six~~ (past 6) new job

1K 17 0
                                    

Madison's POV

"Anak....mag-aapply ka ba ngayon..."

"Opo ma....kailangan na mas maaga para mas madaling magkapera"

"Sige anak.....mag-ingat ka ahh...sino pala kasama mo"

"Si Chase po....sasamahan niya ako "

"Ahhh sige...mag-ingat kayo"

"Opo..kayo rin po"

Inaayos ko na yung pinagkainan ko at nagmamadaling umalis ng bahay.Dahil naghihintay sa kanya si Chase.

Nagmakarating ako doon ay nakita ko na agad ko si Chase na nagkasandal sa pintuan ng kotse niya.Nakatalikod ito kaya nagdahan-dahan akong lumapit sa kanya.Nang makarating na ako sa likod niya ay bigla ko siyang niyakap.

Napakunot ang noo ko na wala siyang reaction sa ginawa ko.Tatanggalin ko na sana ng bigla siyang humarap at inangat ang mukha ko at ginawaran ako ng isang mapusok na halik. Tumugon ako sa halik na iyon na sa bandang huli ay siya rin ang bumitaw.Hinihingal na napatingin siya sa akin at ngumiti....

"Hi...."

"Ganuun ka talaga....paano kung hindi ako yung yumakap sayo"

"Ikaw yun...alam ko"

"Paano nga kung hindi edi may nahalikan ka ng iba"

"Alam ko...uso naman kasi ang salamin" turo niya doon sa salamin.

So doon palang ay nakita niya na ako.Bakit ko nga ba hindi naiisip yun?

"So may alam ka nang  tatrabahuan mong resto...."

"Wala....kaya nga maghahanap ako ehhh"

"Bakit hindi doon sa DC "

"Diba kamag-anak mo yung may-ari doon"

"Ammmm....oo"


"Nahhh...ayoko baka bigyan ako ng special treatment kasi girlfriend mo ko"

"Hahahhaa...doon ka sana kasi pagkapasok mo palang sa pinto ay hired ka na"

"Nahhhh ayaw ko ng ganuun....may mga nakita akong mga restaurant na naghahanap ng cook....so yun ang pupuntahan ko..."


Pumasok na kami sa kotse niya.Napatingin ako sa gilid ko para ilagay ang seatbelt pero naunahan niya na ako sa pagkuha.Dahil malapit ang mukha niya sa akin ay bigla niya nalang akong hinalikan sa labi ... smack lang naman....

Nang maayos niya na ang seatbelt ko at pati na rin sa kanya ay nagsimula na siyang magpaandar ng kotse at umalis.

Nagtagal kami ng ilang oras sa pag-aapply pero wala parin.Pang-lima na iyong restaurant na nasa harapan ko ngayon.Napatingin ako kay Chase na nasa labas na nang pinto. Nakasimangot akong napatingin sa kanya.Paano kung katulad din ito ng mga naunang resto na pinuntahan namin.

"Ohhh....go na.Wag kang sumimangot..."

"Kasi..."

"Shhhhh.."

Lumapit siya sa akin at hinalikan ulit ako sa labi.At inayos kunti ang mga buhok ko.Nagsisibagsakan na kasinsa mukha ko.


"Kaya mo yan.Huwag kang paghinaan ng loob.Nagsisimulan palang tayong maghanap ng mga restaurant. Maraming restaurant dito..."

Ngumiti ako sa sinabi niya.Umayos ako ng tindig at lumakad na sa pinto.Dumeretso ako sa counter mismo ng restaurant.

"Hello...."

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now