seventeen~~ seeing him.....again

1.1K 23 0
                                    

Madison's POV

Ilang araw mahigit ay nakakausap kami ni Eris. So totoong siya iyun.Naging classmate ko siya sa ilang subject noon.

Marami siyang kinuwento sa akin lalo na yung patungkol sa buhay niya. Yung mga taong nakakasalamuha niya. Pati narin ang personalidad niya. Marami daw na tao noon na takot sa kanya, hindi lang sa personalidad niya na sobrang kalamigan ay pati narin ang pamilya nila.

Bakit hindi ko maramdaman yung takot sa kapatid niya.Well....mukha kasi siyang baliw na isip-bata kaya ganun....

Napatingin kaming pareho ng pumasok sa entrance si Zero dala ang mga bulaklak.Alam kong para sa akin yun.Yung binibigay ni Zero na bulaklak ay tinatanim ni Anna sa garden niya....May mga iba kasi siyang dala na tumutubo sa tangkay lang....

"Siya si Zero....nanliligaw sa akin.Sinabihan ko na siya na hindi pwede pero patuloy parin. Naappreciate ko naman ang mga pinaggagawa niya pero sadyang may iba nang nauna....."

Teka.....teka.....nasabi ko yun....

Yung may iba nang nauna....kainis naman....

"Sino naman ang nauna....ex-boyfriend ba?"

Napatingin ako sa kanya at pinilit na ngumiti. Well...totoo namang may ex-boyfriend ako...

"Oo...at kilala mo yun.."

Napalaki kunti ang pagkadilat ng mata ko sa nasabi.Ano ba tong pinagsasabi ko....
Kita ko sa kanya na kumunot ang noo nito...

"Ano ibig mong--"

Napatigil siya sa itatanong niya sana ng nasa harapan na namin si Zero....

Salamat naman....minsan maganda ang timing ni Zero...

"Para sayo Madison..."

Napatingin ako kay Zero, malaki ang pinagbago niya....naging cold siya na snobber....pareho sila ni Eris...

"Aalis na ako....gusto ko lang na iabot sayo...."

Napatingin ako sa mga bulaklak...

"Salamat..."

Napatingin ako kay Zero ng umalis din pagkatapos maiabot. Hmmm....ganun lang talaga siya, well bodyguard siya ni Sir kaya kailangan ang buong atensyon niya ay doon sa binabantayan niya.Ang galing nga niya dahil naiisabay niya pa ito

Nang makalabas na si Zero ay kasunod nito ang taong ayaw kong makita pang muli.Hindi siguro napansin ni Zero si Chase......tama....si Chase nga.

Gayundin si Chase kay Zero, parang wala lang na nagkasalubong sila.Wala siyang dala ng kahit na. Parang runway lang na naglakad siya....

"Bakit nandito ang mokong?" Sabi ni Eris na kahit ako ay ganun din.Malaki ang pinagbago niya.Mas naging mature ang itsura niya.Malayong-malayo sa Chase na kilala ko. Nakakaakit siya noon, mas lalo na ngayon....

Arggghhh...eto na naman ako.Bakit ko siya pinupuri ehhh...sinaktan niya ako..

Napatingin si Eris sa relo niya at napatingin sa akin....

"Madison....aalis muna ako..kung tinanong ako ni Cas--ni Sir ay sabihin mong bumili lang ako ng kape...."

"A-Ako nalang ang bibili..." sabi ko kay Eris dahil ayokong maiwan dito, kasama itong lalaking ito....

"Mukha kang tense diyan...Ako na noh....o siya aalis na ako..." sabi niya sa akin.Nasa harapan na namin si Chase..

"Hi Sis!!!!" Sigaw niya kay Eris.Ang matured ng boses niya pero kung makasigaw....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now