twenty~~ Alice

1K 24 0
                                    

Madison's POV

Hindi ko alam kung anong sumapi sa boss ko ng pumayag siya sa sinabi ko na magleave ng ilang araw.Gusto ko munang magrelax at nandoon naman na si Eris at saka may pumalit sa pwesto ko habang wala ako at saka kaya na nila ang ginagawa nila....

Nandito ako ngayon sa bahay at pinapanood si Anna sa mini garden niya.Inaayos niya ang mga bulaklak na natanggap ko kay Zero.

Nakakagawa talaga ng paraan si Chase para ma-contact lang ako.Balak ko sanang ibahin ang number ko pero marami ng may alam ng number na yun.Mahirap mag-iba lalo na kung importante....

Kanina lang ay nagtext siya ulit ng good morning with heart emoticon...

Hindi niya daw ako susukuan, edi tignan nalang natin ang kaya niyang gawin...

Napatingin ako sa hawak kong cellphone ng tumunog iyun.Speaking of the devil, eto siya at nagtext....

'Nasa labas ako...'

Napatingin ako sa may gate at may kumakaway-kaway doon.Agad na akong lumapit dahil baka makita siya nina papa at mama.Sa totoo lang ay wala pa silang alam na wala na kami. Hindi ko masabi sa kanila na wala na kami.Dahil ayokong mag-alala sina mama at Anna, lalo na si papa...

Tuwing tinanong nila na kung nasaan siya at bakit hindi na dumadalaw ay isa lang ang sagot ko....

' Na busy ito sa trabaho...'

Na kahit hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng ginawa ko ay ayoko lang talaga silang mag-alala sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanila na wala na kami dahil niloko niya ako....

Kaya delikado ako kapag nakita siya ni mama at papa. Sasabihin ko naman talaga sa kanila na wala na kami pero naging busy na ako at gayun din naman sila at mukhang wala na silang pake doon pero kapag nakita siya dito ay lagot na. Pasalamat nalang at mukhang walang matandaan si Anna na nakita niya si Chase dahil busy ito sa garden niya pero kapag wala na siyang ginagawa ay sasabihin niya yun sa iba at doon na sila magsisimula magtanong sa amin....

Dahan-dahan kong binuksan yung gate at dahan-dahang lumabas...

"Anong ginagawa mo dito ahhh...alam mo ba kung anong mangyayari kung makita ka nila dito, pasalamat nalang at mukhang wala pang balak magsabi si Anna..."

"Bakit galit ba sila sa akin? Bakit parang wala lang nung magkita kami ni Anna "

"Kasi-ammm....basta umalis ka na at wag ka nang bumalik pa ok?"

"Kasama ko si Alice, nasa kotse siya...gusto mo ba siyang makilala... kukunin ko siya dito ka lang...."

Nababaliw na ba siya? Gusto niyang mameet ko ang Alice na yun na parehong kulay ng mata ko at doon pa ako kinompara.....

Hindi na ako nakareact ng lumapit siya sa kotse niya at tinawag yung Alice na yun sa backseat ng kotse niya...

"Labas ka na diyan.....lika na....hayy ang tamad talaga, ako na ang lalapit"

Napataas ang isa kong kilay ng pumasok si Chase sa likod at parang may kung anong ginagawa o hinaharot....

Kailangan pa bang lapitan ang Alice na yan, masyadong matagal naman.

Napatingin ako sa cellphone ko para tignan ang oras dahil ang tagal na nila sa loob ng kotse.Sumisipol-sipol na ako para iparinig sa kanila na kailangan na nilang magmadali....

Napatingin ako sa kotse ng bumukas yun.Lumabas yung ulo ni Chase.

"Teka lang ahhh ang hirap niyang paamuhin.Basta ko lang kasi siya kinuha habang natutulog doon sa kama ko....teka lang ahhhh...mukhang wala sa mood si Alice pero teka lang ahhhh....."

Sabi ni Chase at bumalik ulit sa loob.

"Bilisan mo kasi.....antagal naman para namang interesado akong makilala yan"

Pumunta lang pala siya dito para ipakilala yang si Alice na yun. Napatingin ako sa kabilang kalsada para lang magtingin-tingin ng kung ano-ano.

Nakarinig ako ng mga yapak na palapit sa akin...
Kaya humarap na ako doon...

"Nasan na....."

"Eto na siya...Alice siya si Madison, Say hi!....ang cute niya noh"

Napataas ulit ang isang kilay ko at napatingin sa hawak nitong ..........nilalang..

"Madison, siya si Alice.....matagal ko na siyang alaga...."

*meow*

Kinompara niya ako sa pusa..... naghinatay ako dito ng matagal para lang ipakilala sa pusa.Sinuyo niya pa ang pusa niya para lang ipakilala ako....

"Ammm...totoo ngang same ang color ng mata namin...."

Same silver nga, pero nakakainis dahil sa pusa niyang ito ako ikinompara....kaya ba ako napansin dahil pareho ang kulay ng mata namin ng mahal niyang pusa.....

"Naman....ang cute niya diba..."

"Dinala mo siya rito para ipakilala sa akin yang alaga mong hayop, tinext mo ako at pinalabas sa bahay para ipakilala mo yan sa akin..."

"May pangalan siya... .Alice ..... A-LICE..."

Napailing ako at bahagyang napatawa. Nababaliw na siya....

"Ngayo'y napakilala mo na siya sa akin ay pwede na kayong umalis... ayoko na kitang makita Chase...sorry kay A-Lice mo dahil eto na ang una at huli makikita ko siya...."

Medyo lumayo siya sa akin at nakangusong nagsalita habang hinahaplos ang balahibo ng pusa...

"Sinasaktan mo ang damdamin ni Alice...huwag kang ganyan.....At anong aalis na ako at hindi na magpapakita, diba sinabi ko na hindi kita susukuan..."

"Hahaha.....laos na yang linyahan mo, marami nang nauto diyan at hindi ako magpapauto diyan OK?"

Napatingin ako sa pusa niya na nakatingin lang sa ibang direction na parang wala lang ....

Nataas ang dalawa kong kilay ng lumingon sa akin ang pusa niya at ilang segundo lang ay bumalik ulit sa kung saan man siyang nakatingin...

"Totoo ngang cute ang pusa mo pero yung sinasabi ko kanina about sa ' hindi susukuan' ay wala yung kwenta kaya umalis na kayo at baka makita pa kayo rito....."

"Bakit ba kung makita kami, wala namang mangyayari sa akin OK..."

"Walang mangyayari sayo pero sa akin meron kaya umalis ka na..."

"Madison!!!!"

Napatingin ako sa bahay ng marinig ko si mama na tinatawag ako kaya agad akong naalarma..

"Umalis na kayo bilis!"

"Magkikita pa tayo..."

"Oo na..."

Tinutulak ko pa siya papunta sa kotse niya hanggang sa umalis na sila ay nakahinga ako ng maluwag....

Wala na talaga siyang magawa at parang walang nangyari sa amin kung makipagkita sa akin......

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now