Chapter 26

22.8K 818 119
                                    

Arrow

Pinaglalaruan ko ang cellphone sa kamay ko habang hinihintay sila Mayumi na dumating. Nandito ako ngayon sa loob ng dorm kung saan nila ako iniwan, may kukuhanin lang daw sila mula sa office ng dean pero pinagbawalan nila akong sumama.

Kagagaling ko lang sa Hospital kahapon at ang bilin nila ay huwag daw akong magpakapagod o lumabas-labas, makakasama raw sa akin 'yon. Lihim akong napapangiti sa kaloob-looban ko kapag iniisip ko kung gaano sila kaalaga sa akin.

Naalala ko tuloy bigla si Froze, pagkatapos niya akong bantaan ng katakot-takot na linya ay hindi ko na siya ulit nakita pa. Pagkaalis niya ng Hospital ay 'saka naman dumating ang mga kaibigan ko kaya hindi ko na siya nakausap pa.

I know very well that it's Reid's doing, pero ayokong magkasakitan sila, ayokong may nangyayaring gulo lalo na kapag dahil sa akin. I'll never be a good girl again kapag naging sumbungera ako. 

Ang payo lagi sa akin nila mommy, be a good girl hanggang sa tumanda, dapat matutong tumayo sa sariling paa kapag may kinakaharap na pagsubok. So yes, I can do this alone. 

Kaya ko nga ba?

Napatingin ako sa orasan nang mapansin na hindi pa rin nakakabalik sila Sabrina hanggang ngayon. Kanina pa sila umalis ng 7:00 PM, pero hanggang ngayon ay wala pa rin sila, it's already 9:00 PM in the evening!

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang dumagundong nang malakas ang dibdib ko sa kaba, it feels like someone close to me is in danger, o baka mas marami pa sila.

Kahit alam kong pinagbawalan ako ng mga kaibigan ko ay minabuti ko pa ring tumayo, mabilis kong sinuot ang jacket na nasa sofa at lumabas ng dorm.

Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ang lamig pagkalabas ko, hindi ko na pinansin ang lamig na 'yon. Agad akong tumakbo para hanapin ang mga kaibigan ko. Wala ng katao-tao sa paligid kaya mas kinabahan pa ako.

Hindi naman siguro sila nasaktan, 'di ba? I just hope. I just hope that they're still okay.

Nawala ang pag-asa kong 'yon nang makita ang katawan ng tatlo kong kaibigan na nakahandusay sa lupa. I gasped when I saw blood on their forehead.

Tinakpan ko ang bibig para hindi mapasigaw, but it's still useless, humagulhol pa rin ako sa nasaksihan. What the hell happened to them?

Tumakbo ako sa direksyon nila para masiguro kung ayos lang ba ang lagay nila. "Sab, Saiko, Miyu. Gumising kayo, please?" naiiyak kong saad.

Pilit ko silang niyugyog isa-isa pero hindi pa rin sila gumigising, mas lumala ang pag-iyak ko habang pinagmamasdan sila. Who did these to them? Bakit niya sinaktan ang mga kaibigan ko?

"Arrow, are you enjoying this kind of view?" Umangat ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

Dumilim ang ekspresyon ko habang pinagmamasdan ang babaeng nasa harap ko. She's standing there like it's normal for her to do these kind of things. Reid.

"Anong ginawa mo sa mga kaibigan ko?!" galit na sigaw ko.

Malademonyo siyang tumawa bago lapatan ng tingin ang mga kaibigan ko. "What? You didn't enjoy it? Sayang, akala ko pa naman ay matutuwa ka sa ginawa kong presentation. Sabagay, ayos lang, tuwang-tuwa naman ako, e."

Nanginginig ang mga kamaong tumayo ako habang tinititigan siya. Nagagawa niya pa ring tumawa kahit sinaktan niya ang mga kaibigan ko?

"How dare you!" Sumugod ako sa kaniya at hinanda ang mga braso para itulak siya.

Pero hindi ko pa siya nahahawakan ay mabilis niya nang nahuli ang mga braso ko, pinilipit niya ang isa kong braso dahilan para mapangiwi ako sa sakit. Ang lakas niya.

