thirty-two~~ promise

845 17 0
                                    

Madison's POV

Nakatulala lang ako sa kanya habang nagluluto siya. Napakunot ang noo ko ng may naamoy akong parang nasusunog. Narinig ko pa siyang nagmura at kinuha ang pan sa stove at tinapon ang laman niyon sa basurahan at nanguha siya ulit ng itlog.

Nilagay niya iyun sa mangkok at hinalo. Nilagyan niya ng kunting asin.

Nang ilalagay niya na sana sa nalinis ulit na pan ay lumapit na ako at hinawakan ang mangkok.

"Ako na, ang dami mong nasasayang na pagkain. Ang daming taong nagugutom kaya hindi ka dapat nagsasayang..."

"Ano naman ang pakialam ko sa mga nagugutom..."

"Maswerte ka at may kinakain ka ehh sila, nangangalkal pa sa mga basura o magtatrabaho para may ipakain sa pamilya. Hindi mo kasi naranasan maging mahirap...."

"Hhmm....siguro.."

Napatingin ako sa kanya at sa pan.

"Naglagay ka ba ng mantika kapag nagluluto ka..."

"Ammm...kailangan pa ba yun, I mean ma-cholesterol ang mantika diba?"

"Ung magandang klase ang pan mo ay may mga ibang lutuan na hindi na kailangan ng mantika pero hindi ganuun katulad ang pan mo kaya maglagay ka....ayyyy"

"Ok, ok...."

"Panoodin mo ako..."

Nagalagay na ako ng kaunting mantika at nung umiinit na ay nilagay ko na ang itlog. Naririnig ko pang nag-WOW si Chase.

Seriously!? Pati ba namang itlog....hayy.

"Wow..ang galing!"

"Ngayon alam mo na.."

"Yup!"

"At teka diba may sakit ka? Bakit ikaw yung nagluluto huh!?..." agad akong lumapit sa kanya at nilapat ang palad sa noo nito. Medyo mainit pa siya, sinat nalang ...

"Bumalik ka na nga doon at ako na ang gagawa...pagkatapos mong kumain at uminom ng gamot ay uuwi na ako dahil kailangan na ako doon sa bahay..."

Tumango lang siya sa mga sinasabi ko. Napangiti ako ng lihim sa mga pinaggagawa niya..

Pagkatapos kong magluto ng mga ilang pagkain ay nasa tabi ko lang si Chase. Pinapaupo ko na nga siya pero ayaw niya. Gusto niyang makita lahat ng ginagawa ko.

Nang matapos na siyang kumain ay pinainum ko na siya ng gamot.

"Kung hindi ka pa ring gumaling ay pumunta ka na sa hospital.."

"Gagaling na ako kasi ikaw yung nag-alaga sa akin. Salamat para doon...."

"Hmmm.... ayaw ko lang guluhin ako ng konsensiya...."

"Para doon?.."

"Yup..."

Tumayo na ako at kinuha ang cellphone ko. Tapos naman na ang lahat ay aalis na ako.

"Aalis na ako Chase, nagtext na rin sa akin si mama at pinapauwi na ako.."

"Hahaha..."

"Bakit ka natatawa?"

"Wala naman, kasi ang tanda mo na para sa--"

"Bakit ba?! Ikaw na nga ang inalagaan diyan tapos mang-aasar ka pa!"

Agad na akong lumakad palapit sa pinto. Narinig kong may sumusunod sa akin kaya alam kong sinundan niya ako. Nang nasa labas na ako ng pintuan niya ay humarap ako sa kanya.

"Totoo yung mga sinabi ko, kung ganyan parin at nilalagnat ka pa ay pumunta ka na sa hospital..."

"Yup...and, ammmmm....salamat"

"Diba sinabi ko na ay para hindi akong guluhin ng kon--"

"Sa pagtupad ng pangako mo sa akin"

Napatingin ako sa kanya ng seryoso niya iyung sinabi sa akin. Napalunok ako kahit wala namang mailulunok.

"Anong pangako? Nangako ako?"

"Oo, na tuturuan mo akong magluto. Hindi ako nagpaturo kahit na kanino, hinintay kong ikaw ang magturo sa akin. Kahit na sa simpleng pagpiprito ng mga itlog o ano man ay may natutunan ako, salamat para doon..."

Agad akong napayuko, ayaw kong makita niyang naiiyak ako. Ayaw kong makita niya yun.

"A-Ayokong pag-usapan ang noon Chase..."

"Alam ko, hindi pa ako magpapaliwanag kung yun ang gusto mo. Hayaan mo muna akong magsalita, huwag kang mag-alala dahil hindi ko babanggitin iyun...."

Tumango nalang ako sa sinabi niya.

"Akala ko nga ay buong buhay ko ay wala na akong malalaman sa pagluluto. Inalala ko lang yung mga panahon na nagluto ka ng adobo noon, pero gaya nung sinabi mo ay kulang parin. Akala ko ay hindi mo na ako matuturuan pa dahil sa nangyari. Pero masaya ako ngayon dahil nandito ka parin at tinupad mo yun. Kahit na alam kong naiilang ka ay ginawa mo pa rin. Alam ko ang sakit na nararamdaman mo, ramdam ko yun...."

Hindi parin ako tumitingin sa kanya at hinayaan siya sa mga sinasabi niya.
Pero ramdam ko nang dumadaloy ang mga luha ko.

"Gusto kong iayos ang lahat, gustong-gusto ko nang mapasaakin ka. Pero alam kong mahihirapan ako. Alam ko yun pero gagawin ko parin ang lahat. Kung kaya mo nang pakinggan ang mga paliwanag ko noon ay pupuntahan kita, itext o tawagan mo lang ako at agad ako pupunta... Salamat sa lahat..."

Tumango nalang ako sa sinabi niya at agad na akong tumalikod at nagsimula nang maglakad palayo sa kaniya. Nagpapasalamat siya sa pagtupad ko ng pangako sa kanya. Masaya na siya doon.

Pangako.....

Pero hindi niya tinupad ang pangako niya. Hindi niya tinupad yun. Ako, tinupad ko na yung pangako ko sa kanya kahit na ayoko talaga dahil ang unfair lang.

Siguro ay darating ang araw na magiging ok kami. Maging kami man o kaibigan nalang ay alam kong magiging OK kami. Siguro nga ay mahal namin ang isa't-isa pero wala na yung tiwala kaya mahirap magtayo ng isang relationship kung wala na ang tiwala...

Habang nasa loob ng taxi ay nagtext na ako kay mama na pauwi na ako.
Nagsinungaling ako kay Chase na sinabi kong pinapauwi na ako. Wala na kasi akong makitang rason para umalis kaya yun nga ang sinabi ko. Dahil kapag hindi pa ako umalis ay baka hindi na nga ako makaalis pa....

Napangiti ako sa naalala kong sinabi ni Chase na tinupad ko nga. Hindi pa rin ako makaget-over doon.

Atleast natupad ko yun, at parang natanggalan ako ng tinik sa lalamunan. Lagi kasi akong ginugulo niyan sa isipan ko tuwing nagluluto ako. Pero ngayong nagawa ko na ay sa tingin ko ay wala nang manggugulo pa sa akin.....

Napatingin nalang ako sa bintana. Hayyyy isang mahabang pangyayari na ang daming nangyari. Kung mananatili kaming ganito ni Chase ay baka magbalikan nga kami.....

Kaya hahayaan ko nalang ang mga nangyayari at saan kaming aabutin nito....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now