Chapter 22

23.4K 896 196
                                    

Arrow Perez

Nakangiting nilapag ko ang tray sa harapan nila Juana at Homer.

"Kain muna kayo," nakangiti kong sabi.

"Hay, ang bait talaga nito ni twinnie," maarteng sabi ni Juana 'saka kinuha ang juice sa tray.

"Anong twinnie?" kunot noong tanong ni Homer.

"Twinnie, duh, kakambal sa kagandahan." Pinitik pa ni Juana ang imaginary na mahabang buhok.

Napatawa ako nang makita kung paano sumama ang mukha ni Homer sa narinig.

"Ang kapal talaga ng apog mo, Juanito Marcelo," madiin na sambit ni Homer kaya mas lalo pa akong natawa.

Kitang-kita kung paano umusok ang ilong ni Juana sa galit.

"Napaka-epal mo talaga sa kahit anong paraan, Homer, ano?" irap ni Juana rito.

"Matagal na, since birth," nangingising sagot naman ng huli.

"Uy, huwag na kayong mag-away. Atsaka hindi ka naman talaga maganda, Juana, kasi gwapo ka. Kung lalaki ka nga lang may crush na talaga ako sa 'yo." Tinapik ko pa ang balikat niya matapos sambitin iyon.

Napahagikhik ako nang makita ang pagpula ng mga tainga niya.

"A-Ano? Malabo 'yon!" sabi niya.

Napanguso na lang ako sa sinagot niya. Sana talaga ay maging lalaki na siya para may pag-asa pa silang dalawa ni Saiko.

"Bakit nga pala kayo nandito? Alam ko namang hindi lang dahil sa gusto ninyong mangamusta kaya kayo nandito," paninigurado ko.

Bahagya pang nasamid si Homer kaya mabilis ko siyang dinaluhan.

"Actually nandito kami kasi may gusto kaming itanong," diretsyong saad niya matapos mahimasmasan.

"Ano naman 'yon?" nagtataka kong tanong.

Tungkol saan naman kaya? Sa acads? O baka naman tungkol kay Sabrina?

"I saw the incident inside the Cafeteria, few days ago. Froze started acting strange since that day, kaya may gusto lang kaming siguraduhin," panimula ni Juana.

Tumango lang ako.

"May something ba kayo?" Bigla na lang akong nanlamig sa kinatatayuan ko dahil sa tinanong ni Juana.

"Wala! Walang something," mabilis kong pagtanggi.

Mukhang katulad lang din sila nila Sabrina dahil nanunudyo pa silang tumitig sa akin.

"Sabi sa akin ni Miyuki nag-kiss daw kayo," sumisipol na turan ni Homer.

Pinamulahan ako ng mukha sa narinig. Nakakahiya.

"M-Masama ba 'yon?" kinakabahang tanong ko.

Natatawang umiling si Homer. "Hindi 'yon masama, Arrow, that's good for your health."

Wala sa sariling napatango ako. Hindi ko alam na mabuti pala iyon sa kalusugan, wala naman kasing nasasabi sa akin sila mommy at daddy.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now