"Anong karapatan mong sugurin ako na para bang kayang-kaya mo akong labanan, Arrow?" nanggagalaiting tanong niya atsaka ako tinulak.

Napaupo ako sa sahig habang hawak-hawak ang brasong kumikirot dahil sa ginawa niya. Kahit saktan niya pa ako ng ilang beses, gusto kong makabawi sa ginawa niya sa mga kaibigan ko!

Tumalungko siya sa harapan ko at buong puwersang hinila ang buhok ko. Napadaing ako dahil sa sakit ng ginawa niya. Mas diniinan niya pa ang pagkakahila nang makita ang reaksyon ko.

"Hindi mo ako kayang labanan, Arrow, katulad ka lang ng mga kaibigan mo na mahihina at hindi kayang ipagtanggol ang sarili. Bakit ba hindi mo na lang payuhan ang mga walang kwenta mong magulang na paalisin ka na sa lugar na 'to para tumahimik na ang buhay mo?" tatawa-tawang saad niya.

Pakiramdam ko ay dumilim ang paningin ko sa narinig. Did she just insulted my parents and my friends?

Nagbabaga ang mga matang tinitigan ko siya nang diretsyo sa mata. "What?"

I saw how she took a step backward pero mabilis din namang nakabawi. "Bingi ka ba? Ang sabi ko, wala kang kwenta, walang kuwenta ang mga taong nakapaligid sa 'yo dahil hindi ka nila nagagawang ipagtanggol!"

"Kill her, Arrow!"

Buong puwersa ko siyang sinampal dahilan para mapatumba siya sa lupa. Hindi ko na siya hinayaang makatayo pa, malakas kong tinadyakan ang tiyan niya na ikinangiwi niya. I smirked devilishly at her as I stand.

"You filthy bitch, how dare you insult me like that?" Nginisian ko siya bago hilahin sa buhok. Sinubukan niyang manlaban pero sinikmuraan ko na agad siya.

Napaubo siya ng dugo dahil sa ginawa ko na ikinatuwa ko. Muli ko siyang sinampal nang malakas at tinulak sa lupa. 

She's really strong dahil nagawa niya pa rin akong mapatid kahit nasaktan na siya, tumatawang napatumba ako sa lupa habang pinapanood siyang abutin ang baseball bat na nasa gilid niya. Ah, so she's gonna hit me with that? Funny.

Hindi pa siya nakakalingon sa akin ay mabilis na akong tumayo papunta sa kaniya. Nakita niya akong papalapit kaya iwinasiwas niya ang hawak-hawak para patamain sa akin. I grinned playfully as I dodge the baseball bat itself. 

Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ako habang unit-unti kong binabali ang baseball bat na hawak ko. I saw how her eyes widened in fear as I look straight in her eyes. 

"What a great way to piss me off, Reid," nakangiting sabi ko pagkatapos ihagis ang baseball bat sa lupa. 

Dahan-dahan siyang umatras palayo sa akin. I wonder why, kanina ay napakatapang niya pa habang iniinsulto ako at ang mga kaibigan ko, bakit ngayon ay hindi niya magawang lumaban sa akin?

Sinubukan niya pang tumakbo pero agad kong hinila ang buhok niya para iharap ang mukha niya sa akin. 

"Remember this, Reid, you won't like me mad again. So don't do stupid things that will trigger me. Hindi ko pa alam ang kaya kong gawin, but I think I can kill you if I want to. Simple lang naman ang patayin ka, Reid," nakangiting banta ko sa kaniya.

Ramdam na ramdam ko ang panginginig niya na ikinatawa ko. Tinulak ko siya papalayo sa akin bago i-wave ang kamay. "Goodbye, Reid."

Iika-ika pa siyang tumakbo makalayo lang sa akin. Tuluyan na akong napahalakhak habang pinagmamasdan siya. Napakalakas talaga ng loob niya, tingnan natin kung lalakas pa 'yan kapag pinutol ko na ang ulo niya.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon