forty-five~~ proposal

1K 26 0
                                    

Madison's POV

Napatingin ako sa hawak kong bulaklak. Agad na namula ang pisnge ko nang isiping sinadya para sa akin ito.

Napaupo ako sa upuan at napatingin sa paligid.

Nasa akin nga ang bulaklak ng bride, eh ano naman. Yung sinasabi nilang next na ikakasal ang makakuha nito. Ehh walang balak si Chase sa buhay yata. Wala siyang balak na mag-alok ng kasal.

Agad kong nilabas ang cellphone ko at tinawagan si Chase pero out of coverage naman.

Nasaan na naman yung lalaking iyun. Iniwan talaga ako dito, at saan naman siya pupunta?

Tumayo na ako at umuwi nalang mag-isa. Wala naman kasi akong sasakyan, sa susunod ay bibili na talaga ako kaya nagtaxi nalang ako.

Nang makarating ako sa bahay ay ahad namang sumalubong ang guards doon.

"Good Evening po Ms. Zain.."

Tumango lang ako kasi hindi good ang evening ko. Kakabanas kasing hindi ko makita si Chase. Iwan ba naman ako doon. At hindi pa siya matawagan....ano namang meron?

NO! hindi na ganuun si Chase, nagbago na siya at mahal niya ako. Hindi na yung mangloloko pa.

"Oh anak! Nandito ka na. Akala ko gagabihan kayo doon, teka nasaan si Chase? At teka, bulaklak ba yan ng bride?"

"Hindi ko kasama si Chase at oo, yung sa bride ito...."

"Aba! Susunod ka nang ikakasal niyan. Ang panganay ko ay ikakasal na din, hindi ko maiwasang isipin na ang anak kong panganay ay.....ay.....ikakasal"

"Ma wag OA, kasabihan lang yun. Half truth half lie...."

"Kahit na...."

"Sige ma, aakyat na ako ..."

Nang makaakyat na ako sa hagdan ay narinig ko pang sumigaw si mama.

"Anak!! Bakit hindi mo kasama si Chase!!!!"

Hindi na ako sumagot at nahiga nalang sa kama ko. Napatingin ako sa cellphone kong nakapatong malapit sa lampshade ko. Hinihintay kong tumawag o magtext man lang si Chase.

Naiinis kong kinuha yun at nag-online. Napataas ang isa kong kilay ng makita kong online ang hinuyapak. Agad akong nagtype ng sasabihin ko.

'Nasaan ka?'

Agad akong napanganga ng bigla nalang siyang nag-offline. Agad kong binalik ang cellphone ko sa pinaglagayan ko kanina. Naiinis akong humiga ng maayos at nagtaklob ng kumot pero kahit na anong gawin ko ay hindi ako makatulong. Agad akong tumayo at pumunta sa balcony.

Napatingin ako sa kapaligiran. Ang ganda kasi mataas ang balcony ko kaya kita ko lahat. Kita rin dito ang dagat. Full moon ngayon kaya maliwanag. Napatingin ako sa mga puno-puno.

Agad din akong napatingin doon sa malaking gate namin kong nandoon si Chase o bigla nalang sumulpot pero wala....

Nakaramdam ako ng lungkot dahil doon. Simula nung magsimula ang kasal ay hindi niya ako pinansin, magkasama kami pero parang may pader sa pagitan namin at hindi namin alam na magkasama kami. Pansin ko na yun..

Parang....

Parang iniiwasan niya ako. Siguro sawa na siya sa akin?

Hindi ko alam, bakit kasi siya umiiwas. Hindi siya nagreply sa chat ko kundi nag-offline. Bakit niya yung ginagawa?

Sinabi niyang hindi niya ako sazaktan pero heto siya at sinasaktan ako. Feeling ko ay sawa na talaga siya sa akin.

Napatingin ako sa cellphone mong tumunog kaya agad kong binuksan. Baka nagtext siya pero notification ko lang sa Facebook. Hindi ko pa pala na-off yung data ko.

Pero agad ko ring tinignan yun ng makitang nagpost daw si Chase.

Napataas ang isa kong kilay nang makita kong picture yun na kasama ang kambal na barkada niya, sina Drake at yung kakambal niya.

Nag-iinuman sa isang round table. At may caption pang...

'Hang out with my friend....'

Napatawa ako ng pagak. Mas pinili niya pa talagang pumunta sa inuman. Papayagan ko naman siya pero sana sinabihan niya ako. So eto ako nalulungkot at sya naman ay nagsasaya.

Naglilihim na sa akin si Chase, hindi niya na ako sinasabihan. Simula na ba iyun ng pangloloko niya kasi hindi na siya nagsasabi sa akin. Dati naman sinasabihan niya ako...pero ngayon, ewan lang.....

Nakakalungkot lang kasi parang nawawala na yung Chase ko.

Pawala na siya....

Bumalik nalang ako sa kwarto at pinilit na matulog nalang....




***********

Masakit ang ulo ko dahil anong oras na ako natulog. Hindi ako makatulog, kulang nalang ay iumpog ko ang sarili ko sa pader para makatulog ako.

Hindi nagtext sa akin si Chase nang gumising ako kaya matamlay ako ngayon. Agad napatingin sa wall clock at napaisip.

Pupuntahan ko nalang siya sa condo niya. Lumipat na kasi siya doon sa apartment niya nung lumipat na kami sa mansion na ito.

Lumapit ako doon sa mga maid ko at sinabihan ko sila.

"Makisabi na pumunta ako kay Chase kung tanungin ako ni mama.."

"Yes po..."

"Sige..."

Agad akong pumara nang taxi. Nagtataka siguro ang mga tao nang makitang nakatira ako sa malaking mansion per wala akong kotse.

Bibili na talaga ako....

Habang nasa loob ng taxi ay tinatawagan ko si Chase pero nagriring lang yun. Walang sumasagot. Kainis kasing hindi siya sumasagot.

At pagdating ko doon sa condo niya ay walang tao.

Nasaan na yung lalaking iyun....

Nang wala naman siya doon ay tinawagan ko ang mama nila at sinabing wala din doon.

Kaya wala na akong nagawa at pumunta nalang sa pagbilhan ng kotse. Nakakainis kasing wala siya.

Wala siya kaya bibili nalang ako ng kotse. Marunong naman akong magdrive. Lagi akong pinapadrive ni Troy noon para namang matuto ako.

Nang makabili na ako ay yun na ang ginamit ko hanggang sa nakauwi na ako.

Nang makapasok ako ay parang tahimik ang mansion. Kaya dumeretso ako sa kwarto ko. Nang nabukas ko na ang pinto ay madilim.

Kaya hinanap ko ang switch at nang mapindot ko na ay bumulaga sa akin ang mga rosas sa paligid at mga baloon na nakalutang na may mga picture naming dalawa ni Chase.

Pero ang pinaka nakapansin sa atensyon ko ang malalaking letra na nakadikit sa pader ng kwarto ko.

WILL YOU MARRY ME

Agad akong napaiyak at napatingin sa likod kong nandoon si Chase at nakaluhod ang isang tuhod at may hawak na singsing.

Umiiyak akong tumango kaya agad siyang tumayo at sinuot sa akin ang singsing at niyakap ako.

Umiiyak lang ako habang nakayakap sa kanya. Hinampas ko rin siya sa likod kasi nainis din ako nung hindi niya ako pinapansin.

"Kainis ka! Hindi mo ako pinapansin.."

"Well Surprise Maddie!"

Nakayakap lang ako sa kanya.

Hindi ko aakalaing ganun ang way ng pagpropose niya sa akin. Pero OK lang kasi may balak pala siyang magpropose sa akin kaysa sa hindi. Masaya na ako, masayang-masaya....

...
...

CS3: My Playful ExHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin