eight~~ (past 8) warning

977 23 0
                                    

Madison's POV

Ilang oras na ang lumipas ay umalis na si Chase pero bago siya umalis ay sinabihan niya ako na pupunta siya sa bahay ng friend niyang si Casper.May tiwala naman ako sa kanya kaya umoo na ako at saka OK lang naman na pumunta siya kasi buhay niya yun.

Nag-focus nalang ako sa trabaho ko.Umalis muna si Zero kasi naubusan kami ng isang ingredients na kailangan na.Well meron pa naman pero paubos na.Kailangan na bumili ulit para kung sakaling maubusan ay meron ulit.


At saka OK lang kasi naiilang ako sa kanya at gusto ko munang mapag-isa. Alam kong mahabang paliwanagan ang gagawin ko kay Chase...
Nakakapagod na rin talaga, hindi kay Chase kundi sa trabaho ko.Kailangan madalian pero dapat masarap.

2:00 pm na...

Ilang oras na akong nagluluto na walang pahingahan.Nangangalay na nga ang braso ko sa kahahalo.Dahil umalis si Zero para bumili ay napunta sa akin ang ibang lulutuin niya.

Nang matapos ko na ay napaupo agad ako.Sumandal ako sa mesa at pumikit.Nagpapahinga muna ako.Pero masakit sa likod nung sumandal ako kaya humarap ako doon sa mesa at yumuko.Gamit ang braso ko ay doon ako yumuko sa mesa.Kahit naaantok na ako ay kailangan kong manatiling gising.Baka bigla na namang magpaluto....

Habang nagpapahinga ako ay biglang may pumasok ng pinto...


"Zero...nabili mo ba lahat ng nakalista.."

Ilang segundo na ang lumipas hanggang sa nauwi na sa minuto pero walang sagot mula kay Zero. Napakunot ang noo ko. Nakaamoy ako na parang familiar na amoy at kasunod nun ay mabangong amoy ng bulaklak.

Napaangat ako ng ulo dahil doon. Sumalubong sa mata ko ang mga bulaklak...

Hayyyyy....si Zero na naman, sasabihin ko na sa kanya ang totoo..

"Ammmmm---" Napatigil ako sa sasabihin ko at buti nalang napatigil ako.....

Si Chase yun at may dalang bulaklak para sa akin....Meron ako bulaklak na nalagay sa gilid na binigay ni Zero pero itong bulaklak na binigay ni Chase ay kahit simple ay sweet para sa akin.Yung kay Zero ay bouquet pero kay Chase ay simpleng tatlong rose.

Napangiti ako doon....kahit na pinagtataka ko ay kung paano siya nakapasok pero OK lang.

Parang nawala ang pagod sa akin ng makita ko si Chase.Napatingin ako sa tatlong rose na binigay niya sa akin.

"Parang pinitas lang sa kung saan ahh"

"Paano mo nalaman yun..."

Napatawa ako sa sinabi niya, gayun din siya.Lumapit pa siya ng husto sa akin...


"Mukhang pagod ang Maddie ko ahhh" sabi at hinalikan ako sa noo.

"Ok lang ako.."

"Pero dapat ay wag mong pagurin ng husto ang sarili mo.Alam kong ginagawa mo ito para sa pamilya mo--"

"Para din sayo.." putol ko sa sinabi niya na ikinangiti niya.Kilig na naman ang baliw...

"Basta ahhh..ayokong makita kang napapagod ng husto...." sabi niya at hinawakan ang pisnge ko ng dalawang niyang kamay....

"Hmmm...kita ko sa mata mo na sobrang pagod ka na pero maganda parin..."

Tumawa lang akonsa mga pinagsasabi niya...

"Seryoso ako sa sinasabi ko pero tinatawanan mo ako....hmm....hindi seryoso sa akin ang Maddie ko..."

"Asuuussss....baliw" ngumiti lang siya sa sinabi ko at hinalikan ako sa noo, sa ilong, sa kabilaang pisnge at sa labi.Mas matagal nga lang sa labi...

Kapos ang hiningang bumitaw kami sa isa't-isa.Napangiti ako dahil wala na ang pagod sa akin.

"Akala ko ay pumunta ka kay Casper..."

"Hmmm...yup..."

"So pumunta ka na...."

"Hindi pa..."

"Edi saan ka pumunta kung hindi doon"

"Hmmm...doon sa bahay niyo" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya..

"Bakit naman?"

"May binigay lang kay Anna..."

"Huh??"

"Hmmm...wala lang..regalo langbsa kanya kasi hindi ko siya naregaluhan nung birthday niya..."

"Ahhhhh..."


Napatingin kami sa pinto, hindi sa pinto na pinapasukan ng mga employee.Doon sa pinto na kung saan ang mga waiter ay nagsasabi ng mga lulutuin.At mukhang may ipapaluto na naman...

"Sige na Chase....kailangan mo nang umalis.Kapag nahuli ka dito, patay tayo" Tumango lang siya at hinalikan ako ng mabilisan at mabilis na lumabas sa pinto.Napatingin lang ako sa nilabasan niya bago bumukas ang pinto at sinabi ang lulutuin.


Ilang minuto din bago bumalik si Zero na maraming dalang plastic.Mukhang nabili niya na ang lahat.

Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa tatlong rose.

"Saang galing toh..."

"Ammmm....binigay sa akin."

"Employees?.."

"Hindi...ammm....may binigay na naman na lulutuin.Yung niluto mo daw ulit at iba sa akin.Kailangan na daw yung maluto..." sabi ko at bumalik ulit sa pagluluto.Ramdam kong umalis na siya sa dati niyang pwesto at pumunta na sa pwesto niya kung saan siya nagluluto.

Ilang oras din kaming ganuun.Nag-uusap lang kami pero patungkol sa niluluto.Napapatingin ako sa kanya at nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin o sa tatlong bulaklak na nasa gilid ko.Oo nga pala, yung binigay niya sa aking bulaklaknay nakalagay din sa gilid ko pero medyo kalayuan.


6:00 pm na at doon na kami umalis. Ibang cook na ang naka-schedule dito.Inalis ko na ang suot kong damit at nilagay yun sa locker.Kinuha ko na ang bag ko.


Nasa labas na ako ng tinawag ako ni Zero at lumapit sa akin.

"Mukhang wala yung sundo mo.Ihatid na kita.."

"Hindi pwede, at saka parating na yun..."

"Hmmm....mukhang wala naman...lika na"

"Hindi pwede Zero, ayokong magkaroon ng away sa inyo...."

"Ano naman ang mali sa gagawin ko.Maiintindihan niya yun, at saka mukha namang mabait ang kapatid mo"


"Hindi ko siya kapatid..."

"Huh?...ano mo siya?"

"Bo--"

....

.....

"Boyfriend niya..."

Napatingin kaming dalawa sa gilid lang namin na nandoon si Chase. Nakasandal lang sa gilid ng pinto. Mukhang kanina pa siya doon....

Lumapit sa amin si Chase.Napalunok ako ng wala namang lukunukin dahil kitang-kita ko sa mata niya ang iritasyon at galit na para kay Zero.

Ayaw kong magkaroon ng away.....

"Zero...mauuna na kami..."

"Hindi pa Madison "


Seryosong sabi ni Chase at tinawag niya akong Madison.....seryoso talaga siya....


"Boyfriend ako ni Madison at alam kong sayo galing yung bulaklak doon.Ayaw na ayaw kong may nagbibigay sa kanya ng ganuun... Tandaan mo ito Montenegro!!"

Kilala ni Chase si Zero.At sa sinabi niya ay talagang babala kay Zero...

Hayyyyy....lagot ako nito.

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now