fourteen~~ (past 14) betrayed

1K 23 0
                                    

Madison's POV

"Anong sabi diyan sa text niya?"

Napatingin ako kay Kate na basta-basta nalang lumabas kung saan ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Chase yun...

Nagtext lang siya ng 'I love you..'

Binaba ko ang cellphone at humarap sa kanya.Napatingin ako kay Zero ng pumasok sa CR.Nang mawala na siya sa paningin namin ay hinarap ko na siya...

"Yung totoo Kate, kung gusto mo siya ay sabihin mo.Sa totoo lang ay halatang-halata yang pagpapapansin mo sa kanya.Kung gusto mo siya sabihin, hindi yung siya yung makapansin....."

"Natatakot ako baka mareject ako ehhhh...."

"Matapang ka ba?"

"Oo!"

"Then harapin mo.." bumalik na ako sa pagluluto ng lumabas na si Zero.Si Kate naman ay parang nawala sa sarili ng bigla siyang lumapit kay Zero.

Nabigla ako ng bigla niya itong hinalikan at tumakbo.Akala ko ay aamin na siya pero ganun ang ginawa niya.Napatingin ako kay Zero na natulala sa nangyari.Napatawa nalang ako sa nangyari.

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla nalang may nagtext.Unknown number yun....

'Sa akin lang si Eros! At wala ka nang magagawa dahil nasa akin na siya ngayon!!!'

Napakunot ang noo ko sa binasa ko.Halata namang para sa akin talaga yun at hindi wrong send.

May tiwala ako kay Chase kaya hindi niya yun magagawa.Wala siyang gagawin na masama o ikakasakit ng damdamin ko.Hindi niya ako iiwan gaya ng sinabi niya.Iba siya....

Napatingin ako ulit sa cellphone ko ng may nagsend ng mga picture.

Nabitawan ko ang cellphone ko ng makita ko kung ano yun.Si Chase........at si Denise yun. Alam ko na si Chase yun. Mga picture nilang dalawa na nasa mall o sa kung saan-saan man.At ang pinakahuli ay yung magkahalikan sila.Nakalagay ang mga date ng kuha mg picture.At yung date na magkahalikan sila ay ngayon lang...

Baka edited lang ang mga yun.Nasa modern world na ngayon at kaya nang dayahin ang lahat sa pamamagitan ng edit.Kahit ang mga hindi totoong nangyari ay nagagawa ng pang-eedit.

H-Hindi yun totoo.....

Kalokohan lang ito ni Denise...

Siya ang nag-eedit niyan....alam ko....

Hindi niya ako sasaktan....sinabi niya yun....H-Hindi....

"Madison, ayos ka lang? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

Napahawak ako sa pisnge ko at may luha ngang galing sa mata ko.

"Na-Napuwing lang ako...."

Tumango lang siya sa sinabi ko.

Nang matapos ang lahat ng trabaho ko ay nakita ko na si Chase na nag-aabang sa akin.Nakalagay ang mga kamay sa bulsa.Medyo napatigil ako ng makita ko ang kabuuhan niya.Parehong-pareho sa suot nung nasa picture.

Parehong kasuotan doon.

Ngayong date na nakalagay....

No!

Ayokong isipin..Baka magkataon lang ang nangyari....

Nang makalapit na ako sa kanya ay agad niyang kinuha ang bag ko at hinalikan ako sa pisnge.Nailang ako sa ginawa niya....

Mali toh....hindi dapat ako mailang.

Nang makapasok na kami sa loob ng kotse ay tinanong niya ang trabaho ko.

"Hmmm....mabuti naman kung ganun--"

"Chase, malaki ang tiwala ko sayo..." Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"....sana hindi mo sirain..."

Kita ko ang pagkataka sa itsura niya dahil pinag-uusapan namin ang trabaho ko at ng kanya nang siningit ko ang topic na iyun.

"May problema ba?"

Sabi niya na ikinailing ko lang at napatingin na sa kalsada.Wala nang imikan sa buong biyahe hanggang na sa bahay na ako.Nagpaalam lang ako at umalis na agad.

Kinabukasan ay naghintay ako ng text niya na lagi niyang ginagawa.Pero wala...kaya nagpatuloy na ako sa pagtatrabaho ko.

Malapit na akong matapos sa pagluluto ng bigla nalang may tumawag sa akin.Hindi ko maiwan ang niluluto ko kaya tinawag ko si Zero na maghalo nung niluluto ko.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang caller.Inaasam kong si Chase yun pero hindi......si mama yun.Binilhan ko sila ng cellphone in case of emergency para matawagan agad ako.

"Hello ma--"

(Ate!!!!!)

"Oh Anna, bakit?"

(Si papa sumakit yung dibdib niya. Kaya dinala namin sa hospital!)

Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin na sumakit ang dibdib.Agad kong inalis ang hairnet at nilagay ko sa bag ang cellphone.

"Madison, anong--may problema?"

"Oo, si papa sinugod sa hospital.Ka-kailangan kong puntahan sila. Sorry Zero, maiiwan ko sayo toh.....sorry"

Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko ng lumabas na ako.Nakasuot pa ako ng pangchef pero wala na akong hairnet.

Nang makarating ako doon ay sumalubong sa akin si mama na umiiyak at si Anna na pinapatahan si mama.Agad nila akong nilapitan at niyakap.

"Si papa mo, may nakita daw na butas sa puso.Kailangan daw ng operasyon para doon.Kailangan na daw masagawa iyun dahil baka mahuli na ang lahat. A-Ayoko mawala ang papa mo....ayokong mawala si Marcos...."

"Ok lang ma ang lahat.Papaopera natin si papa.Gagawin ko ang lahat basta maopera na siya sa lalong madaling panahon.Ga-Gagawin ko ang lahat...."

Napaiyak na rin ako. Si papa..... kailangan niya na ng operasyon kaya kailangan ko ng malaking pera.Gagawin ko ang lahat ....lahat...

Napatahan na rin si mama.Napatingin ako sa cellphone ko ng magtext si Chase na puntahan ko daw siya doon.Kailangan niya daw ako doon.

Napatingin ako kay mama na nakaupo parin doon.

"Anna, bantayan mo si mama ahhh may pupuntahan lang ako doon, OK?, tawagan mo ako kapag may nangyari, ok?"

Nang masabi ko yun ay agad akong pumunta sa apartment ni Chase. Nagmamadali na ako dahil kailangan ako sa hospital at kailangan ako ni Chase.Hinahati ko na ang oras ko.Iniwan ko ang trabaho ko para sa kanila dahil importante sila sa akin...

Nang makarating ako doon ay kakatok na sana ako ng bukas ang pinto.Hindi ko ugaling pumasok agad pero ginawa ko.

Napabitaw ako sa cellphone na hawak ko ng makita ko ang nagaganap. Naghahalikan silang dalawa.Nasa ibabaw si Denise at nasa ilalim si Chase.

Napadako ang tingin ni Chase sa akin kaya agad niyang naitulak si Denise. Pinulot ko ang cellphone at lumabas na ako sa pintuan. Para akong nawalan ng panibagong buhay.


"Ma-Maddie sandali...."

Hinawakan niya ako sa braso.Ahad akong humarap at binigyan siya ng isang malakas na sampal.

Umiiling ako napatingin sa kanya. Tumalikod na ako at mabilis na umalis.Napatingin ako sa cellphone ko ng tumatawag si Mama...

"H-Hello....."

(Ate! Si papa tinutulak sa dibdib kanina kasi may tumunog na masakit sa tenga tapos straight yung line sa TV. Pero ok na, bundok-bundok na ulit yung nasa TV.Sabi ng doctor ay kailangan daw ng operasyon agad...)

"P-Pupunta na ako ngayon diyan"

Binaba ko na ang tawag, umiiyak akong pumunta sa hospital....

Lahat ng problema ay sunod-sunod nang dumating sa akin....si papa....at si Chase....

Niloko niya ako....

Katulad din siya ng iba....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now