Chapter 15

25.6K 908 104
                                    

Arrow Perez

"Oh talaga? E, bakit parang mabait naman kayong dalawa ni Juana?" nagtatakang tanong ko kay Homer.

Nagkukwento kasi siya about sa ranking dito.

Ang sabi niya kasi malalakas na tao lang ang nakakapasok doon.

"Silly, hindi naman lahat ng nasa ranking ay masasama." Umiiling-iling siyang tumawa.

"Sabagay, sila Filotimo nga hindi naman sila bad. Ang babait nga nila," nakangusong sabi ko.

Nahihiwagaang tumingin sa akin si Homer at Juana.

"Filotimo? You mean the rank 2? Kilala mo sila?" tanong ni Juana.

Tumango naman ako. "Ang babait nga nilang tatlo sa akin, e. Kasi nga 'di ba, tinulungan ko si Froze noong nahimatay siya tapos dumating yung tatlo."

Agad naman akong napatakip sa bibig nang makita ang tingin nila Sabrina.

Omy, sabi nga pala nila ay huwag ko raw ipagsasabi 'yon sa iba.

"So you already met Froze?" nakangising tanong ni Homer.

Alanganing napatango ako.

Bigla na lang siyang nasamid at tumingin nang makahulugan kay Juana.

"Bakod na bakod na pala 'to," natatawang saad ni Juana.

"Kaya naman pala. Sabi ko sa 'yo kakausapin lang tayo n'on kapag may kailangan," umiiling-iling na sagot naman ni Homer dito.

"Sino ba ang pinag-uusapan ninyo?" takang tanong ni Sabrina.

"Oww, wala, someone from afar," nakangising sabi ni Juana.

"Ang weird ninyo--"

"Saiko, Sab, Miyu. Ang sabi nila mommy at daddy, dapat daw ay marunong tayong huwag makinig sa usapan ng iba," payo ko sa mga kaibigan ko.

"What? Seriously, Arrow?" naiiritang tanong ni Sabrina.

Tumango naman ako at ngumiti nang matamis sa kaniya.

Bigla na lang siyang namula at pinalo ako sa balikat. "Huwag mo akong dinadaan sa mga ganiyang ngitian." 

Pinanlakihan niya pa ako ng mga mata kaya napasimangot na lang ako. "Ay damot, ngiti lang, e."

Bigla silang humagikhik tatlo at pinagkukurot ako sa pisngi.

Halos maiyak ako dahil sa diin nang pagkakapisil nila.

Sila Juana at Homer naman ay tumawa lang sa tabi.

"Aray! Masakit!" naiiyak ko silang pinigilan.

Nang makitang naiiyak na ako ay tumigil sila at ngumiti nang alanganin.

"Sorry, ang cute mo lang kasi," nakangiting sabi ni Saiko.

Hinilot-hilot ko nang bahagya ang pisngi ko habang sinasamaan sila ng tingin.

"Why did you pinched my cheeks! Ang pula-pula na nila," naiiyak kong saad.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant