Chapter 39

19.9K 780 52
                                    

Arrow

I might be the princess of Korea?

I chuckled on that thought. Hindi ko na alam kung ano ang pagdududahan ko.

Everything makes sense. I kept on dreaming about that woman who looks exactly like me.

Dalawang tao lang ang makakapagbigay ng liwanag sa akin. They're Henry and Victoria.

Parehas silang nagsinungaling sa akin, so I assume that they'll tell me the truth lalo na at alam ko na ang totoo.

Nagmamadaling niligpit ko ang mga gamit ko na nasa ibabaw ng lamesa.

I have to leave right now, I don't care if I'll be punish for leaving the University on weekdays.

Breaking the rules will be fine as long as I'm the one who's breaking it. Who cares about the rules right now?

Nang masigurong nasa loob na ang lahat ng kailangan ko ay tumayo na ako sa kinauupuan.

Hindi pa ako nakakalapit sa pintuan ay bigla na lang itong bumukas.

"A-Arrow?" Kumunot ang noo ko nang makita na si Saiko ang nagbukas ng pintuan.

What does she need this time? I swear I'll slap her back if she tries to hit me again.

"What is it?" asar na tanong ko.

"I j-just want to say sorry about last night," she said while biting her lower lip.

Lihim akong napangisi. Last night, she slapped me so hard na para bang wala kaming pinagsamahan dalawa.

But why is she so guilty right now? Nabagok ba ang ulo niya kung saan?

"Get out of my way." Tinabig ko siya para makalabas ng pintuan.

Paharang-harang.

I almost reached the door but she quickly grab me.

"Arrow, please listen to me first," nagmamakaawang untag niya.

Sinamaan ko siya nang tingin at marahas na inagaw ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

She looks guilty.

"It's my fault, I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang nangyari kagabi, nadala lang ako ng galit kaya kita nasaktan," she said while crying.

Naramdaman ko ang pananakit ng dibdib ko dahil sa pag-iyak niya, pero hindi ko na pinansin 'yon.

"Get off, I'm going." Paalis na sana ulit ako nang hatakin niya na naman ako.

"I want to say goodbye, Arrow. I'm planning to leave the country. Ikaw ang huli kong sinabihan dahil natatakot ako na baka galit ka pa sa akin. Pero gusto ko lang talagang humingi ng tawad at magpaalam sa inyo nila Sabrina," she sincerely said.

Saglit akong napatahimik habang nakatingin sa kaniya.

"Ingat," simpleng sabi ko 'saka siya iniwanan sa loob ng kwarto.

May pagmamadali sa bawat kilos ko nang lumabas ako sa dorm.

Nilagpasan ko lang ang mga estyudanteng nakatingin sa akin, dire-diretsyo lang ako hanggang sa makarating sa gate.

Hinarangan agad ako ng apat na guard sa bungad.

"It's emergency, let me out," malamig kong saad.

"I'm sorry, but you have to show us your slip," sagot ng isang lalaki.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon