Miyuki.

"W-What?" utal na nasambit ko na lang.

"Tell us, Arrow, what's between you and Froze? He seems so possessive when it comes to you. Kakakilala ninyo pa lang naman 'di ba?" takang tanong ni Sabrina at kumapit pa talaga sa braso ko.

Mabilis kong tinanggal ang braso niya sa akin at hinampas siya sa balikat.

"Wala!" inis na sagot ko.

Bahagya ko pang tinakpan ang dalawa kong pisngi dahil sa pag-init nito.

Nakita ko ang mga nanunudyo nilang tingin. "Bakit ka namumula?"

Mas uminit pa ang pisngi ko dahil sa sinabi nila. "Hindi ako namumula! M-Mainit lang!"

Naiiling na tumawa sila at sinundot pa ako sa tagiliran. Napapadyak ako sa inis.

"Inaasar ka lang naman namin, Arrow. Affected much ka." Nginisian pa ako ni Sabrina.

Ngumuso lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga sila.

"Pero sabihin mo naman sa amin kapag may something na sa inyo ni Froze, ha? Para naman malaman namin at hindi kami nangangapa!" singhal ni Saiko.

"Ayoko! Kasi wala naman kaming something! Stop teasing me!" naiiyak na tiningnan ko sila.

"Oh, wala naman kaming sinasabi?" Tumawa sila. "Masyado kang apektado, crush mo si Froze 'no?"

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon