thirteen~~ (past 13) just for now

856 15 0
                                    

Madison's POV

Ramdam ko parin.....

Kahit ilang linggo na ang lumipas ay ramdam ko parin at sariwa pa rin sa alala ko.Dahil lang sa insecurities ko at sa isipang iiwan ako ni Chase sa isang higit na mas maganda at sexy sa akin ay binigay ko ang sarili ko....

Hindi ko pinagsisihan na binigay ko sa kanya yun pero masyadong maaga, diba pagkatapos ng kasal ginaganap yun....

Premarital sex....

Ngayon na ginagawa na namin yun ay may panibagong gumugulo sa isipan ko, baka iwan niya ako dahil nakuha niya na ang gusto niya.

Pero siya si Chase...

Mahal niya ako at mahal ko siya...

"Hoy!!! Anong pinag-iisip mo diyan at para kang sira kung magsalita...at anong bigay-bigay ang pinagsasabi mo"

"Sinabi ko yun....akala ko sa isipan ko lang...."

Siya si Kate Buenavista, bagong hired na waitress dito sa amin.Sa totoo lang ay mayaman sila.Si Kurt Buenavista at Shine Buenavista ang magulang niya.Nag mamay-ari sila ng isang malaking mansiyon at kung ano ano pa.

Tinatanong ko siya kung bakit siya nagtratrabaho ehh mayaman sila.Isa lang ang sinabi niya...Para makahanap ng forever dahil doon daw nagsimula ang love story ng parent niya...

[A/N: 'That Should Be Me'....story nina Kurt at Shine]

Ilang linggo na rin siyang nandito kaya nasanay na ako sa pagiging maingay niya...

"So ano nga yang bigay-bigay na pinagsasabi mo?"

"Wala, bumalik ka na nga sa trabaho"

"Opo manager!!!"

Nagsimula na akong magluto.Sa totoo lang ay ganyan talaga si Kate, pumupunta siya dito para makadaldalan ako at makita ang apple of the eye niyang si Zero. Nakakatuwa nga sila ehhh hahahha...

"Paano ba yan....Sabado na bukas kaya pahinga days!!!!"

"Shhhh....ang ingay mo" sabi ni Zero kay Kate.Ngumisi lang si Kate at umalis.Tsk, mukhang success ang plano niyang mapansin siya...

"Mauna na ako sa inyo, baka naghihintay na si Chase doon...."

"Ahh sige ..."

"Geh bye!!!" Sigaw ko ng marinig ng lahat....

Pagkalabas ng pinto ay nakita kong pumarada na ang kotse ni Chase. Masayang lumalapit ako ng bigla nalang may lumabas sa kotse niyang ahas--I mean babae......si Denise.

Nang makalapit ako ay napatingin sa akin si Denise.Lumabas naman si Chase at lumapit sa akin...

"Maddie ko!, kamusta trabaho?"

"Ok lang..." pero nanatiling nakatingin ako kay Denise na nakangisi parin...

"Eros Baby--Eros, salamat sa sakay, ang galing mo talagang magdrive..."

Kita ko ang pagkailang ni Chase at gayundin ako.

"Sige, hanggang sa muli..."

"Sana maabutan pa siya ng hanggang sa muli niya..." bulong lan yun.

Nang makaalis na si Denise ay humarap sa akin si Chase.

"Nakita ko siyang nasa labas ng building ng apartment ko at nakiusap siyang makisabay dahil malapit lang sa restaurant na tinatrabahuan mo ang pupuntahan niya.Lalakarin niya nalang daw yun kaya pumayag na ako."

"Maawain ka pala talaga sa mga pulubi--I mean sa tao."

Tumawa lang siya at pinagbuksan niya ako ng pinto.

Nung may nangyari sa akin ay grabe siya kung mag-alala.Nang bumangon ako nun at umaray ay agad niyang dinampot ang cellphone niya.Tatawag daw siya sa hospital kaya agad kong kinuha iyun.Umaray lang ng isang beses ay tawag sa hospital na.Paano kaya kapag napasigaw na ako sa sakit...

Magpapagaling daw muna ako kaya ilang araw akong hindi pumasok at sinabi niya na daw sa pamilya ko na may sakit ako at doon nalang daw sa apartment ni Chase ako magpapagaling....

Nakakailang na sabibin yun sa pamilya ko kung ako si Chase pero matapang siyang magsabi sa pamilya ko.At nakakapagtaka lang din na ang bilis nilang pumayag na doon ako mag-stay.Kaya minsan naiisip ko na parang may mali doon.

"Saan tayo pupunta? Hindi toh pauwi sa amin at sa apartment mo?" Ganito si Chase lalo na kung Sabado bukas dahil wala akong trabaho nun....

Tuwing sahod ko ay binibigyan ko sina mama ng pera at ang iba ay ipon ko.Nagsahod ulit kami kaya nakahiwalay ulit yung para kay mama at papa.

"Basta may pupuntahan tayo...."

Hinayaan ko nalang siya at umupo ng maayos.Magpapahinga muna ako rito.Binuksan ko ang bintana at napapikit ako dahil sa masarap na hangin na nakakaantok sa akin.Hindi ko na talaga mapigilang makatulong ....


*******

Nagising ako dahil sa mainit na bagay na lumalapat sa pisnge at labi ko na pagmulat ko ay alam ko na kung sino at ano yun....

"Good evening Maddie "

Napatingin ako sa kanya at sa labas. Madilim na nga at hindi ko alam kung nasaan kami.

Lumabas siya sa kotse kaya lumabas na rin ako.Nakita ko pang tumakbo sa kabila si Chase pero nakita na niya ako na lumabas kaya napakamot nalang siya ng ulo.

"Pagbubuksan pa sana kita ehhh"

"Hahahaha sorry "

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.Nakailang lakad kami bago ko pa marinig ang mga hampas ng alon.At ngayon ko lang napansin na buhangin na ang inaapakan namin.Napatingin ako kay Chase na nakatingin lang sa akin.

"Na-Nasa dagat tayo..."

Tumango lang siya.Hindi pa ako nakakapunta ng dagat dahil sa pag-aaral at trabaho ang buhay ko.Sa mga video at sa mga TV ko lang nakikita pero ngayon nasa harap ko na. Maganda siya at nakakarelax ang tunog ng hampas ng alon.At ang liwanag ng buwan na nagre-reflect sa dagat ay maganda.....

Napatingin ako kay Chase, lumapit ako at yumakap sa kanya.

"Salamat.....paano mo nalaman na gusto kong pumunta sa dagat?"

"Sinabi sa akin ni Anna.."

"Kasi siya nakita niya na kasi sumasali siya sa mga field trip, ako hindi...."

"Pero ngayon nandito na at nakikita mo na...gusto mo bang maligo...."

"Hindi na, sapat ng makita ko lang ito...."

"Ok lang....may dala akong pamalit natin at saka may poso doon" tinuro niya ang poso na malapit lang sa amin.

"May dala ako sabon at shampoo, eto nga yung balak ko.Maliligo tayo sa dagat so tara na...."

"Ngayong gabi, diba nakakatakot yun, baka may mermaid dito at kunin tayo..."

"Wala yun....so tara na..."

Tinanggal namin ang sapatos na suot, nang maalis namin yun ay agad ko siyang tinulak kaya napaupo eto.

"Taya!!!!" Sigaw ko sa kanya at tumakbo na sa buhangin....

"Ahhh...gusto mo ng laro ahhhh"

Kaya sinimulan niya na ang paghabol sa akin.

Naglaro kami at naligo sa dagat na parang bata.Sana ganito nalang kami pero may realidad na naghihintay sa amin kaya ngayon ay sinusulit nalang namin. Ang magpakasaya muna ay hindi masama pero hindi sa lahat ng oras ay saya lagi.....pero gusto ko ito.Kahit ngayon lang.....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now