twenty-nine~~ chance and childish

891 20 0
                                    

Madison's POV

"Madison, matagal ko nang gusto tong sabihin sayo na...alam mo na, alam ko namang may pag-asa ako sayo diba?"

Napatingin ako kay Zero na nakatingin lang sa akin habang kumakain kami. Niyaya niya ako na kumain ulit sa labas, OK lang.... masaya namang kasama siya eh..

Pero yung nangyari nakaraan lang, yung pag-uusap namin ni Chase ang nasa isip ko. Sa mga salitang sinabi ko ay parang binigyan ko na siya ng pag-asa.

Napatingin ako sa labas dahil sa malakas ang ulan. Patang ang sayang maligo pero gabi ngayon kaya wag nalang.

"Madison, nakikinig ka ba?"

"Ammm...ano ulit yun..?"

"Wala, ang ganda mo ngayon."

"T-Thanks.."

"Amm, ang tagal ko nang nangliligaw sayo, amm may balak ka namang sagutin ako diba?"

"Amm....Zero, diba sinabi ko na sayo--"

"Wag Madison, wag mong ituloy.."

Pinanood ko siyang inumin ang wine niya. Napakagat ako sa lower lip ko at napayuko.Ayokong makakitang may nasasaktan ako dahil sasabihin ko na sa kanya.

"Zero, para sa akin ay friendly dinner date lang toh...Zero, kapatid ang turing--"

"Alam ko, alam ko naman simula noon. Alam ko yun lang ang tingin mo sa akin. Kapatid, kaibigan o ano man...alam kong siya pa rin, alam kong hindi ko maaagaw ang pwesto niya sayo....pero bakit di natin bigyan ng chance eto....baka magwork, bakit hindi natin i-try na maging tayo... Madison gagawin ko ang lahat maging akin ka lang, sana ay wag mo akong pigilan za ginagawa ko...."

"Masasaktan lang kita sa huli--"

"Handa akong masaktan para sayo, at hindi mo rin alam ang mangyayari kong siya rin ang piliin mo, paano kung saktan ka niya ulit. Kaya mo pa ba?, paano kung matulad ka noon na sinaktan ka niya at naghirap ang pamilya mo, paano kung mabaliw ka sa kanya at hindi mo na maisip ang sarili mo..Ako Madison, you can use me, anytime you want. Ayos lang sa akin na maging rebound basta na sa akin ka."

"Ayaw ko lang na may ginagamit akong iba para makalimutan lang siya...Hindi ako ganuung klaseng babae Zero..."

Agad na akong napatayo sa upuan ko ng tapos na akong kumain.

Aalis na sana akoo ng hawakan ni Zero ang kamay ko at sinabihang umupo muna.Bumuntong hininga ako at umupo na.

"Sorry kung yun ang iniisip mo, gusto ko lang na maging akin ka. Sige, magiging patas ako. Alam kong may ginagawa rin si Eros ngayon at wala na akong pake kung ano man yun, gagawin ko rin ang lahat para sayo Madison.."

Nahihilo na ako sa mga nangyayari.

"Hindi ko na alam Zero, gusto ko nang umuwi at matulog, nahihilo na ako..."

Tumango lang siya at pareho na kaming tumayo sa kinauupuan namin. Napatingin ako kay Zero na mukhang nagmomoblema.

"Anong problema Zero?"

"Sa kabilang kalye pa yung kotse ko, wala tayong payong.."

Napatingin ako doon sa pinagparkan niya.

"Pwede namang nating takbuhin diba?"

"Baka magkasakit ka--"

"Maddie!!!!"

Pareho kaming napatingin ni Zero sa tumawag sa akin.Si Chase yun, base na rin sa tawag sa akin.

"Bakit ka nandito?" Diretsyang sabi ni Zero kay Chase.

"Wala, napadaan lang ako....ammm ohh eto nalang gamitin niyo..."

"Paano ka?" Sabi ko kay Chase na napatingin sa akin.Ngumiti lang ito at umiling..

"Gusto kong maligo sa ulan kaya kayo nang gumamit...eto na"

Agad niyang inabot ang payong sa amin. Napatingin ako kay Chase na hindi siya nakatingin sa min ng inabot niya yun, dahil bang ayaw niya kaming makita na nagdadate?

Agad nang inayos ni Zero ang payong. Nakatingin lang ako kay Chase na hindi naman nakatingin sa amin.

"Ayos na Madison, tara na....amm salamat sa payong"

Nakita kong tumango lang ito sa sinabi ni Zero.Paano siya?

Wala na akong nagawa nang hinila na ako ni Zero at nagsimula nang maglakad papunta sa kotse niya. Napatingin pa ako ng isang beses kay Chase na nakalikod at naglalakad nang paalis. Bumuntong hininga nalang ako at tinignan nalang ang dinadaanan.

Hinatid na ako ni Zero sa bahay niya at nang nasa tapat na ako ay bumaba na ako sa kotse niya at ginamit ang payong ni Chase. Nagpaalam na sa akin si Zero bago umalis.

Nasa loob na ako ng kwarto ko ng may tumawag sa akin. Unknown number yun..

"Hello..."

( Nakauwi ka na?)

"Oo...." si Chase yung tumatawag... "ikaw nakauwi ka rin, basa ka siguro kasi nasa akin ang payong mo"

(Ok lang....ok lang na mabasa ako ng ulan, wag lang ikaw--achuu!!)

"Chase....bumahing ka ba?"

(Amm Huh? Hindi noh, natapakan ko yung matulis na bato kaya napaaray ako)

"Parang hindi naman..."

(Yun ang expression ko kapag nasugatan ako o ano man...)

"Ahh sige.."

(Sige na pala, chineck ko lang kung nauwi ka ba ng maayos ng lokong yun)

"Chase!"

(Hahahaha..bye!)

Agad nang nawala ang tawag. Dumeretso na ako sa kama at agad nang humiga. Baliw talaga ng lalaking yun....

************

"Madison, lunch tara kain tayo...."

"Wait lang may tinatapos lang ako, mauna na kayo..."

Tinapos ko muna ang mga kailangang matapos ng magdesisyon na akong kumain ng lunch.

Napatingin ako sa harapan ko ng makita kong nandoon si Zero at may dalang kung ano.

"Madison, para sayo, sabay na sana tayo kakain pero kailangan ako ni Sir Troy kaya eto niluto ko yan, masarap yan.."

Inabot ko na yun at nagpasalamat sa kanya bago siya umalis at pumunta sa pupuntahan niya. Naghanap ako ng lugar kong saan ako kakain ng binigay ni Zero.

Habang naghahanap ay nakasalubong ko si Chase na may dalang plastic.

"Maddie, may dala ako, tara kain na tayo dito"

Magsasalita pa sana ako ng agad niya akong hinila paupo.

Wala na akong nagawa kaya nilagay ko na sa harapan ang pagkain ni Zero at pinagbubuksan ang mga tupperware ng mga pagkain. Tama ngang masarap, dahil amoy palang ay masarap na.

Napatingin ako kay Chase na nakatingin sa mga pagkain na nilapag ko.

"Luto mo?"

"Hindi, kay Zero "

"Ahh..yahhh....sige kain ka na"

"Nasaan ng sayo, pumayag na nga akong kumain na kasama ka kaya kumain ka, ayokong ako lang ang kakain dahil naiilang ako, mas maganda ng umalis ka nalang kung papanoodin mo lang ako--"

Nabigla ako ng basta nalang may nilagay siya sa harapan...tskkk... makikinig din pala ...

Isip bata talaga kahit kailan...

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now