Chapter 58

21.7K 735 43
                                    

Arrow

"Wear this before you sleep, okay? I'll be gone for a while." Nakangiting tumango ako kay Froze na kasalukuyang inaayos ang damit niya.

Nakangiting niyakap ko siya sa tagiliran. "I'll miss you."

He chuckled mischievously with what I did, pero gumanti rin naman siya nang mahigpit na yakap.

"I'll miss you too, baby."

"Saan ka ba kasi maglalakwatsa?" takang tanong ko habang nakatingala sa kaniya.

He patted my hair like I'm just a kid!

"I need to do some job, my baby, and you know my job very well." Nagkaroon na ako ng ideya sa sinabi niya.

"Who's the lucky person this time, Froze?" nakangising tanong ko.

"Someone close to your mom, angel," sagot niya at kumindat pa.

Kumunot ang noo ko. "Give me a name!"

"It's Beatriz Lee, she's also your mom's friend. Remember those days that she's always picking up on you? She bullied you and gave you a hard time, baby. So I'm here to punish her," he said as he flash an evil smile.

I like the way he said that.

And yes, I can remember that bitch. Noong dalaga pa ako, kasamahan siya ng magaling kong ina sa pagpapamukha sa akin na wala akong kwenta.

"Take a good care of her, baby, I have your back!" I said mischievously as I wink at him.

Marahan niyang hinalikan ang mga labi ko bago ako halikan sa tungki ng ilong.

"I'm an evil caretaker, my angel, so you better behave here. I'll come back soon."

Kumaway ako sa kaniya nang lumabas na siya mula sa kwarto ko.

I'll miss him so much, and I'm sure about that. Kahit sabihin na kaonting oras lang kaming hindi magkikita. He's like my home already.

Dahil sa sobrang pagkaburyo sa loob ng kwarto ay napagdesisyunan kong lumabas.

Dire-diretsyo lang akong naglakad nang may marinig akong sigawan mula sa kwartong naraanan ko.

Kumunot ang noo ko nang mapansing kwarto iyon ng mga magulang ko. What are they fighting for?

Lumapit ako sa pintuan para makinig sa sigawan nila.

"I said I have no idea Mesaion!" It's Canapia, my mom.

"Tell me the truth, Canapia! Saan mo tinago ang mga papeles na 'yon? Huwag mong hayaan na mapuno ako!" Mesaion shouted angrily.

I can't believe that they're really fighting over something that, I'm sure, is useless.

"You don't point your finger at me, Mesaion! Ano bang pinagmamalaki mo, ha?! Ang pagiging crowned prince mo?!" I just listened as they fight.

"Shut up! Just give me the goddamn papers!"

"I said I don't have it! Masyado kang napapraning! Kaya tingnan mo ang utak ng walang kwentang batang 'yon! Puro pagrerebelde! Arrow became worthless like you!" Tumiim ang bagang ko nang marinig 'yon.

I opened the door harshly. Gulat pa silang napatingin sa akin kaya matamis akong ngumiti.

"I think I heard my name, so I came in," nakangiting saad ko.

Canapia smirked at me. "Yes, I really mentioned your name, darling. At hindi ko babawiin ang sinabi ko."

Hindi makapaniwalang tumitig ako sa kaniya.

"Wow, Canapia. Ako pa talaga ang sinasabihan mo ng walang kuwenta? Bakit? Sino ba sa atin ang totoong walang utak at walang pakinabang?" mapang-insulto kong tanong.

She threw death glares over me but I just shrug my shoulders.

"I am the empress of Korea, and you're just a princess!" sigaw niya.

Natatawang napairap ako. "You're just the wife, but you never had a blood of a Vlood. So how dare you assume that you're higher than me? Sa huli, ikaw pa rin ang itatapon kung dugo rin ang pag-uusapan."

Walang pasabing sinugod niya ako para hilahin ang buhok ko.

I heard Mesaion's voice trying to stop this bitch.

"You bitch! Wala ka talagang kuwenta! Just die! Just die!" sigaw niya habang mas pahigpit nang pahigpit ang pagkakasabunot niya.

Mabilis kong inalis ang kamay niya sa akin nang maramdaman ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko.

Galit na hinarap ko siya. "I am not a bitch, Canapia! Sa ating dalawa ikaw ang pinakawalang kwenta! Hindi ka naging nanay sa akin kahit kailan kaya huwag mo akong simulan!"

She aggressively let go from Mesaion's grip bago ako iduro. "I never wanted to be your mom! Hindi ka na dapat nabuhay pa, Arrow! Sana ikaw na lang ang namatay kapalit ni Ayenna!"

Mas lalong sumakit ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

"W-Why?" nanghihinang tanong ko.

Hindi siya nakasagot agad sa tanong ko.

"Why are you so eager to see me dead, Canapia? Ano bang m'eron sa kakambal ko at bakit ba mahal na mahal ninyo siyang lahat?!" galit na sigaw ko.

I can't breathe properly. My heart aches so much and bursting out is the only way to handle it.

"I've been a good daughter to the both of you simula nang mawala siya pero bakit ninyo ako tinatrato nang ganito?! Anak ninyo rin ako! Pero bakit ba ang hirap hirap para sa inyo na mahalin ako?!" I shouted.

"Ilang ulit kong ipinaliwanag sa inyong dalawa na wala akong kasalanan, ilang ulit akong nagtiyaga na makuha ang puso ninyong dalawa pero putangina dahil umaasa lang naman pala ako sa wala! Lagi na lang siya ang nakikita ninyo kahit nandito naman ako! Puwede ninyo naman akong mahalin dahil kamukha ko siya! Pero bakit hindi ninyo sinubukan?! What the hell is wrong with me, dad, mom? Why can't you love me the same way you love my twin? Aren't we twins, afterall? Bakit siya ang paborito nang lahat? Bakit siya ang lagi ninyong nakikita kahit nandito naman ako?!" I burst out while crying.

Hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kanila. Alam ko naman, e. Alam ko naman na hindi nila kaya. Dahil hindi ako si Ayenna, at hinding-hindi ako magiging siya.

"Kahit pagbali-baliktarin ninyo pa ang mundo, hinding-hindi na siya babalik, at hinding-hindi na rin magbabago ang galit ko sa inyong dalawa," mariin kong saad bago sila iwanan sa kuwartong iyon.

I slammed the door so hard. Mabilis akong tumakbo papasok sa kwarto ko at napasandal sa pader.

I covered my face with my both hands. "You're so weak, Arrow, so weak."

---

To all of those people na nakakaramdam ng favoritism sa family nila, please stay strong and positive. Hindi man kayo paborito ng mga taong mahal ninyo, ako paboritong-paborito ko kayo dahil patuloy ninyo akong sinusuportahan. I love you mga mahal ko!

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now