thirty-eight~~ Denise

859 13 0
                                    

Madison's POV

Ngayon ay nakatulala lang ako sa pwesto ko. Hinihintay lang ang taong papasok sa entrance na yun. Halos wala na masyadong ganap sa kompanya ni Sir pero gaya parin ng sinabi ko ay patuloy parin ang pag-angat.

"May hinahanap ka?"

"Meron nga--wait.."

Agad akong napatingin sa kabila ng may magsalita. Agad akong napangiti kung sino iyun. Si Zero!

"Ang tagal mong hindi nagpakita!"

"Nakakausap mo naman ako sa cellphone ahhh"

"Kahit na! Iba parin kapag personal.."

"So kamusta kayo nung kumag na yun"

"Ok lang, ammm....kami na"

Ngumiti lang siya sa akin pero alam kong nasaktan ko siya doon. Bakit ba hindi ka nag-iisip Madison kapag si Chase ang usapan!

"Mabuti naman kung ganun, totally binisita lang kita. Napadaan ako sa bahay niyo pero mukhang wala ka doon kaya dito na ako dumeretso dahil ito lang naman ang pupuntahan mo maliban sa apartment ni Chase..."

"Amm...oo.."

"Chineck ko lang kung ayos ka lang ba?, mukha namang ayos ka kaya aalis na ako.."

"Aalis ka na agad?"

"Oo..."

"Amm...sige.."

Tunalikod na sa akin si Zero at nung malapit na siya sa mismong labasan ay nakasalubong niya si Chase. Napatayo ako sa pwesto ko nang makita ko na magkatinginan sila. Totally ay tumigil sila sa paglakad at nagkatitigan na.

Ramdam ko ang tensyong nagaganap sa pagitan nila. Nung lumakad palabas si Zero ay sumunod si Chase.

Saan sila pupunta?

Bakit sumunod si Chase kay Zero?

Balak ko sanang sumusunod din pero hindi namang pwedeng iwan ko ito. Naiwan ko na dati ito, baka isipin ng ibang katrabaho ko ay may special treatment sa akin.

Ayaw ko nang ganun..

Saan ba kasi sila pupunta?















Zero's POV

Napatigil ako sa paglakad ay humarap kay Eros. Nababanas ako sa pagmumukha niya na gusto ko siyang suntukin pero ayokong magalit sa akin si Madison..

"Anong gusto mong sabihin?"

Nandito kami ngayon sa likod ng building. Halos walang katao-tao dito.
Agad akong lumapit sa kanya at agad ko rin itong kinuwelyuhan.

"Nagparaya ako para kay Madison pero sa oras malaman ko na sinaktan mo ulit siya ay babalik ako at kukunin siya sayo.."

Agad niyang tinanggal ang kamay ko sa kwelyo ng damit niya at tinignan ako ng masama.

"Kailanman ay hindi ko ginustong masaktan si Maddie. Alam yun ng Diyos, kaya wala sa vocabulary ko ang saktan ang mahal ko. Alam mo Zero, nagpapasalamat pa din ako sayo dahil binantayan mo siya gaya ng sinabi ko noon, pero wala sa usapan na ligawan mo siya!"

Tama siya... si Eros ang nag-alok nagtrabaho sa akin ng trabaho na maging bodyguard ni Sir Troy. Marami kami nag-apply pero dahil na rin sa connection ko kay Eros ay ako ang napili para doon. May pamilya din naman akong binubuhay dahil may mga pinapaaral pa akong mga kapatid at ilang mga kamag-anak. Kailangan ko parin ng trabaho pagkatapos kong mawalan ng trabaho sa restaurant na iyun.

Dahil sa bago kong trabaho ay napatapos ko sila ng pag-aaral. Malaki ang utang na loob ko kay Eros kaya kapalit nung trabaho na meron ako ay babantayan ko si Madison. Kahit na ayoko dahil mahal ko si Madison.

Pero kailangan ko parin ng pera kaya ginawa ko. Pero maiiwasan ko bang hindi siya ligawan. Ang tagal kumilos ni Eros kaya ako na ang kumilos.

"Maiiwasan ko bang hindi  ligawan si Madison. Alam nating pareho na may pagtingin din ako sa kanya..."

Tumalikod sa akin si Eros bago lumakad na palayo pero huminto muna ulit ito bago may sinabi sa akin.

" Salamat nalang sa lahat Zero, kahit na nairita ako sa ginawa mo.."

Umalis na ito. Naiwan akong mag-isa sa likod ng building na ito. Inayos ko ang sarili ko bago naglakad na din...

"Ano pa nga ba ang magagawa ko. Ikaw ang mahal at hindi ako...."

...

...

.


















Madison's POV

Napatayo ako sa upuan ko ng makita kong pumasok si Chase. Agad itong lumapit sa akin at ginawaran ako ng isang matamis na halik na ikinapula ko..

May mga tao kasi doon na nakakita sa ginawa niya.

"Anong ginawa niyo ni Zero? Saan kayo nagpunta?"

"Nag-usap lang kami. Sinabi niya na mahalin daw kita ng todong-todo.."

"Sinabi niya yun?"

"Oo, at saka kahit hindi niya sabihin iyun ay mamahalin pa rin kita ng todong-todo..."

"Cheesy..."

Tumawa lang ito at hinalikan ako sa noo...

"Pumunta ako dito para sabihin sayo na may pupuntahan ako. Pinapatawag ako ni papa dahil sasamahan ko daw siya sa importanteng meeting nila doon. Baka hindi na kita masundo pauwi...sorry..."

"Ok lang...."

"Sa susunod ay babawi nalang ako sayo..."

Tumango lang ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa cellphone niya na tumunog iyun at nakalagay sa caller name ay 'DAD' .

Nagpaalam na ito sa akin kaya bumalik nalang ako sa trabaho. Napatingin nalang ako sa harapan ko nang may tumawag sa akin.

Napalaki ang mata ko nang makita ko ang taong nagbigay hirap sa akin.

"Hi Madison!"

Hindi ako sumagot sa bati niya.

"Anong ginagawa mo dito, Denise.."

"Wala naman, you know...Naging busy ako ng mahabang panahon. May babawiin lang akong importante sa akin. You know him naman ehhh"

Napataas ang isa kong kilay at humarap sa kanya.

"Wala kang babawiin sa akin, dahil wala namang sayo"

"Oh-Oh, sa pagkaalam ko ay ako ang nauna..."

Napatingin ito sa kabuuan ko bago magsalita.

"Look at you, then look at me. Maganda ka nga pero hindi ka nakakaakit. Madali ko lang siya nakuha noon kaya madali lang iyung gawin ngayon ...."

Kung noon ay hindi ko siya pinaglaban. Ngayon ay lalaban na ako.

Ayoko nang may kumuha ulit sa pagmamay-ari ko.

"Tignan nalang natin..."

"Ok.." tumalikod na ito sa akin. Agad akong napakuyom ng kamao. Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong nagtext ulit yung number na iyun...

' let's talk Ms. Zain...'

Agad ko iyong dinelete at tinignan ko ang pinaglabasan ni Denise. Hindi ko aakalaing babalik pa siya para manggulo.

Hindi ko papayaging maulit muli ang nangyari noon. Hindi ako ngayon ang iiyak sa huli, lalaban ako nang may ngiti sa labi...
...

..

...

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now