Chapter 33

21.4K 750 58
                                    

Arrow

"Okay, thank you for the cake, mommy." I kissed mom's cheek before she leave the garden.

Sabi kasi niya ay may kakausapin lang daw siya saglit sa phone regarding the company.

Nandito kaming dalawa ni mommy sa garden, tinupad niya nga ang sinabi niya na ako lang muna ang sasamahan niya ngayon.

Daddy couldn't make it dahil may biglaan siyang flight papunta sa Korea, he said he's going to meet some client and I understand him.

Sa ngayon ay kami lang muna ni mommy, kuntento na ako roon kahit gusto ko rin na kasama si daddy. Atleast they didn't break their promise.

Habang kinakain ang strawberry cake na nasa table ay biglang tumunog ang cellphone ko. I quickly opened it and check who messaged me.

Kumunot ang noo ko nang makita ang unregistered number, I opened the message.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang litrato na sana ay hindi ko na lang pala binuksan.

"Hello, Arrow. This is Reid, what a beautiful surprise, right?"

I bit my lower lip habang patuloy na pinagmamasdan ang picture na sinend niya.

It's her picture, with Froze. And they're kissing.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang pagkirot nito. Why am I hurting?

Healthy ang kiss 'di ba? Dapat nga ay natutuwa pa ako para kay Froze, pero bakit ako nasasaktan?

Mabilis kong pinunasan ang luha sa mga mata ko nang dumating si mommy.

Tumabi siya sa akin at ngumiti. "So, where are we again?"

Binuksan niya muli ang laptop para ipagpatuloy ang video na pinapanood namin.

I hurriedly stopped my mommy's hands. Napalingon siya sa akin habang may nagtatanong na ekspresyon.

"M-Mommy, kissing is healthy right?" mapait kong tanong.

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Why are you asking questions like that, my daughter?"

"Is it normal if you kissed two girls?" pagbabalewala ko sa tanong ni mommy.

She chuckled before shaking her head. "Ofcourse not, Arrow. Ibig sabihin non ay niloloko ng lalaki ang isang babae kapag may hinalikan pa siyang iba."

Ngumiti ako nang mapait bago tumingin sa ibang direksyon.

"Then..." Mom turned her gaze back at me. "Normal po ba ang masaktan kapag may hinalikang babae ang taong gusto mo?"

She looked shock with what I asked, pero nakabawi rin naman si mommy at mabilis na tumango.

"Kapag may hinalikang iba ang daddy mo, ang una kong gagawin ay pakikinggan ang eksplenasyon niya. Pero kapag inulit niya pa rin, ibig sabihin niloloko niya ako," she explained.

Mas lalo lang akong nasaktan sa sinabi niya.

So all this time, those sweet gestures from Froze, hindi totoo 'yon?

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon