thirty~~ sick

886 19 0
                                    

Madison's POV

Napatingin ako kay Chase na nakatingin lang sa lunchbox na nilapag niya sa mesa. Patuloy parin ako sa pagkain pero siya ay nakatingin lang doon...

"Bakit hindi ka pa kumakain?..."

"Hmm...ano, diet kasi ako ngayon.."

"Anong diet?"

"Basta! Kumain ka nalang, wag mo nalang akong tignan--wait! No!"

Agad ko nang binuksan ang lunchbox niya. Napatingin ako sa loob ng makita ko kung bakit ayaw ilabas ni Chase yung kanya.

Sunog na hotdog, bacon, itlog at ano toh, parang sinabawang karne...

"Ano toh?"

"Adobo..."

"Adobo? Bakit parang walang toyo?"

"Kailangan ba may toyo?"

"Ahmm, well may tinatawag na adobong puti yung walang toyo pero asin ang pinalit.lero itong mga sunog na toh.."

"Tama lang naman yata ang luto, para lutong-luto yan"

"Ok naman ang kanin.."

"Kaya mo bang makain yan?"

Napatawa ako sa itsura.

"Sino bang nagluto nito sayo? Hindi naman siguro ang mama mo ito kasi masarap ang pagkaluto niya nung nakidinner ako--"

"Ako....ako ang nagluto niyan, may inupahan akong apartment malapit lang sa inyo at doon ko yan niluto. Nagmamadali ako kaya hindi ko masyadong naiayos ang pagkalagay. Hindi na ako nagkotse para sumakto ako sa oras, nagcommute lang ako. Pa-Para sayo talaga yan. Sorry kung ganyan ako magluto......wala namang nagturo sa akin.."

Napatingin ako sa kanya na nakatingin lang sa pagkain. Kahit mahina yung huling niyang sinabi ay narinig ko yun.

Napatingin ako sa kinakain ko at sa pagkain ni Chase.

"Ammm-...share nalang dito--"

"Madison!!!!"

Napatingin kaming pareho na palapit na sa amin si Zero.

"Uy! Masarap ba yung luto ko--Nandito rin pala siya, ano toh?"

"Amm Zero--"

"Sa akin, niluto ko" Napatingin ako kay Chase na bakas ang hiya at lungkot sa sinabi niya.

Narinig ko napatawa si Zero sa sinabi nito. Nakaramdam ako ng inis sa ginawa niya.

"Dapat nag-order ka nalang ng pagkain sa susunod"

Magsasalita na sana ako nang tumayo si Chase at kinuha ang pagkain nito saka umalis. Napatingin ako sa labas at malakas ang ulan, uuwi ito. Nasa akin parin ang payong niya.

Napatayo ako at  susundan ko sana siya ng may humawak sa braso ko.

"Saan ka pupunta? Susundan mo siya?"

"Amm oo, nasa akin akin ang payong niya kaya ibibigay ko na at saka malakas ang ulan Zero"

Binitawan niya na ako at agad kong kinuha ang payong at mabilis kong sinundan si Chase. Pero nung nasa entrance na ako ay wala na siya doon. Nagtanong ako sa mga guards kong may nakita sila.

Sinabi lang nila na nakita nga nila yun at diretsyong lumabas daw iyun.

Ibig sabihin ay umalis ito at nagpakabasa sa ulan. Naulanan na siya kahapon at ngayon din ulit. Hindi ko naman alam kong saan ang apartment na sinasabi niya at hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko.

Bagsak ang balikat na bumalik ako sa pwesto ko kanina. Napatingin ako sa basurahan nang napadaan ako doon at nakita ko yung lunchbox na dala kanina ni Chase. Mukhang tinapun niya yung gawa niya. Sigurobay na-offend siya sa sinabi ni Zero.

"Kay Eros yan diba?"

"Yah, Zero..." agad akong tumingin sa kanya...." masama yung sinabi mo, oo nga't hindi ganun kaganda o kasarap ang luto niya pero hindi ibig sabihin niyon ay pwede mo nang pagsabihan o husgahan ang tao. Hindi purket magaling ka sa isang bagay pero siya ay hindi ay pwede mo nang tapakan yung tao. Masama yun Zero, look, na-offend mo siya"

"Para namang ako lang ang una"

"Huh?"

"Ikaw din naman, na-offend mo rin siya ahh, nandoon ako Madison, bilang pambawi mo sana ay maghahati sana kayo sa pagkain"

"Pero hindi sa ganuung sinabi mo kanina..."

Tumalikod na ako at bumalik na ako pwesto ko. Nawalan na ako ng ganang kumain at nagtrabaho nalang.

***********

Nakauwi na ako at sobrang lakas parin ng ulan, medyo mahangin din pero hindi ganuung kalakas.

Napatingin ako sa number ni Chase kung tatawagan ko ba?

"Bahala na si Batman "

Agad ko nang dinial ang number at ilang segundo lang ay sinagot niya yun....

(Maddie...)

Bakit parang paos yung boses niya.

"Hello, Chase, bakit paos yung boses mo? May sakit ka ba?"

(Ano? Ako? May sakit? Ang lakas ko kaya para magkasakit--achuu!!!)

"Tsk.....uminom ka na ba ng gamot?"

(Anong gamot??)

"Hayyzz anong pangalan ba ng alartment at saan?"

(Malakas ang ulan Maddie. Huwag na...)

"Tsk bahala ka"

Agad ko nang pinatay ang tawag at agad nag-ayos. Kumuha muna ako ng ilang gamot at nilagay sa plastic.

Tulog silang lahat dito at sinabihan na ako ni boss na huwag na munang pumasok sa trabaho dahil sa lakas na siguro ng ulan at ewan ko ba sa kanya.

Agad kong kinuha ang payong niya at lumabas na ng bahay. Buti nalang at saktong may taxi na dumaan kaya agad ko itong pinara.

"Kuya, may alam ka bang malapit na upahan ng mga apartment dito..."

"Ahhh oo, meron.."

"Sige doon po tayo"

Agad nang umandar ang taxi at pinuntahan ang lugar na sinabi nito.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami doon sa sinabi niya. Agad akong nagbayad at agad ding nagtanong doon sa matandang babae na sa tingin ko ay siya yung may-ari.

Tama ngang dito yung apartment ng ugok na yun.

Agad akong nakarating sa apartment niya at kumatok doon. Pero walang bumukas kaya ako na ang bumukas. Lokong yun di naglolock ng pinto. Tatawag pa sana ako pero hindi nga nakalock ang pinto niya kaya pumasok na ako.

Nakarinig agad ako ng parang may umubo kaya agad na akong pumunta doon at eto siyang parang lupia na balot na balot. Para din siyang cocoon hahaha....

Agad akong lumapit sa kanya at nilapat ang kamay ko sa noo niya. Putsa ang taas ng lagnat niya kaya dumeretso ako sa kusina niya at gumawa ng simpleng lugaw sa kanya. Kailangan magkalaman ang ang tiyan niya bago siya uminom ng gamot.

Nang makatapos na ako ay agad ko iyung inayos at pumunta sa kinaroroonan ni Chase.

"Ohh kakain ka muna bago ka uminom ng gamot..."

Agad niyang kinuha ang kamay ko at nilagay iyun sa pisnge niya....

"M-Maddie....s-stay......d-don't leave m-me......"

Siguro oo dahil may sakit siya, ano pa nga ba.....

...

...

CS3: My Playful ExOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz