twenty-two~~ Please Close Everything

1K 23 0
                                    

Madison's POV

"Nakausap ko si Boss at binigyan niya ako ng isang linggong leave at kinausap ko din siya na ikaw din para kahit papaano ay may magawa ako ng mga araw na yun"

"Anong ibig mong sabihin diyan?"

"Na kinausap ko si boss..."

Isang linggo...

Wala naman akong magagawa dahil pumayag si Sir.Ano pa nga ba...

Kanina nang sumunod yung Daphne at Jacob kay Chase na umalis ay kinakausap na ako ni Zero ay para akong laruang aso doon sa kotse na tumatango-tango lang.

Nung makita ko yung tingin ni Chase bago umalis ay parangay ginawa akong mali sa kanya at parang nakokonsensiya ako doon.Kahit hindi ko alam kung bakit....

Baliw na siguro ako.

Kanina pa kami dito na lakad ng lakad habang kinakausap ako.Napatingin ako sa harapan ko na nakahinto na kami at nakatingin siya sa akin.

"Bakit?"

"Ang sabi ko, gusto mo ba ng ice cream?"

Ngumiti nalang ako at tumango, siguro kailangan ko lang ng ice cream...

Kinausap niya ako at sinabihan na umupo muna sa mga bench ay bibili siya ng ice cream..

Nakaupo ako ngayon dito sa mga ilang bench.Natatandaan ko pa noong wala akong makain noon ay bigla nalang lumabas kung saan si Chase at nagpakilala at binigyan ako ng pagkain niya. Ang saya ko noon pero ngayon ay parang....parang.....kulang.

Natatawa ako noong mahina ako sa English, minsan wrong grammar at dahil kay Chase ay naitatama ko naman.Nakakatawang naging magna cum laude ako.....

Napatingin ako sa pinagbibilhan ni Zero na mukhang mahabang pila ahhh....

Halos lahat ay bumibili ng ice cream. Sinenyasan niya ako na matatagalan daw siya. Nag-OK sign lang.

Napatingin ako na gilid na may papel doon, o mas magandang tawagin na coupon bond.

Agad ko yung kinuha at tinignan ang likod. May kunting dumi pero sa kabila naman ay malinis.Agad kong kinapa ang bulsa ko dahil may pen ako doon. Lagi akong may dalang pen in case na may kailangan sulatin at pirmahan.

Napaisip ako kung anong gagawin ko pamatay oras lang.Napatingin ako sa magcouple yata na kumakain ng burger.Napangiti ako doon pero agad namang nabura yun nang matandaan ko ang mga pinangako niya sa akin na napunta lang sa wala. Ang bilis na naging kami at ang bilis din natapos. Agad akong umayos ng upo at nagsimula nang magsulat....



'Everything moves in a wrong way
Everyone leave and don't stay
You, just good from the start
In the end, will gonna break apart...'

Napangiti ako ng mapait....kahit hindi ko magaling sa mga ganito at lalo na sa english ay wala na akong pake. Gusto kong masulat lahat ng gusto kong isulat at wala na akong pake sa grammar.Ang sabi ay mas feel kong english then go...

'Those lies, don't wanna hear
Everything's disappear
Do you still remember?
Those times that we're together?

I want to end this feeling right now..
But I don't know how....'

Napakagat ako sa ibabang labi ko na parang nanginginig iyun.Napatingin ako sa langit at muling nagpatuloy sa pagsulat.

'Please close my eyes
So I can't see you now
Please close my mind
So I can forget you now
Please close my heart
So I'll stop loving, you now
I'll die if I did nothing
So please close everything...'

Napatingin ako sa dulo ng papel ng may tumulo. Napahawak ako sa pisnge ko, dahil doon galing iyun...Napailing nalang ako at agad iyung pinunasan at nagsulat ulit.

'I heard, so many hurtful sound
That's bugging me around
Do I need  to shout...loud
That I don't want a perfect love.

Makes me crazy, i hate this
I saw people begging, lay down their knees
I don't want to be like them
But this shit change me from who I am

I want to end this feeling right now...
But I don't know how...

  Please close my eyes
So I can't see you now
Please close my mind
So I can forget you now
Please close my heart
So I'll stop loving, you now
I'll die if I did nothing
So please close everything...'

Napatingin ako sa magcouple na nagtatawanan sa gilid.Napatingin ako sa kabila na mukhang may nag-aaway.

Napatingin ako sa sinusulat ko at doon sa magcouple.Napiling nalang ako sa mga naiisip ko.

'Promises are meant to be broken
Look what you did, after saying all of it...

I just made a wrong decision
Choosing you as my love and me as your option..

  Please close my eyes
So I can't see you now
Please close my mind
So I can forget you now
Please close my heart
So I'll stop loving, you now
I'll die if I did nothing
So please close everything...

I'll die if I did nothing
So please close everything....

Please close everything....'

Napatingin ako sa kabuuan ng ginawa ko.Sinulat ko sa pinakataas ang title nun....PLEASE CLOSE EVERYTHING.

Napatingin ako doon sa pinagbilhan ni Zero ng ice cream at pabalik na siya sa akin.Agad kong tinupi ang sinulat ko at agad ko iyung binulsa pati natin ang pen na ginamit ko.Umayos ako ng upo at nang nasa harapan ko na siya ay inabot niya sa akin ang ice cream, agad naman akong nagpasalamat sa kaniya at sinimulan ko na iyung kainin....

"Sorry kasi napatagal ako sa pagbili kasi maraming bumibili at ang hirap makisingit sa kanila....."

"Ok lang yun, hindi naman ako naboring sa kakahintay...."

"Mukha nga kasi nung tanawin kota ay mukhang busy ka na ewan....ano yung ginagawa mo dito.May sinusulat ka kasi o para may binabasa...."

"Ahhh...wala, tinitignan ko lang ang bench at yung pinturang ginamit"

"Bench at pintura?....."

"Oo kasi...para kasing ang sayang magpalagay ng bench sa likod ng bahay at ganito ring kulay ng pintura...."

"Ahhhh.."

Napatingin ako sa kanya at ngumiti at binaling na sa ice cream ang atensyon nito.Napatingin ako sa ice cream at kay Zero na nakatingin lang sa kung saan habang kumakain nang ice cream.Ano kaya kung naging kami ni Zero noon ay baka mas maganda pa ang buhay ko pero hindi......dahil patay na patay ako sa mokong.Na ngayo'y pinagdadasal ko na masara na ang lahat.....ang mga mata ko, isip at puso ay masara na sa mokong na yun......

Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now