thirty-three~~ chance

831 19 0
                                    

Madison's POV

"Ma! Alis na ako ahhh "

"Geh nak, ingat!"

Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong dumeretso sa lugar kung saan maraming dumadaan na taxi. Wala pa kasi akong pambili ng kotse dahil masyadong mahal at marami pa akong kailangang gawin sa mga perang sweldo ko.

Napakunot ang noo ng may makita akong nakaupo at nakayukong bata. Parang familiar sa akin ang batang ito.

"Bata?....anong ginagawa mo sa tapat ng bahay namin..."

Nagulat ako ng tumayo ito at nagpagpag. Nang umangat ang mukha nito ay laking gulat ko nalang.

"Kanina pa akong tawag ng tawag sa bago niyong bahay hayyyy!!"

"K-Kate! Ikaw nga!!"

Yup, bata palang si Kate. Dahil nga mayaman sila ay hindi na akong nagtaka ng payagan siyang maging waitress noon.

Mas matanda pa si Scarlett kay Kate. Pero matured na mag-isip si Kate. Akala mo ay matanda na kung mag-isip. Naghahanap na nga ng forever itong batang ito. Ayaw niyang sinasabihan ng bata. Gusto niya ay dalaga na. Well, sa ugali ba naman niya ay talagang pangdalaga na. Natatandaan ko pa nga ng nagpapapansin siya kay Zero.

"At anong sinabi mong bata!! Dalaga na ako!!"

"Oo na, dalaga ka na, bakit mag-isa kalang?"

"Well, may kasama naman talaga ako pero ayaw ko ng may bumubuntot sa akin kaya sinabi ko na bantayan niya nalang ako ng 20 meters away sa akin.."

"Hayyy ikaw talaga Kate...."

"Oh siya! Mukhang busy ka naman!! Mauuna na ako!!"

"Teka! Saan ka namang pupunta ahh!!"

"Ahh ammm....shopping!!!!"

"Hayy ikaw talagang bata ka!"

"Huwag mo akong tawaging bata ok?!"

"Sabi mo ehhhh...."

Agad na akong dumeretso sa pupuntahan ko at ng may pumaradang taxi na ay agad na akong sumakay.

Napatingin ako sa labas. Pag sinabi ko kay Zero na nakita ko si Kate at siguradong matutuwa yun. Alam niyang may crush sa kanya si Kate.

Nang makarating ako doon ay wala daw ang CEO kaya nagtrabaho na lang ako. Mga ilang oras lang ay halos wala na akong ginagawa. Nakakapagtaka lang talaga na kahit halos walang ginagawa ni Sir ay patuloy parin ang pag-angat nga TCM Company.

Napatingin ako sa gilid ko at laking gulat ko ng makitang nakatayo doon si Zero at may dalang bulaklak.

"Wala si Sir at nasa rest house nila. Ok naman daw siya kaya pwede muna akong umalis. Kaya heto ako ngayon, bulaklak para sayo.."

"Ahhh...salamat--"

"Wala ka nung  nakaraan sa bahay mo, nalaman ko nalang na umalis ka at may tinapos na trabaho. Doon ka daw nakitulog sa kaibigan mo, pero alam ko ang totoo. May nakakita sayo na pumunta ka sa malapit na upahang apartment sa inyo....."

"Ammm doon nga yung kaibigan ko.."

"Kaibigan?, kaibigan nga ba?"

"Zero..." binaba ko na sa desk ko ang bigay niyang bulaklak at saka hinarapa siya.

" Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo na Zero...."

"Bakit hindi mo alam, alam ko na Madison, alam ko na ... Si Eros ang umupa sa apartment na yun. Siguro nga tama ang iba na mahirap kalabanin ang first love. Yan na ang huling bulaklak na ibibigay ko sayo bilang mangliligaw mo Madison. Siguro nga ay wala talaga akong laban kasi ikaw na ang nagbigay motibo sa akin na siya parin. Ang pagpunta doon para alagaan siya ay isang rason na siya parin talaga. Nagtanong ako sa may-ari, may sakit daw yung nagrenta kaya daw may pumuntang babae para alagaan siya. At ikaw yun diba?"

"S-Sorry Zero, ammm sinusubukan ko paring--"

"Pagod ka na Madison, pahingahin mo na yang puso mo at magsimula ulit. Tanggap ko na, at kung magiging akin ka naman ay hindi ko ring kakayanin. Hindi ko kakayaning makita ka na nasasaktan. Nasa akin ka nga pero ang puso mo ay hindi. Ayoko ng ganuun.... ang magagawa ko nalang ay suportahan ka gaya noon. Pero kapag sinaktan ka niya ulit ay ako na mismo ang pupunta sayo at ilalayo ka sa kanya... mahirap magpalaya pero mas mahirap na nasasaktan ka na nasa tabi kita..."

"T-Takot parin ako Zero...."

Hinila niya ako palabas ng building at pumunta sa isang coffee shop...

Nang makaupo na kami sa upuan at dumating na ang inorder namin ay sakto namang nagsalita si Zero

"Siguro nga ay takot ka, gusto ko nang maging masaya ka, nakikita ko iyun kapag kasama mo siya. Dati, noong kayo pa....nang malaman ko na kayo pala ay nasaktan ako. Ikaw yung una kong minahal kahit na sa loob lang ng ilang araw. Alam mo bang gusto kitang agawin sa kanya pero kapag ginawa ko naman ay makikita ba kitang ganuung kasaya. Na kapag napasaakin ka ay mapapasaya ba kita gaya ng sa kanya. Pero alam kong hindi dahil iba siya at iba rin ako....."

"Gusto mo akong bumalik na sa kanya, ganun ba ang ibig mong ring sabihin. Na titigilan mo na yung panliligaw mo at babalikan ko na siya..."

"Parang ganun na nga...."

"Pero paano ang mga gusto ko Zero, gusto ko siyang makitang nahihirapan, gusto ko siyang makitang nagmamakaawa sa akin, gusto ko siyang--"

"Yun ba talaga ang gusto mo.."

"Oo--"

"Talaga...."

Napatingin ako sa kanya, na siya naman ay umiinom ng kape.

"Come on, Madison...alam natin pareho na naghihintayan lang kayo. Hinihintay mo siya at siya naman ay hinihintay ka..."

"H-Hindi ko siya hinihintay..."

"Talaga ba, kung ganun bakit hindi mo parin ako masagot-sagot...."

"Dahil iba ang turing ko sayo--"

"Dahil hinihintay mo siya, sasabihin ko sayo toh Madison. Akala mo.lang ay komportable akong sinasabi ang mga ganito sayo dahil sa totoo lang ay nasasaktan ako...."

"Sorry--"

"Bigyan niyo ng pagkakataon ang bawat isa. Sinabi ko noon na pareho kaming lalaban pero ako na ang susuko, dahil para saan pa ang ilalaban ko kung sa simula palang ay panalo na siya. Naisip ko na walang silbi lang yun. Ano ba yan! Madison, bigyan mo siya ng chance, malay mo doon ka na sumaya ng lubosan....huwag ka lang niyang sasaktan ulit, ayokong mapunta lang iyong pagpapalaya ko sayo sa walang lang. Sige na.....puntahan mo na siya kung saan man dahil alam kong alam mo kung nasaan siya..."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at agad akong tumayo at umalis.

Isa lang ang nasa isip ko, ay ang puntahan siya....

Agad na akong dumeretso sa may pumaradang taxi....

"Kuya, puntahan niyo po itong address na sasabihin ko po sa inyo.."

Agad namang tumango ang driver nung sinabi ko na ang address.....ng inuupahang  apartment ni Chase....











Third person's POV

Nakangiti lang si Zero hanggang sa pag-alis ni Madison sa harapan niya ay agad nawala ang ngiti sa mga labi nito.

Agad niyang pinunas ang luhang basta nalang bumagsak sa pisnge.

"Masaya siya doon, wala akong laban. Mas masasaktan siya kung ipagpapatuloy ko lang ang gusto ko. Hayyy....maraming babae sa mundo. Makakamove-on din ako.."

Agad na itong tumayo at nag-iwan ng pera sa lamesa. Sa paglabas niya sa coffee shop na iyun ay alam niyang panibagong araw ulit iyun sa buhay niya.....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now