Chapter 27

22.7K 851 71
                                    

Arrow

"Hindi talaga namin alam kung ano ang nangyari, Arrow, bigla ko na lang naramdaman na may humampas sa ulo ko. After that, nawalan na ako ng malay," frustrated na sagot ni Saiko sa tanong ko.

Naiiyak ko silang tinitigang tatlo. "Bakit ba kasi kayo lumalabas pa ng ganoong klase ng oras?"

Sabrina chuckled. "Such a cry baby, Arrow. Huwag ka na ngang umiyak diyan, we're safe now so there's nothing to worry about, alright?"

Sumisinghot na tumango ako kay Sabrina. Kahit naman sabihin niya 'yon ay hindi mapapanatag ang loob ko, para akong na-trauma dahil sa nakita ko kagabi.

Saiko gestured her hand na para bang sinasabi na lumapit ako, so I did. "Why? Do you need anything? Tell me," umiiyak kong tanong.

Iiling-iling na tumawa siya bago ako tapikin sa balikat. 

"Sabrina's right, Arrow, there's nothing to worry about dahil nandito na kami ngayon sa Hospital. Para ngang noong nakaraan ay ikaw ang binabantayan namin, ngayon ikaw naman ang nagbabantay sa amin," natatawa niyang saad na ikinanguso ko.

Bakit nagagawa pa rin nilang makapagbiro sa ganitong sitwasyon? Hindi ba nila alam na hindi ko na alam ang gagawin ko para lang maprotektahan sila? Para lang huwag mangyari ulit ang nangyari sa kanila kagabi?

"The both of you, stop teasing Arrow. You know how kindhearted she is kaya siya umiiyak, mga gaga kayo," malamig na sabi ni Miyuki nabusy sa pagkalikot sa cellphone niya.

"Thank you, Miyu, I love you," nakangiti kong sabi rito at nag-flying kiss pa.

She just grinned before rolling her eyes. I pouted my lips because of what she did, ay sungit.

Lumingon ako sa pintuan nang bigla itong bumukas, bumungad sa amin sila Homer at Juana na nagmamadaling pumasok sa loob.

"Babe, what the hell happened to you?" nag-aalalang sigaw ni Homer na agad nagtungo kay Sabrina.

Kitang-kita ko pa ang pagpula ng pisngi ng kaibigan ko kaya napahagikhik ako sa tabi, ang cute talaga nilang dalawa.

"A-Ano ba Homer! Lumayo ka nga sa aking lalaki ka!" sigaw ni Sabrina na sa tingin ko ay nagpapakipot lang naman. In denial pa ang kaibigan ko, halata namang gusto niya rin si Homer.

Sabi ni mommy, do not be afraid to show your true feelings dahil masasaktan lang daw tayo kapag pilit natin tinago iyon. Mas mabuti pa na mas maaga tayong masaktan kaysa umasa muna bago masaktan. Hay, naaawa talaga ako sa mga taong nasasaktan dahil sa pagmamahal.

"Hey, twinnie! Anong nangyari sa mga friends mo?" nagtatakang tanong ni Juana habang pinagmamasdan ang tatlo kong kaibigan na nakahilata sa mga kama nila.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay si Reid ang may pakana ng lahat ng ito, nakausap ko pa siya kagabi, Juana. Parang hindi man lang siya dinapuan ng konsensya sa katawan," naiiyak kong sagot.

Napakagat labi siya bago himasin ang likod ko. "Gaga talaga ang babaeng 'yon, ang sarap hilahin ng buhok at ingudngod sa putik para magising sa katotohanan na mukha siyang kabayo."

Ngumuso ako sa narinig. Grabe, ang tapang talaga nilang lahat, kailan ko kaya magagawa 'yan? Sabagay, wala naman akong balak na gumaya kasi magiging bad girl na ako no'n.

Tinapik ko ang balikat ni Juana na ngayon ay nanggagalaiti sa galit. "Huwag ka nang mainis, Juana, mabilis kang tatanda--"

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla na lang may humila sa kamay ko na nakahawak kay Juana. I gasped when I saw how dark Froze's face was while looking at Juana. Napalunok ako dahil sa paraan nang pagkatitig niya sa kaibigan ko.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko, atsaka umangat papunta kay Juana na ngayon ay namumutla ang mukha.

"F-Froze, wala 'yon." Tumawa nang alanganin si Juana bago lumingon sa akin. "'Di ba, Arrow? Wala 'yon."

Lumingon sa akin si Froze gamit ang nagbabantang tingin kaya nagkibit-balikat ako. "Tinapik ko talaga 'yung balikat niya, kaya m'eron 'yon, kasi nag-aalala ako sa kaniya."

Mas dumilim ang ekspresyon niya na ikinangiwi ko, napadiin din ang pagkakahawak niya sa akin kaya ang hula ko ay mas lalo siyang nagalit.

Bakit? Nagsabi lang naman ako ng totoo, huh? M'eron naman talagang ibig sabihin 'yon kasi nag-alala ako kay Juana, bakit siya nagagalit?

Naalerto ako nang makitang humakbang papalapit si Froze kay Juana, mabilis ko siyang pinigilan nang makitang inambahan niya ng suntok ang kaibigan ko.

"Huwag! 'Wag! That's bad!" saway ko sa kaniya dahilan para mapatigil siya.

Nakasalubong ko ang kulay asul niyang mga mata nang magbaba siya ng tingin sa akin. I smiled sweetly at him. "Huwag mo siyang saktan, please? Magbati na kayo."

Kinuha ko ang kamay niya pati ang kamay ni Juana, hindi ko pa napagdidikit ang mga kamay nila ay mabilis nang tinapik ni Froze ang kamay ng kaibigan ko dahilan para mapabitaw ako sa kamay ni Juana.

"Stop touching him! Ako lang ang hawakan mo tangina!" galit na mura ni Froze bago ako hilahin palapit sa kaniya.

Kinuha niya ang dalawang braso ko at pinulupot iyon sa baywang niya na siyang ikinapula ng mga pisngi ko. 

"S-Sorry, huwag ka nang magmura, masama 'yan," mahinang usal ko.

Nakita ko mula sa gilid ng mata ko kung paano niya samaan ng tingin ang kaibigan ko habang hinahaplos ang buhok ko. "Get away from my sight, Juanito, before I rip your neck. Go!"

Nagmamadali ang kilos na lumabas si Juana mula sa hospital room. I gazed at Froze na masama na ang tingin sa akin. Bahagya pa akong kinilabutan sa binibigay niyang titig.

"B-Bati ba tayo? Bakit masama ka tumingin?" nag-aalalang tanong ko.

I heard how Homer laugh from the corner pero hindi ko na siya pinagtuonan pa ng pansin. Nakatitig lang ako sa anghel na nasa harapan ko na ngayon ay nakangisi na.

"This is my first warning, Arrow, don't touch other man 'cause I'll gone mad. Do you hear me? Masama akong galitin, anghel ko," malalim na boses na banta niya.

I swallowed hard before nodding my head repeatedly. "Opo, masusunod po." Naisagot ko na lang dahil sa takot at kaba na nararamdaman.

Ngumisi siya nang matagumpay bago ako halikan sa pisngi sa harapan ng mga kaibigan ko, mas uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

He patted my head like I'm a 4 years old kid. "Good girl, my baby, good girl."

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon