seven~~ (past 7) problem

934 16 0
                                    

Madison's POV

Ilang Linggo na ang lumipas noong naghahanap ako ng trabaho.Dito sa restaurant na ito ang tumanggap sa akin.Sa tulong ni Zero ay nakakatulong na ako sa pamilya ko.Sa lahat ng kita ko ay hinahati ko, binibigay ko sa pamilya ko at ang ang iba ay ipon ko.Iba talaga ang pakiramdam kapag nakakatulong ka sa magulang mo.

Maganda na ang nangyayari sa buhay ko pero hindi ko aakalain na dadating ang time na magseselos si Chase kay Zero.



"Kamusta ka?...Kamusta ang pagiging cook mo?"

"Hmmm ok lang....nasasarapan yung mga costumer at ang luto ko ang specialty doon"

"Wow....galing naman, syempre masarap talaga luto mo"

"Owww....."


"Yung.....yung kasama mong magluto doon...yung Zero ba yun?"

"Yup, Zero....anong meron sa kanya?"

"Diba siya yung naghired sayo...ibig sabihin siya yung dahilan kung bakit ka natanggap diyan"


"Hm....yup, pero ikaw naman ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon" pambawi ko sa sinabi niya.Nakakaramdam kasi ako ng iba doon sa sinabi niya.

"Hmmm...pinapayagan mo bang gamitin ni Zero ang cellphone mo"


"Huh?....ewan...hindi naman bakit?"


"Last time na tumawag ako ay siya ang sumagot"


"Ahhh....kasi nasa bag yung cellphone ko at nagluluto yata ako nun kaya hindi ko nasagot.Baka siya na ang sumagot..."

"Ahhhh..." tango-tango lang siya..


"Chase...."

"Hmm?"

"Anong meron ba?"

"Meron?"


"Yup...bakit napunta sa kanya ang topic natin?"

"Wala na kasing matopic?"

"Seriously Chase...."

"Yah....sige nandito na tayo.Ingat ka sa trabaho mo ahhh baka mapaso ka o pasuin ka..."


"Hahahaa...sige ikaw din..."

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi bago ako lumabas sa kotse niya.

Hindi pa nakakaalis si Chase nang lumabas na ako sa kotse niya. Napatingin ako sa restaurant ng lumabas doon si Zero na may hawak pang bulaklak.Baka may nililigawan toh....


Kumaway ako kay Chase ng paalis na ang kotse niya.Nang makaalis na siya ay pumasok na ako sa restaurant. Dumaan ako sa back door dahil doon dumadaan ang mga employee dahil para hindi makadistract sa kumakain.



"Hi Madison!!" Bati sa akin ni Zero at inabot niya sa akin ang bulaklak. Napatingin ako sa kanya, kung bakit niya ako binigyan nito?

"Para sayo yan....maganda yung mga bulaklak.Napadaan ako sa isang shop at nakita ko yang mga bulaklak na kasabay na binebenta doon.Maganda sila kaya natandaan kita kaya yan na...."

"Zero...."


"Tara na...marami pa tayong lulutuin."

Unang pumasok si Zero sa loob at naiwan ako muna sa labas.May lumabas na employee na mukhang magtatapon ng basura.Napatingin ako sa kanya kaya agad siyang bumati.

"Hi Madison...oh bulaklak.Sabi ko na nga ba ay para sayo yan ehhh.Nang makita ko si Zero na may hawak ng ganyan ay alam ko nang para sayo yan.Alam mo ba..."

Lumapit sa akin yung employee at parang bawal marinig ng iba ang sasabihin niya.


"Ngayon lang namin nakitang ganyan kasigla si Zero.Hindi siya palasalita o lumalabas sa kusina.Nakatambay lang siya doon.Yung parang wala soyang pake sa lahat basta nagluluto lang siya.As in hindi talaga nagsasalita, pero nung dumating ka ay ayun mukhang nakaluklok ng energy drinks na bigla nalang siyang naging ganyan.Nagugulat pa nga parin kami hanggang ngayon...." mahabang sabi niya sa akin.Napatingin kaming pareho ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang ulo ni Zero.


"Uy...Madison tara na, madami na tauong lulutuin na nakalista at mga order"

Tumango nalang ako at pumasok na.Binaba ko muna sa isang sulok ang bulaklak at nilagay sa locker ang bag kong dala.Nagsuot na ako ng pang-chef na damit at pumunta sa gripo para magsanitize ng kamay.


Naiilang na ako kay Zero na minsan ay nahuhuli kong nakatingin sa akin.Nakakaramdam na ako ng ilang sa kanya simula ng magkwento sa akin ang isang employee...

Nagluto ako ng mga nakalista sa menu.

Malapit ng maglunch ng napatingin ako sa pinto ng may pumasok doon at sinabing specialty kaya agad ko nang niluto iyun.Pagkatapos nito ay magpapahinga muna ako ng ilang minuto.

Nang maluto ko na iyun ay agad ko nang sinabi doon sa waiter.

Napaupo nalang muna ako lara makapahinga kasama ko dito si Zero kaya naiilang ako.Napatingin ulit ako sa pinto ng biglang bumalik yung waiter at hinahanap daw yung nagluto ng specialty....

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.Kaya tumayo ako at inayos ko muna ang sarili ko at lumakad na.Ramdam ko mula sa likod si Zero.

"Bakit naman gusto niyang makilala ka...."


"Ewan..siguro may complaint yata o ano ....pupuntahan ko nalang...."

"samahan kita ...." sabi niya na kahit ayaw ko ay bahala na....

Nang makalabas na ako kasama siya ay tinuro sa akin ng waiter kong sino yun.Kinakabahan ako dahil nakita ko na siya, well nakatalikod siya sa akin.Kaya kinakabahan ako na baka may problema sa luto ko.

Kasunod ko lang si Zero..

Pero ng malapit na malapit na ako ay para akong tinakasan ng kaba at pinalitan ng saya.

Si Chase yun, dahil alam na alam ko ang likod nito.Umayos ako ng tindig...

"Ano pong kailangan nila.." sabi ko sa kanya.Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Wala naman.....gusto lang kita makita"

Napatawa ako sa sinabi niya. Napatingin kaming pareho kay Zero na lumapit kay Chase...

"So ikaw pala ang kapatid ni Madison.Ako si Zero..."


Napalaki ang mata ko sa sinabi ni Zero.Ang alam pala ni Zero ay kapatid ko si Chase dahil lagi niya ako sinusundo at hinahatid dito. Napatingin ako kay Chase nawala sa sarili at ilang sandali lang ay bigla siyang tumayo.Agad akong pumagitna sa kanila.Sumenyas ako sa waiter na tawagin na itong si Zero.Kaya agad namang ginawa.

Nang mawala na si Zero ay umupo ako sa harapan ni Chase.Wala siyang sinasabi kaya agad kong kinuha ang kamay niya.

"Masarap naman ang luto ko diba?" Sabi ko dahil hindi niya na ginagalaw ang pagkain niya, pero tumango ito sa sinabi ko..

Napangiti ako doon.


"Baka nagkamali lang ng intindi si Zero.Mamaya ay sasabihin ko sa kanya yun.Huwag ka nang magtampo Chase..."

Hindi siya nagsalita pero hinawakan niya yung kubyertos.Akala ko ay magsusubo siya ng pagkaing niluto ko ng nilapit niya sa akin iyun..


"Sumang-ayon akong masarap kaya dapat mo ring tikman para mas malaman mo" napangiti ako sa inakto niya kaya agad ko iyong sinubo at kinain....

"Seriously Maddie....ayaw kong lapitan o kausapin ka ni Zero..."


Agad kong nalunok ang kinakain ko sa sinabi niya....Sabi ko na nga ba ehh...may problema?...

...

...

CS3: My Playful ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon