fifteen~~ (past 15) move on

1K 24 0
                                    

Madison's POV

Pumara ako ng tricycle papunta sa hospital.Masakit ang katawan ko gayundin ang puso ko.....

"Maddie!!!!!"

"Maddie!!!!"

Napatingin ako sa likod ko ng makita ko si Chase na humahabol sa akin. Masakit na ang puso ko dumagdag pa siya. Parang gusto kong isigaw ang lahat ng sakit....

Nasa harapan ko na siya, walang emosyong nakatingin ako sa kanya.

"Aksidente lang ang nangyari..."

"Lumang dahilan na yan, wala na bang bago..."

"Totoo ang sinasabi ko, paniwalaan mo naman ako ohhh!"

"At ikaw pa ang galit sa atin ahhhh.."

"Gusto ko lang na paniwalaan--"

"Wala kang kwenta!!! Sinungaling!!! Manloloko!!!"

"Sorry...."

"Diyan ka magaling!! Sa tingin mo ba diyang sa sorry mo ay maiibsan niyan ang sakit na nararamdaman ko!! Loko!! HINDI!!!! Akala ko ay iba ka...katulad ka rin ng iba!!! Walang kwenta!!"

"Sorry kasi nasaktan kita, pero hindi totoong--"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya ng sumakay na ako sa tricycle at umalis na.

Habang papunta sa hospital ay umiiyak ako.Hanggang sa hospital ay umiiyak parin ako.Sumalubong sa akin si mama na umiiyak ulit.Dahil sa nangyari kay papa.

Binigyan kami ng panahon para magbayad sa hospital na kinapasalamat ko.

"Anak, saan tayo kukuha ng pera, nandito ang papa mo. Saan tayo kukuha ng malaking halaga para sa operasyon."

"Ako na ang bahala ma....."

Kinabukasan ay nagpaalam ako kay mama na papasok ako sa restaurant.Pagdating doon ay sumalubong ang manager namin.

May inabot siyang pera sa akin na pinagtaka ko..

"Sir, b-bakit po ito?"

"Huling sweldo mo na yan.Tanggal ka na.Nalaman ko kahapon na basta ka nalang umalis.Bumisita ako dito kahapon pero wala ka.Oo nga pala, kasama mong nawala sa trabaho yung si Kate at Zero.Pinagtakpan ka nila sa ginawa mong pag-alis pero nalaman ko parin"

"S-Sir, pasensiya po, kailangan lang po ako sa bahay kasi nahospital si papa--"

"Eto nga pala, sinabi ni Zero at Kate na sayo nalang daw ang huling sweldo nila....Ohh ayan, makakaalis ka na"

Pagkasabi niya yun ay tumalikod na siya at pumasok sa restaurant.Naiwan akong nakatayo sa pintuan. Napatingin ako sa pera na hawak ko.

Nilabas ko ang cellphone ko at tinext silang dalawa.

'Patawad at salamat'

Wala na akong trabaho, wala na akong pangtustos sa pangangailangan ng pamilya ko.Paano na si papa, kailangan niya ng operasyon, kailangan niya ng pera at eto lang ang meron ako.

18 thousands lang ang meron ako. Hindi sapat sa operasyon ni papa.Ang gusto ko ay maoperahan na si papa ngayon, ayokong maiharapan pa siya.

Agad akong pumunta sa hospital at dumeretso ako sa mismong doctor na magpapaopera kay papa.

"Doc, eto lang po ang meron ako, pero po sana ay maoperahan na si papa. Maghahanap pa po ako ng pera pero sana po ay tanggapin niyo na po eto muna.Kailangan nang maoperahan si papa...."

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now