Chapter 13

25.6K 936 42
                                    

Arrow Perez

"So what did you guys do during Weekends?" tanong ni Miyuki sa amin.

"Linggo na ako nakarating sa amin, nakipagkita pa ako sa mga kamag-anak ko," sagot ni Sabrina.

"I visited my grandparents," malamig na sagot ni Saiko na kasalukuyang nagbabasa ng libro.

"You, Arrow?" baling nila sa akin.

Napalunok ako. Kinakabahan ako, e. Sasabihin ko ba sa kanila?

"Nakipag-bonding kila mommy at daddy," palusot ko.

Mukha namang naniwala sila dahil tumango-tango pa sila.

"By the way, ano oras next class natin?" tanong ni Sabrina na dumukwang pa kay Saiko.

"4:30," tugon ni Saiko.

"What?! It's almost 4:30. Tara na, kaya?" pag-aaya ni Miyuki sa amin.

"Ang overacting mo talaga, Miyu, 30 minutes pa before four. You're so time conscious." Umirap pa si Sabrina pagkatapos sabihin 'yon.

Palihim naman akong natawa sa kanila.

"I don't care! Gusto ko talaga ng maaga, tara na." Kinaladkad na agad kami ni Miyuki kahit hindi pa kami nakakasagot.

Mabilis naman akong pumalag kaya napatingin sila sa akin.

"Why?" nakakunot noong tanong nila.

"May kukuhanin lang ako saglit sa locker, I'll be back soon." Ngumiti ako para iparating na nagsasabi ako ng totoo.

"Samahan ka na kaya namin?" tanong ni Saiko.

Mabilis naman akong umiling. "Libro lang yung kukuhanin ko, mabilis lang ako, I promise." Tinaas ko pa ang kanang kamay na umanoy nangangako.

They chuckled with what I did pero sa huli ay pumayag na rin naman sila.

Gamitin ko lang daw yung pepper spray kapag may nag-amok.

Dahil nga sa nangako ako na babalik ako kaagad ay mabilis kong tinakbo ang daan papuntang locker.

Nang makarating ay kinuha ko lang ang librong kailangan ko para sa class namin ngayon.

I was about to leave nang harangan ako ng tatlong lalaki.

Hala, sino sila?

Lihim akong napahawak nang mahigpit sa strap ng bag ko dahil sa takot.

Ito na naman ba? Malalagay na naman ba ako sa alanganin? Bakit lagi na lang?

"Hi, Arrow," bati sa akin nung nasa gitna.

Gusto ko sanang bumati pabalik, pero iba kasi ang paraan ng pagtitig nila sa akin.

"A-Aalis na p-po ako." Sinubukan kong dumaan pero mabilis nila akong nahila sa braso at binalibag sa locker.

Napaiyak ako dahil sa sakit.

Naramdaman ko ang paghila sa akin ng isang lalaki para patayuin ako.

"Tama nga sila, you look like a goddess. I wonder how your lips taste." Napaiyak ako dahil sa kamanyakan ng lalaking kaharap ko.

Akmang hahalikan na niya ako pero nagulat na lang ako nang bigla siyang tumalsik papalayo sa akin.

Maging ang dalawang lalaki ay tumba din sa gilid.

"Fuck! Ano bang problema--" Mabilis na napatigil ang lalaking manyak nang makita kung sino ang gumawa sa kanila non.

Ngayon ko lang din napansin ang lalaking nakatayo sa gilid ko.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now