Chapter 53

23.8K 736 68
                                    

Arrow

"Strike hard, princess! Give me more!" malakas na sigaw ni Alicia habang inaatake ako.

I just keep on dodging her attacks, I have no energy to do an offense.

"What the hell is wrong with you, Arrow?! Lakasan mo ang depensa mo!" she shouted again.

Inis na umatake ako kahit wala akong gana para rito. Halos isang oras na kaming nag-eensayo pero wala ang utak ko sa training na 'to.

Sa sobrang bilis ng mga atakeng binigay ko ay natumba siya sa sahig. Kanina pa siya sigaw nang sigaw kaya naiinis ako.

Kahit nakahiga na siya sa sahig ay pilit ko pa rin siyang inaatake. She's quite good because dodged all of those attacks.

"Arrow." Napatigil ako sa paggalaw nang marinig ang malamig na boses na 'yon.

Asar na nilingon ko ang taong nasa likuran ko.

"What?" iritang tanong ko.

He smirked at me mischievously before walking towards Alicia.

He helped her stand up na ikinairap ko. Tiningnan niya ako na para bang may ginawa akong masama.

Why is he acting like we're still okay? Isa siyang malaking 'tangina' sa panloloko sa damdamin ko.

"The emperor's waiting for you, Alicia. Let me handle this brat for a while," he coldly said while looking at me.

"Alicia, stay," malamig kong utos sa kaniya.

Nagpalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa kaya matalim kong tinapunan ng tingin si Froze. But he just smirked at me.

"Alicia, you know me when I'm mad." Halos umakyat ang buong dugo sa mukha ko dahil sa sinabi ng lalaking 'to.

Napakagaling talaga niyang manakot ng tao!

Nakita ko kung paano mapalunok si Alicia dahilan para mas lalo lang umusbong ang inis ko.

"Alicia, stay or I'll fire you?!" Ubos na ang pasensya ko sa dalawang 'to.

"You're under the emperor, Alicia, and the emperor is under my power. So, leave." Pati ako ay kinilabutan sa sinabing 'yon ni Froze.

This stupid jerk.

Hindi makapaniwalang pinagmasdan ko ang papaalis na si Alicia. Bakit si Froze ang sinusunod niya?!

Nang tuluyan na siyang makaalis ay lumingon ako sa lalaking nasa harapan ko. He's currently holding Alicia's sword.

"What now, you jerk?" galit na tanong ko.

Umangat ang tingin niya sa akin bago humakbang papalapit.

"What should I do to bring back the good girl Arrow I used to know?" His voice is so deep and cold. Hindi ko mapigilan ang matulala habang papalapit siya sa akin.

Nakangising hinaplos niya ang lantad kong balikat habang nakatingin sa mga labi ko.

Umangat muli ang tingin niya sa mga mata ko. "You're such a bad girl, Arrow. And I don't like that. I don't tolerate bad girls under my possession."

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now