Chapter 25

23K 815 62
                                    

Arrow

Nakayukong naglalakad ako pabalik sa dorm habang iniisip pa rin ang nangyari kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga bagay na tumakbo sa isip ko noong gabing 'yon.

I'm sure that I heard a woman's voice inside my head, para akong kinontrol ng boses na 'yon at napasunod ako sa gusto niyang gawin. Pero ang kinakabahala ko ay sobrang pamilyar ng boses na 'yon. It's my voice, but it sounds creepy. 

Pinilig ko ang ulo para mawala ang mga iniisip kong negatibo. That's not me, I'm not a criminal to kill someone, I'm not a bad girl.

"Hi, Arrow." Umangat ang tingin ko sa taong humarang sa daanan ko. Namutla ako nang makita si Reid na nakangiti sa akin.

"H-Hello," bati ko pabalik.

She grinned at me and smile sweetly after. "Can you please lend some help? Hindi na kita sasaktan katulad noon."

Bahagya akong napaatras habang nakatingin sa kaniya. She sounds sincere pero hindi ko alam kung bakit ayokong magtiwala sa kaniya. I can't trust her again because of what she did to me last time.

"R-Reid, ano kasi, may pupuntahan pa ako. Atsaka hinahanap na rin ako ng mga kaibigan ko, baka naiinip na sila," pagdadahilan ko at akmang lalampasan na sana siya pero nagulat na lang ako nang hilahin niya ang braso ko.

"Sige na, Arrow, please? Saglit lang naman, you just have to bring these chemicals to the laboratory, pagkatapos no'n ay puwedeng-puwede ka nang umalis," nakangiting sabi niya.

Kahit nag-aalangan pa rin ako sa pinapakita niyang kabaitan sa akin ay pinili ko na lang na sumang-ayon sa gusto niya, ayoko naman siyang galitin dahil baka saktan na naman niya ako.

Kinuha ko ang tray na hawak-hawak niya na may lamang mga chemicals, iningatan kong mabuti ang pagbuhat dito dahil natatakot ako na may mabasag o mahulog ako. Mas mabuti nang sigurado para hindi siya magalit sa akin. 

"M-Mauna na ako," paalam ko sa kaniya.

"Sige, thank you so much, Arrow. I'm sorry for what I did the last time, babawi ako sa 'yo, okay?" Tinapik niya pa ang balikat ko pero naiilang na lumayo ako sa kaniya.

Yumuko muna ako sa kaniya bago tuluyang maglakad papalayo sa kaniya. Maingat na hawak-hawak ko ang tray sa kamay hanggang sa makarating ako sa Laboratory. Bukas ang pintuan kaya dumiretsyo na lang ako sa loob.

Nang mailapag ko ang tray ay napansin ko agad na walang tao sa loob, siguro busy 'yung mga nandito. May mga representatives kasi kami sa Science Department na lalaban international.

Papaalis na sana ako pero laking gulat ko nang bigla na lang sumarado ang pintuan. I hurriedly went to the door and try to open it. Naiiyak na pinihit ko ang doorknob pero hindi pa rin ito bumubukas.

"Help! Someone's inside here, please help me!" naiiyak kong saad. 

Kinalampag ko ang pintuan para kung sakali man na may mapadaan ay marinig ako rito sa loob. "Please, tulungan ninyo po ako!"

I gasped when I heard a loud explosion behind me, sunod-sunod pa akong napaubo dahil sa mabilis na pagkalat ng usok sa paligid na gawa ng pagsabog na 'yon.

Naiiyak na sumandal ako sa pader at napaupo habang winawagayway ang kamay sa tapat ng ilong ko.  Parami nang parami na ang usok sa paligid at nagsisimula na ring umapoy sa loob. 

Pilit ko pa ring kinakalampag ang pintuan habang umuubo, I feel like I'm starting to lose my breathe. I don't want to die, yet.

Nanginginig na sumiksik ako sa pintuan nang may sumabog na naman sa loob, mas lalong lumala ang pagkalat ng apoy at ang pagkalat ng usok sa paligid. Pakiramdam ko ay may sumasakal sa leeg ko dahil sa usok na nalalanghap ko.

Napaatras ako mula sa pintuan nang bumukas ito, naiiyak na pinagmasdan ko ang taong pumasok mula doon. "F-Froze."

"Shit!" Mabilis niya akong binuhat na para bang isa akong babasaging bagay. 

Humilig ako sa dibdib niya habang papalabas kami ng Laboratory. It feels so good in his arms, pakiramdam ko ay ligtas ako kapag nandito siya, kapag magkasama kami. I just want to be near to him like this.

Naramdaman kong inilapag niya ako sa isang upuan, hindi ko na makita ang mga nasa paligid ko dahil nanlalabo ang mga mata ko.

"Hey, my angel. Please look at me." It's his voice.

Pilit kong iniangat ang kamay ko para hawakan ang mukha niya. I just want to be sure that he's really here. That I'm already safe.

"F-Froze," naiiyak kong saad nang mahawakan ang mukha niya.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan 'yon. "Yes, my angel? I'm here, I'm here. Don't cry."

Humilig ako sa dibdib niya nang yapusin niya ako. Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko dahil sa nararamdaman. Naglaho ng parang bula ang takot na nararamdaman ko habang yakap-yakap niya ako. 

"I'll bring you to the Hospital, alright? Please hold on, my angel. You'll be safe with me." 'Yon ang huli kong narinig bago tuluyang pumikit ang mga mata ko.

NAPAPIKIT ako dahil sa ilaw na sumalubong sa akin pagkamulat ng mga mata ko. Puro puti ang bumungad sa akin kaya alam ko na kung nasaan ako.

Lumingon ako sa gilid ko nang may maramdamang presensya roon. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si Froze na natutulog habang nakahilig sa tabi ko. I smiled while staring at his beautiful face.

Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko para haplusin ang gwapo niyang mukha. "Why are you always saving me, Froze?"

Bahagya siyang kumislot na nakapagpangiti sa akin. He's really handsome especially when I have this chance to look at him this close. I traced the curves of his face with my finger. So handsome.

Ngumiti ako nang matamis sa kaniya nang magmulat ang mga mata niya. Agad siyang dumukwang sa akin at hinalikan ako sa noo. "Thank you for waking up."

"Thank you for saving me also, Froze. I might die inside the laboratory kung hindi ka dumating," nakangiting sabi ko sa kaniya.

He looked at me intently before nodding. "No matter how I try to understand the situation, I just can't find the right answer kung bakit ka naroon sa loob," madilim ang mukhang saad niya.

I swallowed hard at ngumiti nang alanganin. I know Reid was behind all of this. Pero ayoko nang magkaroon pa ng gulo. "B-Bigla na lang sumarado 'yung pintuan, siguro 'yung hangin, tapos na-lock ako sa l-loob."

Tumiim ang bagang niya bago napipilitang tumango. "Just make sure that you're telling the truth, Arrow. Because if I found out that you're lying to me, papatayin ko ang taong gumawa nito sa 'yo."

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now