forty-one~~ missing

817 16 0
                                    

Madison's POV

Nagising ako sa ingay at sakit ng ulo. Napatingin ako sa buong paligid dahil hindi familiar sa akin ang lugar. Madilim at iisang ilaw lang sa gitna ang meron. Sa tingin ko ay gabi na rin dahil kita ko rin sa bintana. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng maramdaman kong nakatali pala ako. Pumiglas ako pero sa bandang huli ay ako rin ang nasaktan.

Sinubukan kong alisin ang pagkatali sa kamay ko pero sobrang higpit talaga nun....

Agad akong napatingin sa pinto ng bumukas iyun. Hindi ko maaninag kong sino ang pumasok.

Mga lalaking nakabonnet ang nakita ko at ang isa ay may dala itong mga papeles. Tinanggal nung isang lalaki ang pagkatali sa akin. Agad akong tumayo para tumakbo pero hinila nung lalaki ang buhok at agad akong pinaupo. Yung ibang lalaki ay may dalang mesa at nilagay sa tapat ko. May nilapag ang isang lalaki na mga papel at ballpen.

"Pirmahan mo ang mga iyan kung gusto mong makaalis dito..." agad akong napatingin sa mga papel at binasa ang mga iyun.

Nakasaad doon na binibigay ko sa kanila ang lahat ng pamana sa.akin simula sa mga lupa, mansion at iba pa.

"Nababaliw na ba kayo? Hindi ko kayo kilala. At mas maganda nang sa charity ko ibigay kaysa sa inyo!"

Napatingin ako sa pinto ng may pumasok doon.

"Madison....Madison.....Madison.."

Boses babae....

Napalaki ang mata ko sa narinig. Ang alam ko ay masama siya pero hindi ko aasahan na darating sa point na ganito.

"Denise....."

"Your one and only...."

"Ano ba ang gusto mo? Sige ibibigay ko na iyun. Kung yung mana sige, ibibigay ko na...."

"Edi pirmahan mo na iyan...."

Hinawakan ko na ang ballpen at magsisimula na sana akong magpirma ng magsalita pa siya.

"Pirmahan mo na ang mga iyan ng makuha ko na ang mana mo pati ang mahal mo.."

Agad akong napatingin kay Denise. Nakangiti lang ito sa akin.

"Oh bakit ka huminto, pirma!!"

"Hindi mo makukuha sa akin. Makuha mo man ang mana ko pero hindi ang taong mahal ko...."

"Sa tingin mo ba? Pagkatapos nito ay buhay kang aalis dito sa lugar na ito. Nababaliw ka na ba para palayain kang buhay....hindi pa ako nahihibang Madison..."

"Denise alam kong hindi mo magagawang pumatay na tao--"

"Nagawa ko na.."

Agad akong napatingin sa kanya. Siya naman ay may kinuhang upuan at tinapat iyun sa akin.

"Well bago ka mamatay ay kwekwentuhan mo na kita...."

Ngumiti ito na parang walang nangyayari. Sinenyasan niya lahat ng mga tao na umalis muna.

"Madison Astrid Zain, alam mo bang gusto ko makuha ang apelyido mo. Balak ko sanang ipaiba ang apelyido ko pero hindi parin pwede dahil wala akong tatak ng Zain, ikaw meron.....yang maganda mo na mata lang naman. Kaya kapag mamamatay ka ay kukunin ko nanrin ang mata mo. Well bago doon sisimulan ko muna sa simula....hindi ako marinong pumatay, pwes nakapatay na ako. Pinanganak ako at namatay ang ina ko. Sa sobrang lungkot ni papa ay sa akin niya sinisi ang lahat. Hanggang sa dumalaga na ako ay sa akin parin. Pero alam mo yung mas nakakadiri...
Ginahasa ako ng sarili kong ama! Sa sobrang galit ko ay nung natutulog siya ay kumuha ako ng kutsilyo. Pinahawak ko sa kanya at sinaksak ko siya. Dahil hawak niya ang kutsilyo ay walang fingerprint na nakuha sa akin kundi sa kanya lang. Lumabas na suicide ang nangyari. Nung nilibing siya hindi ako umiiyak. Walang luhang pumatak sa akin. Dahil masaya ako, masaya ako sa ginawa ko. Alam mo bang malapit na akong mawala sa sarili ko pero dumating si Eros. Nagbigay kulay yun sa buhay ko pero agad ding nawala nang pumasok ka na!!! At saka alam kong playboy siya pero hindi ko aakalin na sayo siya magseseryoso. Masaya na sana ako kung hindi ka eepal , pero sayang din kong hindi ka pakikinabangin kaya sa akin na ang mana pati ang mata mo, kasama na rin si Eros baby ko....."

Napayuko ako at napatingin sa mga papel na nakalagay sa harapan ko. Mamamatay din pala ako, mas magandang mamatay na lumaban kaysa sa walang ginagawa. Agad akong napatingin kay Denise na nakatingin lang din sa akin.

Agad kong hinawakan ang buhok niya at malakas na inumpog sa mesa. Napatingin ako sa noo niya na may dugo pero may malay pa siya, magtatawag na sana siya ng inumpog ko ulit ang ulo niya sa mesa na nagpawala ng malay sa kanya. Pinunit ko ang mga papel at lumapit sa bintana. Dahan-dahang ko iyung binuksan at doon na mismo lumabas.

Nahiwa pa kunti ang sa braso ko dahil sa salamin ng bintana pero hindi ko na iyung pinansin at tumakbo na ako sa labas. Hindi ko makita ang dinadaanan ko dahil madilim at medyo magubat itong lugar na ito.

Pero kailangan kong tumakbo ng tumakbo. Ilang beses na ako nadapa at mauntog sa kung saan-saan pero kailangan ko paring tumakbo. At nang nadapa ulit ako ay parang doon na humina ang katawan ko at nawalan ng malay.....
















Chase's POV

"Hindi parin siya makita...."

"Try niyo ulit. Yung cellphone niya baka malaman niyo kung nasaan siya.."

"Pwede rin po, gagawin na po namin..."

Agad akong umupo malapit sa kinauupuan ng magulang ni Madison. Umiiyak ngayon si Tita Maria habang kayakap si Anna. Si Tito Marcos naman ay kausap ng mga pulis.

Ayon sa nakakita ay sumakay ito sa kotse at katulad iyun ng kotse ko. Baka napagkamalan niya na kotse ko ang sinakyan niya. Napasabunot ako sa buhok ko. Kasama ko si Zero sa tabi ko.

"Makikita din siya Eros, Malalagpasan din ito ni Madison..." alam kong nag-aalala din siya kay Maddie dahil sa mahal niya rin ito.

Baka daw sa kayamanan na namana ni Madison kong bakit siya napahamak. Maraming may gusto ng pamanang iyun.

Kasalanan ko ito dahil hindi siya papasok sa kotse na iyun kung hindi katulad sa kotse ko.

Hindi ko kakayanin kong mawala siya ulit sa akin. Sapat na ang mahabang panahon na nawala siya sa akin. Hindi ko ulit hahayaang mangyari ulit iyun. Hindi mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama.sa kanya...

"Nakita na namin kung saan siya, natrace namin sa location niya!!!"

Agad akong napatayo at tinignan din.

Hintayin mo ako Madison .....parating na ako.....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now