forty~~ Mana

837 16 0
                                    

Madison's POV

'Ms. Zain, let's talk...'

Yun lang talaga ang text lagi na natatanggap ko sa isang numero. Hindi ko pa ito sinasabi kay Chase dahil baka kung anong gawin niya sa kung sino mang nagtetext nito sa akin.

Naglakas loob ako natawagan ang numerong iyun. Ilang ring palang ay sinagot na ang tawag ko.

"Hello..."

(Ms. Zain...)

"Bakit ka ba text ng text sa akin ahh..hindi kita kilala pero kilala mo ako. Ano bang meron at kailangan mo akong makausap..."

( Ms. Zain about ito sa manang naiwan sa inyo...)

"Mana.....anong pinagsasabi mo--"

( Naiwan po lahat ng kayamanan ng mga Zain. At dahil po sa nangyaring massacre sa pamilyang Zain ay namatay po lahat. I-dodonate sana sa charity ang naiwang kayamanan ng mga Zain nang malamang may isang naiwan na miyembro ng pamilya at ikaw po iyun...)

"Maayos na ang buhay ko. I-donate niyo nalang o sayo nalang. Hindi ko kailangan ng mana.."

( Wala na po kayong magagawa. Ang masasabi ko lang po ay tanggapin niyo nalang po ang mana at kahit po na sa ayaw niyo o gusto ay direktang papasok ang mana sa inyo....)

"Ayaw ko talaga, na massacre nga sila diba. Paano kung malaman nila na may natira pang miyembro ng pamilyang Zain na nabubuhay pa. Yung pumatay sa kanila ay pwedeng puntahan ako at patayin din...pwede ba kung sino ka man. Layuan niyo ako, masaya na ako sa pamilya ko.."

(Nakapangalan na po sa inyo ang mga lupa, mansion at ilang ari-arian ng mga Zain. Dahil po dala-dala niyo ang apelyidong Zain ay mananatiling sainyo po iyun. Bilang attorney ng pamilyang Zain ay naayos ko na po yun, ang maipapayo ko lang po sainyo ay maging maingat po kayo dahil matagal na pong hinahanap ang huling miyembro ng pamilya. Dahil nalaman na po nila na kayo iyun at siguradong maraming taong gugustuhing makuha iyun sainyo. At aabot pa iyun sa media kaya sana po ay mag-ingat kayo....)

"Anong....naayos mo na, nakapangalan na sa akin. Mag-iingat ako?."

(Opo....)

Agad ko nang pinatay ang tawag na iyun. Agad akong lumabas ng kwarto at nakita ko doon si Chase na nanonood sa TV namin. Ako....

Ako ang huling miyembro ng pamilyang Zain dahil namatay na ang lahat. Paano ko ito malulusutan. Pwede ko namang tanggihan ang lahat ng manang iyun. Maaaring mapahamak ang pamilya ko rito..

Napatingin ako sa sala ng marinig kong sinambit ang pangalan ko. Hindi si Chase o ang pamilya ko na ang nagsabi. Binabalita na ngayon ito sa TV.

" Natagpuan na ang huling miyembro ng pamilyang Zain. Ang huling balita ay namatay na ang buong pamilya noong naganap na massacre rito. Ngunit sa hindi inaakala ay may natira pang miyembro, makukuha nito ang lahat ng kayamanang naiwan ng pamilya"

Halos lahat ay napatingin sa akin ng lumitaw ang litrato ko sa TV at pati na ang buong pangalan ko.

Agad akong napaupo sa sahig. Kaya agad namang lumapit sa akin si Chase.

"Maddie ayos kalang?"

"C-Chase, hindi dapat.....wala dapat ganun. Namatay ang pamilya ng tunay kong ama dahil pinatay sila, dahil din sa illegal ang gawain ng pamilya ng tunay kong ama. Pag nalaman ng pumatay na may natitira pa ay pwede din nila akong patayin. Ayoko.....hindi ko kayang basta nalang mamatay...ayoko..."

Agad akong niyakap ni Chase. Napatingin ako kay mama na umiiyak habang yakap siya ni Anna. Si papa naman ay nakahawak lang ito sa kamay ni mama.

Lahat sila ay nag-aalala sa akin.

"Magiging maayos ang lahat Maddie, nandito ako. Tutulungan kita...walang mamamatay. Makukuha mo lang ang mana...."

"Hindi.....ayoko nun.."

"Ayon din sa balita ay nakapangalan na sayo ang lahat ng kayamanang iyun. Bakit hindi mo gamitin ang kayamanang iyun para sa kaligtasan mo. Maghi-hire tayo ng sandamakmak na bodyguards sa iyo, sa buong pamilya mo.."

"Maaari din iyun..." sabat ni papa.

Hindi ko na alam ang gagawin. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyun. Text iyun sa bangko at nakalagay doon na may malaking halaga na pumasok sa bank account ko.

Natatakot lang talaga ako na baka may mga masasamang loob na patayin ako o ang pamilya ko. Wala na akong pake sa kayamanang iyun kung mapapahamak lang ang pamilya ko. Hindi ko gugustuhin ang mga milyon-milyong salapi kung kapalit naman iyun ay kapahamakan.




















Third person's POV

"Hmmm....sabi ko na nga ba ay mayaman talaga ang babaeng iyun. Unang kita ko palang sa kanya noon na nag-aaral siya ay alam kong siya ang huling miyembro. Malaki ang makukuha kong pera...."

Agad itong tumayo mula sa pagkaupo. Naglakad ito papunta sa pinagpatungan niya ng cellphone. Agad siyang may tinawagan sa cellphone habang nanonood ito sa TV.

"Siya nga talaga iyun, alam niyo na ang gagawin diba. Kunin siya at ipapirma sa kanya na sa atin niya ibibigay lahat na nakuha niyang mana. Simula sa lupa, mansion o ano mang namana niya....malaki ang makukuha mo kaya wag kang mag-alala..."

Agad din na pinatay ang tawag at inabot nito ang basong puno ng alak.

" Madison Astrid Zain.... maswerte ka sa apelyido mo pero makukuha ko naman ang yaman mo. Kahit hindi ko makuha ang lalaking mahal mo ay OK nasa akin ang kayamanan mo..."

...

...

..








Madison's POV

Simula ng ibinalita sa TV iyun ay naging maingat na ako sa bawat galaw ko. Nakausap ko naman na si Sir Troy sa trabaho ko. Sinabihan niya pa nga ako na OK lang na hindi na ako magtrabaho dahil mayaman naman daw ako. Pero gaya ng sinabi ko ay hindi ko tatanggapin ang kayamanang iyun.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay ko at hinihintay si Chase. Pupunta kami doon sa attorney na iyun at kakausapin ko siya na i-donate nalang ang iba sa charity o kung saan man. At ang ibang natira ay aakuin ko na para sa kinabukasan ni Anna.

Nang makita ko na kotse ni Chase na huminto sa harap ko ay pumasok na ako.

"Ano, punta na tayo doon..." sabi ko habang nilalagay ko ang seatbelt.

"May pupuntahan tayo......Ms. Zain."

Agad akong tumingin doon sa nagsalita dahil hindi iyun si Chase pero bago pa ako makalingon ay nakaramdam ako ng bagay na tumurok sa leeg ko na nagbigay agad ng hilo sa akin. Agad akong nawalan ng malay dahil doon...


"Tsk....ang dali mo namang kunin Madison...."

....

....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now