Chapter 52

24.9K 728 48
                                    

Arrow

"Your Highness, there are the files you're asking for." Mabilis kong kinuha mula sa kamay ni Alicia ang mga papeles na kailangan ko.

Binuklat ko ito isa-isa para malaman kung ito nga ba ang mga hiningi ko.

"Ito na ba 'yon lahat?" malamig kong tanong.

She bowed her head as she nod.

"Now leave." I gestured her to leave my room, so that's what she did.

Agad ko namang binuklat ang mga papeles na binigay niya sa akin.

These are the documents inside my father's office. I really need Alicia's help dahil siya lang naman ang malayang makakapasok sa opisina ng tatay ko.

Hinawakan ko ang ibabang labi sa labis na pagtataka nang makita ang pangalan ng isang mataas na tao sa Korea.

My father set up an appointment with this woman?

Julie Ortega.

I knew her for so long dahil katulad namin ay may lahi rin siyang Filipino. And she's one of those women I wanted to kill.

Agad kong tinawagan ang number ni Alicia na naka-save sa telepono ko.

"Your High--"

"Gather all my men to get this Julie. Gusto ko ay nasa loob na siya ng lugar ko sa ilang minuto lang."

Walang reaksyon kong binaba ang tawag kahit hindi pa siya nakakasagot. She's smart enough to understand what I said.

Saglit kong inayos ang sarili at sinuot ang damit na parati kong sinusuot tuwing pumapatay ng mga peste.

Now I'm using it again, and it's fun.

Nang makapagbihis na ay kinuha ko rin ang katana sa cabinet at isinuksok ito sa likuran ko.

I received a text from Alicia saying na nasa kamay na ng mga tauhan ko ang babaeng 'yon.

Mabilis akong lumabas ng kwarto pero agad ring napamura nang makita si Froze na naghihintay sa labas.

"Where the hell are you going, Arrow?" malamig na tanong niya.

Gusto ko siyang bulyawan at sigawan pero alam kong isusumbong niya ako kay lolo, kaya nagtimpi na lang ako.

"I'll do some work, so shut up," I responded.

Akmang lalagpasan ko na siya nang mabilis niyang hablutin ang braso ko. Napalunok ako nang makasalubong ang mga mata niyang nagbabanta.

"What are you up to, baby?" His voice lingered inside my mind.

"A-Ano ba! Wala kang pakealam sa gagawin ko!" asar na sagot ko.

He just smirked like he's teasing me. "You'll do some work? I know you too well, my angel."

I swallowed hard when he said that. Alam niyang may papatayin ako?

"And what's wrong with that, Froze? Ginagawa ko na ang trabahong 'to kahit noong wala ka pa sa buhay ko, kaya huwag mo akong kontrolin na para bang may tayo," mapait kong sabi bago siya bitawan.

Akala ko ay matitinag na siya sa sinabi ko, pero sinundan pa rin niya ako sa paglalakad.

Kahit may ilang mga katulong sa paligid ay hinablot niya ang braso ko para isandal ako sa pader.

I flinched a little when he began caressing my cheeks.

"My little angel, what happened to that sweet and innocent Arrow?" nang-aasar na untag niya.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon