two~~ (past 2) Chase Eros Clarkson Johnson

1.5K 24 0
                                    

Chase's POV

"Eros!!!! Malalate kana!!! Yung kapatid mo nauna na.Kanina pa siya nasa school!!"

Napadilat ako ng mata ng marinig ko ang boses ni mama.Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng ingay.

"Papasok na ako ahhh...."

Napatayo ako agad at hinanap ang damit ko sa tabi-tabi.Nakahubad lang kasi ako.Nandito kagabi ang girlfriend kong si Denise.At alam niyo na gaya ng magkasintahan tuwing gabi na magkasama.Nang makaayos na ako at pati narin ang kama ko ay agad nang pumasok si mama.

"Kakagising mo lang! Kanina pa nasa school si Eris.Oh siya....bilisan mo na dahil ilang minutes nalang ay late ka na talaga."

Napatingin ako sa paa ko na parang may something na madulas. Napatingin ako doon na wari'y napapakamot lang sa ulo.

Napalaki ang mata ko na nandoon ang condom na ginamit ko.Agad ko yung tinapakan at napatingin kay mama.

"Sige ma, mag-aayos na po ako."

"Dapat lang, bilisan mo na diyan"

Tumango nalang ako at pinanood siyang lumabas sa pinto.Bago niya maisara ang pinto ay pumasok ang alaga kong pusa.

*meowww*

Agad kong tinapon ang gamit na condom sa trashcan. Pumasok na ako sa banyo ay naligo na.Si Denise ay girlfriend ko hindi dahil mahal ko siya, kundi dahil nabibigay niya ang mga needs ko bilang lalaki.

At yang love,love,love na yan.Nahhh wala yan sa bokabularyo ko noh...

Nang matapos na akong maligo at nakabihis na ako ay lumapit ako kay Alice na alaga kong pusa.Binuhat ko siya at bumaba na hagdan.Napadaan pa ako sa kwarto ni Eris kambal na maagang umaalis talaga.

"Bilisan mo Eros, kumain ka na doon at ibaba mo muna yang pusa mo"

"Papakainin ko lang..." agad ko siyang binaba at kinuha ang pagkain niya na nasa cabinet at nilagyan ang paglagyanan niya ng pagkain.Nang makita kong kumakain na siya at lumapit na ako sa mesa at sinimulan nang kumain.

Nang matapos na ako ay nagpaalam na ako kay mama.Agad akong pumunta sa kotse ko at umalis na.

Ang bag ko nasa likod lagi ng kotse ko kaya hindi ko nakakalimutan. Malalate na talaga ako kaya minadali ko na ang pagmamaneho ko.Kasalanan toh ni Denise dahil ang kulit na sabing isang round lang kami dahil maaga akong papasok dahil hindi ko pa tapos ang mga ginagawa ko sa school pero ewan ko ba kung malakas lang talaga ang stamina niya dahil hindi lang isang round ang inabot namin.

At nakakasawa na siya, isang linggo ko na siyang girlfriend kaya gusto ko ay iba naman.Nakakasawa nang paulit-ulit na lang siya.

*peeeeeeeppppp*

Ay lete naman, magpapakamatay na ba ang babaeng yun na tumawid.Pinaalis ko na siya sa daan dahil malalate na ako.Pero nung sumagot siya sa sinabi ko at humarap sa akin ay iba ang naramdaman ko.

Atraksyon siguro, malalate na rin siya at ako din at nang mapatingin ako sa ID lace niya ay pareho lang pala kami ng school.Bakit hindi ko siya nakikita.

Inalok ko siya na sumabay na dahil pareho lang kami ng school at malalate na.Parang no choice na pumasok siya sa kotse ko at umupo na nang maayos.Habang nasa biyahe ako ay napapatingin ako sa kanya at parang may kung ano siyang nilalabas sa bag at wallet nga ang nilabas.

Mukhang maglalabas siya ng pera kaya pinatigil ko na.Hindi ako taxi driver noh para bayaran.Libre ang alok ko sa kanya.

Binalik niya nalang ang wallet sa bag niya at tahimik labg talaga siya.Sa buong biyahe ay napapatingin ako sa mata niya na iba ang kulay, mukhang may lahi siya.Gray ba o silver ang kulay ng mata niya.Ang hirap suriin.Siguro malalaman ko kung malapitan ko siyang tinitigan.

Nang makarating kami ay agad siyang bumaba na mukhang nagmamadali....

"Salamat!!!!" sabi niya at habang paalis na.Napatingin lang ako sa kanya hanggang pawala na siya sa paningin ko.Nang bumaba na ako sa kotse ko ay napatingin ako sa mga tao na nakatingin lang sa akin at doon sa tinakbuhan ng babae.

Arhhhggg....issue na naman.Lahat nalang talaga...

Lumakad na ako palapit sa room na papasukan ko nang sumalubong sa akin si Denise at agad akong sinampal. Masakit yun dahil parang nawalan ako ng ulirat nun.

"Kakasama lang natin kagabi at ngayon naman ay iba ang kasama mo.Ano kulang pa ba yun hah? Tskk..
Low quality pa ang nakuha mo."

"Anong pinagsasabi mo?" Sabi ko at napahawak ako doon sa sinampal niya.Masakit talaga...

"Sino naman yung kasama mo sa kotse huh???!!!!"

"Sumabay lang siya sa akin, shet!!" Masakit talaga yung pagkasampal niya dahil siguro may suot siyang singsing...

"You know what Denise, ayaw ko na sayo,sawa na ako,"

"What do you mean,...na....break na tayo?"

"Oo....kaya umalis ka sa dadaanan ko" sabi ko at lumakad na.Tama na rin siguro ang mga nangyari kanina.Naghahanap ako ng dahilan para hiwalayan siya pero siya na ang nagbigay sa akin ng paraan para hiwalayan ko.

"No!....please baby Eros...no!"

Naiinis na inalis ko ang pagkahawak niya sa braso ko na pinipigilan pa ako.Sa sobrang kapit ay wala akong choice kundi lakasan ang pag-alis nung braso niya sa akin na nagcause na matumba siya.Hindi ko siya sinulyapan ng tingin at dumeretso na sa room ko.Na pagkapasok ko lang sa pinto ay nagring na ang bell na magsisimula na ang first period.

"Hmmm...sakto ang pagpasok mo Mr Johnson..." sabi nung professor namin kaya ngumiti lang ako at umupo na.Napatingin ako sa labas ng bintana ng may dumaang babae na familiar sa akin.

Wait...siya yun....yung babaeng yun.Ka-schoolmate ko lang siya kaya siguradong makikilala ko siya.Siya agad ang hahanapin ko pagkatapos ng first at second subject....

"Next girl na naman..."

Napatingin ako sa katabi ko na nakatingin sa akin at nakangisi.Sinuntok ko siya ng mahina sa braso..

"Baliw...."

Binalik ko nalang ang atensyon ko sa professor namin.Baka mapansin pa kami dito sa likod.Ang hirap pa naman niyon, mahilig magpasurprise quiz.Kaya ang mga hindi nakikinig ay wala....

Nakatutok lang ang atensyon ko sa professor ko nang maalala ko ang itsura nung babae.Maganda siya...pasok na pasok bilang model.
Napakagat ako sa lower lip ko dahil sa naisip.....

Shit!!!!

Kailangan ko siyang makita at makilala.....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now