twenty-three~~ missing him? why?

998 21 0
                                    

Madison's POV

"This way sir, hindi po diyan....dito po ang way papunta sa office ni Sir Troy "

Minsan talaga ang kukulit ng mga tao.

Nang ma-assist ko na yung lalaki ay bumalik na ako sa pwesto ko. Agad akong nagtipa sa laptop ko ng pangalan ni Eris baka may balita na sa kanya pero gaya ng dati ay wala. Nakakamiss na kasi siya pero alam ko na kung saan man siya ay maayos siya.Nalaman ko ring na may something talaga yang si Sir at Eris, siguro si Sir din ang dahilan kung bakit umalis si Eris...

Ilang araw na ang lumipas pero heto, ganito parin ang araw ko.Yung isang linggong leave ko ay parang wala lang.

Niyayaya ako ni Zero na gumala, umo-oo lang ako pero parang wala akong gana. Mahigit dalawang linggo nang hindi nagpaparamdam si Chase at wala akong pakialam......

......

....

.....

...

WALA NGA!

Sinasamahan ko din si Anna doon sa ginagawa niyang garden na kahit namatay na ang ilan ay may mga nabuhay.Masaya na siya doon.

Tinutulungan ko din si Papa doon sa taniman niya sa likod ng mga ampalaya at kung ano-anong gulay.Gusto niyang ulam ay yung tanim niya....

Si mama na naglilinis lang ng bahay at kung ano-ano pa.Nagpatayo ako ng grocery tabi pang ng bahay para sa kanila. Si mama ang nagmamanage nun.Doon sila kumukuha ng panggastos hindi pa kasama doon ang binibigay ko tuwing nagsesweldo ako.

Tuwing walang ginagawa ay nakakausap ko si papa at lagi siyang nagpapasalamat sa akin sa lahat ng ginawa ko.Masarap pakinggan yun lalo na kung sa kanilang galing. Pero hindi ko na kailangan na marinig panyig pasasalamat nila o hindi na kailangan sabihin pa, ako dapat ang magpasalamat kasi kung hindi dahil sa kanila ay wala ako rito, lalo na si papa na tanggap ako kahit hindi niya ako tunay na anak.....

"Hoy!!"

Napatingin ako sa harapan ko ng may magsalita.Nagulat ako ng makita ko ang isang babae na familiar sa akin.

Naghoy lang siya at umalis agad, may balak pa sana akong puntahan siya pero hindi ko pwedeng iwan itong trabaho ko.Familiar siya sa akin kasi ehhh....

Napatingin ako kay Zero na ngayo'y palapit sa akin pero ako lang ba ang may mali dahil nakikita ko si Chase na palapit sa akin.Yung mukha ni Zero ay naging si Chase na.Nakangiti siya sa akin..

Hindi ko alam ay parang nananabik akong makita siya.Unti-unting kumurba ang labi ko sa isang matamis na ngiti.

Wala siyang dala na kahit na ano. Nakangiti lang ito na palapit sa akin.

"Hi Madison, Good morning...."

Nakangiti parin ako pero wala nang sigla yun.Si Zero na ang nakikita ko at hindi si Chase. Bumati lang siya sa akin at agad nang umalis patungo sa office ni Sir.

Napatingin ako sa bag ko ng tumunog iyun.Nandoon kasi ang cellphone ko kaya agad ko iyung kinuha pero nhlg makita ko ay si mama pala, nagtext siya na mag-ingat daw ako sa pag-uwi dahil may magnanakaw daw na gumagala tuwing gabi. Tama nga kasi nabalita ko na yun.Kaya sinabihan ko sina mama na mag-ingat din kasi may grocery kami at baka may magnakaw.

May nanakawan kasi sa kabilang kanto malapit sa bahay namin.

Binaba ko na ang cellphone ko, akala ko naman siya..

HINDI SA SINASABI KO NA SANA SIYA....AKALA LANG NAMAN...

Napatingin ako sa bag ko at nandoon yung nakatupi na papel na sinulat ko.
Agad ko iyung dinampot at binuklat.

Binasa ko ang mga pinagsusulat ko doon.Agad kong nilapatan ng tunog at ilang sandali lang ay kinakanta ko na.Nakakatuwa naman at nakasulat ako ng kanta.....

Agad akong napatingin ng may palapit sa akin.Agad kong binalik ang papel sa bag ko.

Yumuko ako kunti ng makita kong nasa harapan ko na si Sir Troy kasama sa likod ang bodyguard nito at may kasama din pala siya.....i mean bumubuntot na babae na si Lexi...

"Cancel...." yun lang ang sinabi niya at umalis na siya.Agad akong tumango at umupo na.Napatingin ako sa pinaglabasan ni Sir kasama si Zero kinawayan pa ako bago lumabas at si Lexi na parang asong sumusunod.

Alam ko na ang ibig sabihin ni Sir na kanselin, kanselin ang lahat ng mga meeting at mga appointment na nakalagay sa schedule.Multitasking ang gawain ko ng mawala si Eris.Hindi sa ngayon ko lang ito nangyayari pero iba talaga kapag may Secretary siya....

Pasalamat nalang at malaki ang sweldo ko dahil kung hindi ay magrereklamo ako...



Tanghali na at halos lahat ay kumakain na.Wala pa namang halos gawain kaya tumabi muna ako.Dito na ako kumakain sa pwetuhan ko.Hindi ako nakikita dahil mataas ang cubicle ko.

Napatingin ako sa niluto kong ulam..

'Tuturuan mo akong magluto....'

Napangiti ako ng wala sa oras pero agad iyung nawala dahil hindi ko naman siya halos naturuan kasi dahil sa nangyari.Marunong na ba siya ngayong magluto.....hindi ko alam...

Pinangako ko sa kanya na tuturuan ko siya pero natupad iyun.Hindi niya rin namang tinupad ang pangako niya kaya quits lang.

Nagsimula na ako kumain at ng matapos na ako ay bumalik na ako sa pwesto ko. Napatingin ako sa magcouple na dumaan sa harapan ko.Tinutulungan ni girl si boy na magbuhat pero ayaw nung boy kaya eto at naririnig ko parin sila.

Napangiti ako nung kami noon ni Chase ay tinutulungan niya ako sa pagbuhat ng mga gamit ko.Nagagalit pa nga ako kasi buhat niya ying bag ko gusto niya pang buhatin ang mga dala ko.

"Ako na kasi..."

"Bakit mo naman binubuhat..."

"Kasi responsibility ko yun bilang boyfriend mo"

"Sinagot kita bilang boyfriend ko, hindi maging alalay ka akin na nga yan.."

Napatawa ako sa naririnig ko doon sa magkasintahan. Ganyan pa kaya kami ni Chase kung hindi kami naghiwalay noon.

Nawala ang ngiti sa labi ko ng rumehistro lahat sa utak ko ang mga nangyayari sa akin ngayon.

Bakit ako nananabik na makita siya?
Bakit inaasahan ko na si Chase ang nagtext?
Bakit ko siya iniisip ehh hindi naman dapat?
Bakit ko iniisip ang lahat ng mga nangyari sa amin?
Bakit siya ang laman ng isip ko?

Bakit??!!

Namimiss ko ba siya?

Bakit??!!!

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now